Vice Ganda to bashers: "Mas marami ba kayong pera ngayon? May dyowa ba kayo?"

by Rachelle Siazon
Nov 8, 2021
LGBT couple
Vice Ganda on being grateful for his happy relationship with Ion Perez: "And also, I checked my room, andun pa rin yung dyowa ko nagpapahinga. Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin Instagram

Pinamukha ni Vice Ganda sa kanyang bashers na hindi uubra ang paninira o panghuhusga ng mga ito sa kanya.

Sa halip na mainis sa kung anumang batikos na ibinabato sa kanya, idiniin ni Vice ang dami ng biyayang natatanggap niya habang miserable raw ang mga pumupuntirya sa kanya.

Idinaan niya ito sa kanyang selfie video sa TikTok noong Linggo, November 7.

"Oh my god! Ang fresh ko ngayon. And I realized ang laki pala talaga ng na-improve ng hitsura ko kumpara dati, 'no? Wow!

"And I also realized upon checking my checkbook, mas marami pala akong pera ngayon, mas yumaman pala ako this year," matamis na ngiting pahayag ni Vice.

Ipinagmalaki rin niyang masaya ang relasyon nila ng boyfriend na si Ion Perez. Noong October 25 ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang third anniversary bilang couple.

Patuloy ni Vice: "And also, I checked my room, andun pa rin yung dyowa ko nagpapahinga.

Continue reading below ↓

"Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na."

Tila wala na raw siyang mahihiling pa sa buhay.

"And earlier, I also checked on my mom. Sobra niyang happy kasi kagagaling lang namin sa Amerika. And sobra raw siya nag-enjoy kaya ang saya-saya niya.

"And also, I checked from my handler, may mga bago pala akong awards.

"Oh my gosh! Andami ko palang achievements!"

Sa kabilang banda, tila hindi raw masaya sa buhay ang bashers niya.

"Now I wanna ceck on my bashers. How are you guys?

"Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati?

"May dyowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta nanay niyo? Pamilya niyo? Okay ba kayo?

"May mga bago ba kayong achievements?"

Sabay kunwa'y nagulat na bulalas ni Vice, "Ha?! Hindi?! Syet! Ang lungkot nun, ha!

"Nakakaloka! Hindi? Ang sad."

Nasa loob ng sasakyan si Vice habang kinukunan ng video ang sarili.

Continue reading below ↓

Pakuwelang hirit niya sa kasamang driver, "Kuya, daan muna nga tayo sa simbahan."

"Sige po," sagot naman ng driver ni Vice.

Dugtong ni Vice, "Ipagdadasal ko lang ang mga bashers ko para umasenso naman. Kawawa."

WHAT TRIGGERED VICE'S POST?

Hindi malinaw kung may partikular na hugot o isyung pinanggalingan ang mensaheng ito ni Vice sa kanyang bashers.

Continue reading below ↓

Pero sa ibang Instagram posts ni Vice kunsaan kasama niya si Ion, kadalasan ay may patama siya sa bashers na hinuhusgahan sila.

Tulad na lamang noong October 25, kunsaan sinabi ni Vice, "3 years of not giving a f**k about other people's thoughts and judgements.

"3 years of just being unapologetically in love and happy.

"I love you Noy! And i love winning in life with you!"

LGBT COUPLE

Continue reading below ↓

Ngayong Lunes, November 8, kakabalik lang ni Vice sa paghu-host ng Kapamilya noontime show na It's Showtime matapos ang ilang linggong U.S. trip para sa concert shows niya roon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on being grateful for his happy relationship with Ion Perez: "And also, I checked my room, andun pa rin yung dyowa ko nagpapahinga. Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results