Mel Sarmiento promises to "spend the rest of my life" with Kris Aquino

by Arniel C. Serato
Nov 8, 2021
Kris Aquino Mel Sarmiento forever
Mel Sarmiento assures netizens that his love for Kris Aquino is for keeps: "I love her very much."
PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram

Tiniyak ni Mel Sarmiento na magiging forever ang samahan nila ng fiancée niyang si Kris Aquino, .

Kahapon, November 7, nag-post si Kris sa Instagram tungkol sa first date nila ni Mel sa isang fast food resto.

Isang netizen ang nagkomentong baka maghiwalay rin sina Kris at Mel.

Hindi na mababasa ang komento ng netizen sa comments section ng post ni Kris, pero ito ang pahiwatig ni Mel sa kanyang sagot.

Gamit ang account ni Kris, sinagot ng dating DILG secretary ang netizen.

Tiniyak ni Mel na hindi mangyayaring maghihiwalay sila ng fiancée dahil mahal na mahal daw niya ito.

Buong sagot ni Mel (published as is): “Bawal pala i-mention yung IG name ni pennyswise_not_so_wise. I said in Bimb’s interview, I will spend the rest of my life with her, kaya yung pag hi hiwalay is not going to happen.

"I love her very much. - Mel S. Sarmiento, her future husband.”

Continue reading below ↓

Mel Sarmiento Kris Aquino

Sa kanyang Instagram post kahapon, ikinuwento ni Kris na dumalo sila ni Mel sa isang kasalan na humantong sa kanilang first date.

Pagkagaling sa kasalan, medyo matrapik kaya nagdesisyon silang dumaan muna sa isang fast food chain na dating iniendorso ni Kris.

Suot pa rin ng dalawa ang kanilang damit nang pumunta sa kasal—gown para kay Kris at barong Tagalog sa dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary.

Continue reading below ↓

Sabi ni Kris, ang saya raw pala ng buhay ng isang normal o regular na tao.

Bahagi ng caption ni Kris, “It was more than 3 hrs to get back kaya nag stop sa fast food and it’s been YEARS since i’ve entered that particular brand and after the pandemic naaliw sa kin everyone with me especially Mel, because i said ang sarap maging normal, regular person.”

Tila binasag naman ng make-up artist ni Kris ang kasiyahan nila ni Mel dahil sinabihan daw sila nitong wala namang nagda-dine in sa isang fast food chain nang naka-gown.

Masasabi raw ni Kris na ito ang "first date" nila ng fiancé.

Dagdag ng dating TV host, “Sinira ni @rbchanco because sabi nya wala raw nag da-dine in naka gown and nagpapa picture lahat ng crew.

"i said walang basagan ng trip… i just want to say thank you to the service crew at McDo Silang for having been so gracious & opening up an area for us.

Continue reading below ↓

"1st time Mel & i ever ate out so you can say it was our 1st date - we won’t forget you.”

Inanunsiyo ni Kris ang engagement nila ni Mel noong October 24, 2021.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mel Sarmiento assures netizens that his love for Kris Aquino is for keeps: "I love her very much."
PHOTO/S: Courtesy: @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results