Ogie Diaz open to reconciliation with BB Gandanghari: “Magpahiwatig lang siya.”

by Bernie V. Franco
Nov 9, 2021
Ogie Diaz versus BB Gandanghari
Ogie Diaz (left) on BB Gandanghari's statement that he has zero credibility: “Wow, ha, I’m sure ikaw hindi ka nagtataka."
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz, BB Gandanghari)

Sinagot ni Ogie Diaz ang mga tirada sa kanya ni BB Gandanghari, kasunod ng kanilang sagutan sa kani-kanilang vlogs.

Pero nilinaw ni Ogie na wala siyang galit kay BB at bukas siya sa posibilidad na makipag-ayos. Iyon ay kung papayag si BB na magkabati sila.

Nagsimula ang iringan sa pagitan ng dalawa nang mag-react si Ogie sa payo ni BB hinggil sa breakup ng pamangkin nitong si Kylie Padilla at mister ng aktres na si Aljur Abrenica.

Sa kanyang Instagram Live noong October 21, 2021, maingat ang pahayag ni BB. Aniya, ayaw niyang makialam sa isyu ng mag-asawa, pero sana raw ay huwag nila itong isapubliko.

“Try to keep your dirty linen in the washroom,” payo pa ni BB kina Kylie at Aljur.

Sa kanyang vlog noong October 27, 2021, tinalakay ni Ogie ang pahayag ni BB.

Ani Ogie: “Sino ka, BB, para magsabi ng ganyan, kung ikaw nambubuko?”

Tinutukoy ni Ogie rito ang previous vlogs ni BB na hinalungkat ang kanyang nakaraan bilang si Rustom Padilla, at ibinisto ang pangalan ng sikat na aktor na kanya umanong nakarelasyon.

Continue reading below ↓

Hindi natinag si BB at sinagot ang birada sa kanya ni Ogie sa isang Instagram Live noong November 3, 2021.

Maaanghang ang mga pahayag ni BB laban kay Ogie. Sinabi ni BB na “zero credibility” para sa kanya si Ogie.

Pinuna rin ni BB si Ogie dahil may nakita pang masama ang huli sa ipinayo niya kina Kylie at Aljur.

Paalala pa ni BB kay Ogie: “Don’t ridicule me because babalik ko sa iyo iyan, 'no.”

OGIE REACTS TO BB

Sa November 7, 2021 vlog ni Ogie, nag-react siya sa mga tirada sa kanya ni BB.

Kapansin-pansing banayad ang pagsagot ni Ogie sa mga naging banat sa kanya ni BB. Idinaan din niya sa pagpapatawa ang ibang batikos sa kanya ni BB.

Biro ni Ogie, bagamat tinawag siyang walang credibility ni BB, pinatunayan din ng huli na credible siya.

Nagkatotoo raw kasi ang sinabi ni Ogie na walang magandang sasabihin si BB tungkol sa kanya.

Continue reading below ↓

Maayos na sinagot ni Ogie ang ibang argumento ni BB. Katulad ng ibinigay na payo nito sa pamangking si Kylie at kay Aljur, na huwag isapubliko ang kanilang marital problems.

Sabi ni Ogie, “Bilang tito o tita ni Kylie, tama naman yung payo mo talaga.

“Kaya lang, ang point ko dito, mas maganda siguro kung hindi ka rin nambubuko ng iba.”

Nag-react din si Ogie sa paratang sa kanya ni BB na wala siyang credibility.

“Wow, ha, I’m sure ikaw hindi ka nagtataka,” mensahe ni Ogie kay BB.

“Hayaan mo na. May kanya-kanya tayong audience, BB. Hindi ko naman para i-justify, hindi ko naman para i-dignify yung mga sinasabi mo against me.

“Kung wala akong kredibilidad para sa iyo, so be it.

"Kung wala akong kredibilidad para sa iyo, oo, wala akong kredibilidad para sa iyo.

“Happy? Gusto ko, happy ka,” hirit pa ni Ogie.

OGIE IS OPEN FOR RECONCILIATION

Paniniyak ni Ogie, hindi siya galit kay BB. Sa katunayan, tawang-tawa nga raw siya nang panoorin niya ang video ni BB.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Ogie kay BB, “Pramis, hindi ako galit sa iyo, BB.

“Kung galit ka sa akin, choice mo iyan. Ako, choice kong huwag magalit sa iyo. Mahirap may karga.”

Kung sakali mang mag-reach out si BB kay Ogie, tatanggapin ba niya ito?

“Oo naman,” sagot ni Ogie.

Wala raw kaso kay Ogie na siya ang maunang mag-reach out kay BB.

Sabi ng manager ni Liza Soberano, “E, kung gusto niya, magpahiwatig lang siya. To be honest, pina-follow ko siya sa IG.”

Sabi pa ni Ogie sa pakikipag-ayos kay BB, "Oo naman. Oo naman.

"Di ko sinasara yung pinto. Pero siya, kung isara niya yung pinto, again, choice niya iyon."

Hindi rin daw isyu sa kanya kung mamagitan sa kanila si Robin Padilla, na kapatid ni BB. Kumpare naman daw ni Ogie si Robin.

Ani Ogie, “Di kailangang mamagitan si Robin, pero kung kinakailangan, o, di, why not?”

Nagpaalala muli si Ogie kay BB na mag-ingat ito sa pagda-drive kasunod ng recent vlog ng huli na nagmamaneho ng kotse habang nagba-vlog.

Continue reading below ↓

Giit ni Ogie, “Pramis, sincere ang pagmamalakasit sa iyo. But if you find it hindi sincere, okay...”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz (left) on BB Gandanghari's statement that he has zero credibility: “Wow, ha, I’m sure ikaw hindi ka nagtataka."
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz, BB Gandanghari)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results