Pinagsisisihan daw ni Aljur Abrenica ang ginawa niyang Facebook post kamakailan laban sa estranged wife na si Kylie Padilla.
Isang mahabang mensahe ang ipinost ni Aljur noong October 19, 2021 kung saan naglabas siya ng saloobin hinggil sa paghihiwalay nila ni Kylie.
Paratang ni Aljur, si Kylie umano ang unang nangaliwa at sumira ng kanilang pamilya.
Hinamon pa ni Aljur si Kylie na magsalita ito at sabihin ang totoo.
Hindi na mababasa ang Facebook post ni Aljur dahil binura na niya ito.
Bagamat aminado si Aljur na may pagkakamali rin siya, lumalabas na hindi na niya kinaya ang matinding batikos na natatanggap mula sa netizens.
Marami ang kumondena kay Aljur at sa napapabalitang karelasyon niyang si AJ Raval.
ALJUR ADMITS POSTING IMPULSIVELY
Nagsalita si Aljur hinggil sa kontrobersiya sa presscon ng pelikulang Manipula ngayong Sabado, October 23, 2021.
Inusisa siya kung ano ang nag-udyok sa kanya na gawin ang pinag-usapang Facebook post.
“Well, I’m not proud sa nangyari. The reason why na nagawa ko iyon… out of impulse,” pag-amin ni Aljur.
“Kasi I felt like nasadsad na ako, e, natulak… lubog na ako, nabugbog na ako.
“So, it was not my intention na maglabas ng ganoong post. Pero naramdaman ko talaga na kailangan na kasi.”
Dahil sa matinding batikos na natanggap niya sa social media kaugnay ng pagkaka-link nila ni AJ, naudyok daw si Aljur na mag-post.
ALJUR SAYS KYLIE WAS THE LOVE OF HIS LIFE
Nagbitiw pa ng salita si Aljur na itinuturing niyang “love of my life” si Kylie.
Sabi niya, “I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ang babaeng iyon.”
Maging siya man daw ay lubhang naapektuhan sa pagkasira ng kanilang pamilya.
Diin niya, “I value our family more than anything. So, I was really affected nung nangyari iyon.”
Sana raw ay igalang pa rin ang pagnanais niyang huwag nang pahabain pa ang isyu.
Giit niya, “Pamilya ko pa rin sila. May pagkakamali din ako.
"At for the sake of our children, si Alas and Axl, gusto ko lang matapos ito.
“She’s still the mother of my children. May pinagsamahan pa rin kami. I will never forget that. Pinagpapasalamat ko iyon.”
Pakiramdam ni Aljur ay naihayag na nito ang gusto niyang sabihin.
Ayaw na raw niyang pahabain pa ang sasabihin at nakiusap sa press para sa kanilang pang-unawa.
Pahabol niya, “Nasabi ko na lahat ang gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gusto pang i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila.”
Ikinasal sina Kylie at Aljur noong December 2018. Mayroon silang dalawang anak, sina Alas, 3, at Axl, 1.
Noong July 2021, ibunyag ni Robin Padilla na hiwalay na ang anak niyang si Kylie at asawang si Aljur.
Ayon kay Robin, third party sa parte ni Aljur kaya naghiwalay ang mag-asawa.
Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
