Vice Ganda quips about It's Showtime "director" who formed a group chat without Karylle

by Rachelle Siazon
Nov 9, 2021
It's Showtime
Vice Ganda to It's Showtime co-hosts: "Aminin niyo! Ginawa natin kay Karylle 'yan dati!"
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime YouTube

Sino ang It's Showtime director na bumuo ng chat group na hindi kasama si Karylle?

Ito ang iniwang palaisipan ni Vice Ganda nang pabiro niyang ihirit na may pagkakataong tila napagkaisahang hindi isali si Karylle sa kanilang chat group sa It's Showtime.

Naungkat ito sa "Madlang Pi-Pol" segment ng It's Showtime noong Lunes ng hapon, November 8. Ito rin ang unang araw na pagbabalik-trabaho ni Vice sa Kapamilya noontime show matapos ang concert tour niya sa U.S.

Inuugnay ni Vice sa poll question na pinakamasakit para sa isang basketball player ang maalis sa team kapag labanan na sa finals.

Wala raw itong ipinagkaiba sa pakiramdam na ma-left out sa isang chat group ng magbarkadahan o tulad nilang magkakatrabaho sa show.

"Kahit sa chat group lang, e, di ba? Yung biglang tinanggal ka. 'Ay, bakit ako na-remove?'"

Singit na tanong ng co-host na si Ogie Alcasid, "E, pa'no pag dinelete mo yung pangalan mo?"

Continue reading below ↓

Sagot ni Vice, "Kung ikaw ang nag-delete, okay yun.

"Pero yung ni-remove ka sa group... O kaya may chat group kayo, may iba pa pala silang group, ikaw lang ang wala."

Masakit iyon, ani Vice.

"Ayyyy!!!" reaksiyon ni Ogie.

Vice Ganda and Ogie Alcasid in It's Showtime

Sabay hirit ni Vice sa kanyang co-hosts, "Di ba? Aminin niyo! Ginawa natin kay Karylle 'yan dati!"

Continue reading below ↓

Halatang na-gets agad nina Karylle, Vhong Navarro, Ryan Bang, Teddy Corpus, Jugs Jugueta, Ion Perez, at Jackie Gonzaga ang ibig sabihin ni Vice. Pati si Kim Chiu ay natawa rin.

"Grabe!" napasigaw pero napangiti ring bulalas nina Karylle at Vhong.

Kuwelang saway pa ni Vhong, "Ba't mo sinasabi pa yun?!"

"Grabe ka," sabi uli ni Karylle.

Susog naman ni Teddy kay Vice patungkol sa naturang chat group, "Sino leader nun? Sino admin nun?"

Natawang panlalaglag ni Vice, "Yung director ang leader nun."

"Ayyyy! Ayayayayay!" natawang reaksiyon ng co-hosts ni Vice.

"Charot!" sabi na lang ni Vice.

It's Showtime hosts laughing at Vice Ganda recalling Karylle being left out from chat group

Continue reading below ↓

VICE AND KARYLLE'S TAMPUHAN IN 2014

Hindi man nabanggit ni Vice sa episode kahapon, posibleng may kinalaman ang group chat na wala si Karylle sa tampuhan nila ni Vice noong 2014.

Sa isang mediacon noong February 2014, inamin Vice na nagtampo siya nang hindi dumalo si Karylle sa victory party ng box-office film niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

May usapan pa raw noon sa group chat nila na sinabi ni Karylle na hindi ito invited kaya wala ito sa party.

Nang pilitin nina Anne Curtis at Vhong na pumunta na ito, nagdahilan pa raw si Karylle na wala itong sasakyan at "tinatamad" kahit na ito ang may pinamakalapit na bahay sa venue ng party.

Sa 2014 mediacon ding iyon naging bukas si Vice sa pagsasabing nasaktan din siya nang malaman niyang tila hindi gusto ng mister ni Karylle na si Yael Yuzon ang tambalang ViceRylle o Vice at Karylle sa It's Showtime.

Continue reading below ↓

Ayon kay Vice, ang noo'y It's Showtime director na si Bobet Vidanes ang nagparating sa kanya kung bakit naiilang sa kanya si Karylle.

Kay Bobet umano nagsabi si Karylle tungkol sa saloobin ng mister nitong si Yael.

Pinaalam daw iyon ni Vice kay Karylle para magkaliwanagan sila. Pero dinenay ni Karylle ang sinasabi ni Bobet na isyu ni Yael sa ViceRylle.

Habang si Bobet ay pinanindigan daw ang sinabi nito kay Vice.

VICE-KARYLLE JOKING ABOUT PAST MISUNDERSTANDING

Kung nakaapekto man iyon sa kanilang grupo noon, tila nalampasan din nila ito.

Sa telecast ng It's Showtime noong September 2020, naungkat pa nina Vice at Karylle ang tungkol sa dating tampuhan nila.

Tinawanan na lang nila ito.

Sabi pa ni Vice, "Para kaming magdyowa ni Karylle nun. Yung away namin parang pang-magdyowa.

"Andaming emissary. Si Amy Perez pinagbabati kami. Si Iza Calzado tine-text ako. Si Divine Lee kinakausap ako, 'Magbati kayo ni Karylle.'"

Continue reading below ↓

"ViceRylle talaga yun," sabi naman ni Vhong.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda to It's Showtime co-hosts: "Aminin niyo! Ginawa natin kay Karylle 'yan dati!"
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results