Alden Richards opens up about witnessing a priest exorcise a haunted house, possessed fan

by Rachelle Siazon
Nov 5, 2021
Alden Richards
Alden Richards on paranormal phenomenon: "There's something in this world that we don't know, but they exist. My stand on that is yes, we can believe they exist, but we don't have to be afraid. Hindi sila dapat katakutan because faith is stronger than any dark entities."
PHOTO/S: PEP File

May personal na karanasan si Alden Richards sa mga kababalaghan o paranormal activity, pero idiniin niyang hindi ito dapat katakutan.

Noong ginagawa pa lang ang two-storey house niya sa Laguna, napag-alaman niya na ang original house na nakatirik doon ay haunted o minumulto ng kung anumang dark entity.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "When I got the house, it's an existing concrete. Meron na siyang naka-build na bahay. And then, I just had it for renovation.

"Ang usapan namin ng contractor, it's just a renovation for four months. Pero magte-ten months na, di pa natapos.

"I asked a friend kung meron silang kilalang priest na baka puwede kaming tulungan for a blessing of the house.

"Kasi, we feel like there's something in that house kasi nagrereklamo yung mga nagtatrabaho."

Si Father Jeff Quintela, ang Catholic priest na trained sa exorcism, ang pumunta sa bahay ni Alden.

Sa Catholic faith, may proseso sa pagdarasal ng deliverance prayers kunsaan winawaksi ang masamang elemento sa ngalan ng Panginoong Diyos.

Continue reading below ↓

Ani Alden, "He went there, and true enough, the house was possessed.

"So, we exorcised the house and then the renovation became faster. Natapos lahat.

"Actually, yung possession, it involves demonic entities, e. So it's a demonic possession."

Saksi si Alden sa kababalaghan nang dasalan ang ongoing renovation sa kanyang bahay noon.

Nasugatan pa raw ang right forearm ni Alden.

Balik-tanaw pa niya: "Dun ko na-experience yung walang kahangin-hangin and then humampas yung pinto nang sabay-sabay.

"And then, after the exorcism, I had a scratch mark here na bigla na lang siyang nag-bleed. Para nga siyang kalmot ng pusa, e."

Sa halip na matakot, ipinaliwanag ni Alden na mas nanaig ang kanyang pananampalataya sa Diyos.

"There's something in this world that we dont know, but they exist.

"My stand on that is yes, we can believe they exist, but we don't have to be afraid.

"Hindi sila dapat katakutan because faith is stronger than any dark entities. Pero meron po."

Continue reading below ↓

Naging volunteer si Alden sa ilang exorcisms na isinasagawa ni Father Jeff.

"Afterwards, dun ako naging open. Sabi ko kay Father Jeff, I wanted to join him if he can bring me to events like those.

"I've had a couple of experiences with mga tao na ine-exorcise, at least two of them.

"And may experience ako with different houses [na possessed by dark entities]."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa PEP Exclusives noong araw na nag-renew siya ng kontrata sa GMA-7.

THE "UNSEEN" PASSENGER IN ALDEN'S CAR

Hindi malilimutan ni Alden ang insidente kunsaan isang fan niya ang tila nakakakita ng multo.

Hindi niya ito pinangalanan for confidentiality purposes.

Kuwento ni Alden: "Before, prior talking to Father Jeff, itong si fan natin is nakakakita ng multo sa paligid.

"There's this one time, meron kami pinuntahang event na magkasama.

"And then I was [about to drive] alone pauwi, we finished at 10 p.m.

Continue reading below ↓

"Kumatok siya sa side window ko. Sabi ko, 'Bakit?' Sabi niya, 'Kuya Alden, ingat ka kasi may kasama ka sa harap.'"

Napangiting sabi pa ni Alden sa awtor na ito, "10 p.m. yun and then pauwi ako mag-isa."

Pero hindi raw naalarma si Alden.

"Sabi ko, 'Okay lang. Hindi naman ako takot, e. I still drove home."

HOT STORIES

ALDEN'S FAN "POSSESSED" BY DARK ENTITIES

Naisip ni Alden na ipakilala ang kanyang fan kay Father Jeff dahil sa mga nakikita nitong kababalaghan.

"And then, nung nakilala ko na si Father Jeff, sabi ko, 'Baka puwede natin tulungan itong fan ko na ito. Kasi meron siyang gift of clairvoyance. Nakakakita siya ng multo.' 'Sige, i-pray over natin,' sabi ni Father."

Dito na raw napag-alaman ng pari na "possessed" ang fan ng kung anumang masamang elemento.

"So I brought her to Father Jeff. Parang nung pini-pray over na siya ni Father Jeff, she's turning red.

Continue reading below ↓

"Tapos nagkakaroon ng resistance sa holy items like the cross, the oil, and the holy water.

"All along, we thought she was oppressed. Oppression, meaning, yung mga bagay sa paligid niya yung possessed.

"Tino-torment pala siya ng seven entities."

ALDEN'S FAN UNDERGOES SERIES OF EXORCISMS

Kasama si Alden bilang lay volunteer sa pag-alalay sa fan nang in-exorcise ito ni Father Jeff.

Tulad ng mga napapanood sa pelikula o telebisyon, pumipiglas daw ang fan sa tuwing dinadasalan ito ng deliverance prayers.

"Nung ine-exorcise siya, nandun ako. I was holding her feet. Sobrang lakas. Totoo yun, malakas talaga yung taong possessed.

"Tatlo na kaming may hawak sa kanya and she's a girl. Kaya niya kami ibalibag. Na pag binitawan namin siya, makakatakbo siya."

Mahalaga ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos para tuluyang mawaksi ang masamang elemento.

Ayon pa kay Alden, "Yun, exorcise, exorcise... Bigla siya bumangon. Pagkabangon niya, 'Kuya Alden, tulungan mo ako nahihirapan na ako.'

Continue reading below ↓

"Sabi ni Father, 'Huwag ka maniwala, hindi pa siya iyan. Dasal ka lang.'

"Then I was holding a crucifix, I was pushing down her feet, so ayun. Until nailalabas namin."

Ilang beses pa raw sumailalim sa deliverance prayers ang fan ni Alden.

"Kaya langa after nun, nagkaroon pa ng isang session kasi pagkalabas, nao-oppress naman siya. Wala sa loob niya, pero nasa paligid niya.

"So, that was a continuous process that went on for six months unannounced.

"Kasi siyempre, those are the things that should be confidential and that's why di ko siya pinapangalanan."

Ang nasaksihan niyang iyon ang lalo raw nagpatibay ng pananalig ni Alden sa Diyos at kahalagahan ng pagdarasal para labanan ang masamang elemento.

"That's what happened. Yung moment na yun opened my mind to these kinds of mga moments at happenings sa paligid natin."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on paranormal phenomenon: "There's something in this world that we don't know, but they exist. My stand on that is yes, we can believe they exist, but we don't have to be afraid. Hindi sila dapat katakutan because faith is stronger than any dark entities."
PHOTO/S: PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results