Aljur Abrenica claims wife Kylie Padilla cheated on him first: "Please tell them the truth."

by Arniel C. Serato
Oct 19, 2021
Aljur Abrenica to estranged wife Kylie Padilla: "Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family."
PHOTO/S: Courtesy: @ajabrenica / @kylienicolepadilla on Instagram

Binasag na sa wakas ni Aljur Abrenica, 31, ang kanyang katahimikan kaugnay ng hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla, 28.

Sa kanyang verified official Facebook page ngayong gabi ng Martes, October 19, ibinahagi ni Aljur ang kanyang saloobin tungkol sa paghihiwalay nila ni Kylie.

Hindi na raw kasi matiis ng aktor ang "sugar-coated" na mga pahayag ni Kylie tungkol sa kanya.

Kaya naman nakiusap si Aljur kay Kylie na sabihin na nito ang katotohanan sa likod ng pagkasira ng kanilang relasyon.

Pagsisiwalat pa ni Aljur, si Kylie ang unang nangaliwa at siyang sumira sa pagsasama nila.

Pahayag ng aktor (published as is), "Kylie please tell them the truth.

"Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain.

"Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family.

"Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know."

Kahit daw sandamakmak na mura at hate messages ang kanyang inabot dahil sa hiwalayan nila ni Kylie, wala raw siyang sama ng loob sa netizens.

Continue reading below ↓

Lalo pang inatake ng netizens si Aljur sa social media nang aminin ni AJ Raval ang kanilang namumuong relasyon.

Pahayag ni Aljur, "I have no hate for them despite of all the attacks and accusation they have towards me.

"I do appreciate their reactions because I know it comes from their genuine morality and support towards our family. So they also deserve to know the truth."

"TELL THEM WHO CHEATED FIRST"

Humingi ng dispensa si Aljur kay Kylie kung bakit binali niya ang usapan nilang hindi siya magsasalita sa publiko ukol sa kanilang hiwalayan.

Ayon kay Aljur, kahit "one-sided story" lang ang inilabas noon ng ama ni Kylie na si Robin Padilla tungkol sa kanilang hiwalayan ay hindi pa rin siya kumibo.

Pero ngayon daw na ang mga tagasuporta nila pareho ay pinupuna pa rin siya, nawawasak daw ang puso niya dahil nakayanan pa ni Kylie na manahimik sa kabila ng katotohanan.

Continue reading below ↓

Saad ni Aljur, "I’am sorry for asking these questions and for breaking our agreement of not speaking to the public.

"When your dad (robin) opened to the public his one sided story.

"I maintained my silence because of our agreement.

"But now that people who supports us still throw accusations and reading you’re statements it breaks my heart that you can sit still despite of the truth."

Sa isang panayam ay kinumpirma ni Robin ang napapabalita pa lamang noong hiwalayan nina Kylie at Aljur. Sinabi rin ng action star na "third party" sa parte ni Aljur ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Inudyok ni Aljur si Kylie na sabihin kung sino ang unang nangaliwa sa kanila at kung sino ngayon ang kasama nito.

Aniya: "Tell them who cheated first.

"Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this.

"Tell your dad the truth. If not for them do it for our children.

Continue reading below ↓

"After so many years will you allow our children let them believe this story that you and dad left for me?"

Noong una, okay lang daw kay Aljur na siya ang sisihin sa kanilang hiwalayan. Kaya nakiusap siyang sana tantanan na siya dahil siya ang biktima sa sitwasyon.

Saad ni Aljur, "At first it was fair for me, to take all the blame. Is it also fine with you guys to let the innocent be attacked with false accusations?"

Continue reading below ↓

Sa PEP Exclusives noong Lunes, October 11, sinabi ni Kylie na karapatan ni Aljur na lumigaya ngayong hiwalay na sila.

Ayaw rin daw niyang malungkot si Aljur dahil baka mapansin at mahalata ng dalawa nilang anak na sina Alas at Axl.

Mariin namang pinabulaanan ni AJ na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Aljur at Kylie.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica to estranged wife Kylie Padilla: "Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family."
PHOTO/S: Courtesy: @ajabrenica / @kylienicolepadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results