Makati City Prosecutor’s Office finds probable cause on acts of lasciviousness complaint vs Tony Labrusca

by Bernie V. Franco
Nov 11, 2021
Tony labrusca sando
Makati City's Office of the Prosecutor says the charge of acts of lasciviousness versus actor Tony Labrusca is approved for filing in the proper court. Right photo shows Tony with jeweler Drake Ibay, who is one of the five witnesses to the acts of lasciviousness committed by the actor.
PHOTO/S: @tony.labrusca on Instagram / CTTO

Pinaboran ng Makati Prosecutor’s Office ang reklamong acts of lasciviousness na inihain ng isang female complainant laban sa aktor na si Tony Labrusca.

Minarapat na hindi pangalananan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang female complainant dahil sa private person ito.

Nakatanggap ang PEP.ph ng kopya ng resolution ng Prosecutor’s Office ng Makati City.

May petsa itong October 21, 2021 at pirmado ni Assistant City Prosecutor Marc Jeremiah R. Garcia at aprubado "for the city prosecutor" ni Henry M. Salazar, deputy city prosecutor chief, 3rd Division.

Saad dito, may basehan ang reklamong inihain ng female complainant laban sa respondent na si Tony.

May kinalaman ito sa napaulat na salu-salong nangyari sa bahay ng pamilya ng jeweler na si Drake Ibay sa Dasmariñas Village, Makati City, noong January 16, 2021.

Ang okasyon: double birthday celebration ng babaeng kapatid ni Drake na si Danielle Louise Ibay at kaibigan ni Danielle na siyang female complainant.

Continue reading below ↓

Imbitado rito si Tony, kasama ang kanyang inang si Angel Jones.

Nakadetalye sa resolusyon ang reklamaong acts of lasciviousness ng female complainant laban kay Tony.

Dahil umano sa sobrang kalasingan, sa isang punto ng party ay nilapitan ni Tony ang female complainant, hinila umano ang strap ng damit nito, dahilan para ma-expose ang dibdib ng complainant.

Hinawakan din umano ni Tony sa baywang ang babae at inupo ito sa kandungan ng aktor.

Taliwas ito sa depensa ni Tony.

Argumento ni Tony, hindi niya kasalanan na nalalaglag ang strap ng damit ng female complaintant, at ito umano ang kusang kumandong sa kanya.

"PROBABLE CAUSE" FOR ACTS OF LASCIVIOUSNESS

Pero diin ng piskalya, ang salaysay ni Tony "was not only unsubstantiated, it was successfully belied by the complaintant and her several witnesses.”

Nakasaad na ang female complainant ay sinusuportahan ng limang witnesses sa nangyaring insidente.

Kabilang na rito si Drake, dalawa nitong kapatid na sina Dennis at Danielle Louise, at dalawa pang katao na nasa party.

Continue reading below ↓

Tinalakay rin sa resolution ang mga elemento ng acts of lasciviousness na nakasaad sa Article 336 ng The Revised Penal Code.

Pasok sa kaso ni Tony ang probisyon na "that the offender commits any act of lasciviousness or lewdness."

Sabi pa ng prosecutor, ang paghila ni Tony sa strap ng damit ng female complainant, dahilan para ma-expose ang dibdib nito, at ang paghila ng aktor sa complainant sa kanyang kandungan, "suffices the finding of probable cause to indicate that the actions of the respondent during the incident in question constituted 'lascivious conduct.'"

Ang pinal na desisyon ng piskalya:

"WHEREFORE, it is respectfully recommended that the corresponding information indicting Anthony Angel Jones Labrusca, Jr. (a.k.a. “Tony Labrusca”) for acts of lasciviousness be APPROVED for filing in the proper court."

Sinabi ng prosecutor na mayroong hiwalay na resolution para sa motion ng female complainant na precautionary hold departure order para kay Tony.

Continue reading below ↓

Ang female complainant ay umapela ng precautionary hold departure order laban kay Tony sa opisina ng piskalya noong October 15, 2021.

back story

Noong June 4, 2021, sabay na naghain ng hiwalay na reklamo sa Makati Prosecutor’s Office ang female complainant pati na si Dennis Ibay laban kay Tony.

Nagsampa si Dennis ng reklamong aggravated slight physical injury, habang ang female complainant ay reklamong dalawang bilang ng acts of lasciviousness.

Ang aggravated slight physical injury na reklamo ni Dennis ay ang pananakal umano sa kanya ni Tony noong gabi ring iyon.

Dahil din umano ito sa kalasingan ng aktor.

July 14, 2021, ibinalita ng jeweler na si Drake Ibay na ibinasura ng Office of the Prosecutor ng Makati City ang reklamo ng kanyang kapatid laban kay Tony.

Ayon sa resolusyon, paso na o wala nang bisa ang reklamo ni Dennis dahil sa technicality. Lampas na sa dalawang buwang palugit sa period of filing of complaint ang petsa kung kailan nangyari ang insidente.

Continue reading below ↓

Pero sinabi ni Drake na magsusumite sila ng motion for reconsideration.

Ani Drake sa PEP.ph noong Hulyo, "We are filing for motion for reconsideration due to the fact that the prescription of 2 months was revised to 5 years in 2017 as per ‘arresto mayor’ which is indicated in the resolution."

Samantala, bukas ang PEP.ph sa panig ni Tony kaugnay ng isyung ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makati City's Office of the Prosecutor says the charge of acts of lasciviousness versus actor Tony Labrusca is approved for filing in the proper court. Right photo shows Tony with jeweler Drake Ibay, who is one of the five witnesses to the acts of lasciviousness committed by the actor.
PHOTO/S: @tony.labrusca on Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results