Bugoy Cariño defends partner EJ Laure against offensive comments from bashers

by Arniel C. Serato
Nov 7, 2021
Bugoy Carino EJ Laure bashers
Bugoy Cariño on partner EJ Laure: "SA PANAHON NGAYON, HINDI MO KELANGAN MAGJOWA NG MAITSURA O MALAKI COCOMELON, MAS MASARAP MAHALIN UNG MADISKARTE AT HINDI MAARTE, SIYEMPRE LOYAL.”
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram / Bugoy Carino on TikTok

Palabang dinepensahan ni Bugoy Cariño ang partner na si EJ Laure laban sa bashers.

Sa kanyang TikTok account noong Biyernes, November 5, gumawa ang magkasintahan ng isang short video na kuha sa isang private pool.

Bugoy Cariño EJ Laure body-shamers

Sa comments ay may ilang bashers na kinutya ang hitsura ni EJ.

Hindi ito pinalampas ni Bugoy at ipinagtanggol ang ina ng kanyang anak laban sa mean comments.

Continue reading below ↓

Unang sabi ni Bugoy, “MUKHA DAW BAKLA, MUKHANG NANAY, WALA DAW LAMAN PARANG PADER DAW. OK NA YUNG GANYAN KESA NAMAN SA IBANG BABAE NA PURO GANDA AT LAKI NG OSUS LANG LABAN.”

Bugoy Cariño EJ Laure body-shamers

Ayon sa dating child star at Hashtags member, natatawa na lamang siya sa mga komento ng ibang netizens.Bugoy Cariño EJ Laure body-shamers

Continue reading below ↓

Sabi pa Bugoy, hindi naman kailangan ngayong maghanap ng partner na may itsura. Ang importante raw ay madiskarte at hindi maarte.

Saad niya, “SA PANAHON NGAYON, HINDI MO KELANGAN MAGJOWA NG MAITSURA O MALAKI COCOMELON, MAS MASARAP MAHALIN UNG MADISKARTE AT HINDI MAARTE, SIYEMPRE LOYAL.”

Bugoy Cariño EJ Laure body-shamers

Pagmamalaki pa niya sa ina ng kanyang anak, “AT LEAST SI EJ, MARUNONG SA MGA GAWAING BAHAY, MADISKARTE, HIGIT SA LAHAT LOYAL.

Continue reading below ↓

“BAKA UNG MGA NAG COCOMMENTS DYAN UNG MGA NIYO WALANG ALAM SA BUHAY.”

Bugoy Cariño EJ Laure body-shamers

Si Bugoy ay dating ABS-CBN child star na naging miyembro ng all-male group ng It’s Showtime na Hashtags.

Si EJ naman ay former UAAP volleyball player mula sa University of Sto. Tomas.

Limang taon ang agwat ng magkasintahan—ngayon ay 19 taong gulang si Bugoy, habang si EJ ay 24.

Continue reading below ↓

Pinag-usapan ng netizens ang pag-amin ni Bugoy na isa na siyang ama sa two-year-old girl na si Scarlet.

September 4 nang aminin ito ni Bugoy, kasabay ng kanyang ika-18 kaarawan.

Pero ang ginawang pagsasapubliko ni Bugoy na isa na siyang ama ay kumpirmasyon lamang ng balita noong 2018 na nakabuntis siya.

Itinanggi ito noon ni Bugoy, na noon ay 15 anyos lamang.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Cariño on partner EJ Laure: "SA PANAHON NGAYON, HINDI MO KELANGAN MAGJOWA NG MAITSURA O MALAKI COCOMELON, MAS MASARAP MAHALIN UNG MADISKARTE AT HINDI MAARTE, SIYEMPRE LOYAL.”
PHOTO/S: Courtesy: @iambugoycarino03 on Instagram / Bugoy Carino on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results