Paulo Avelino asked about co-parenting status with LJ Reyes

by Melba R. Llanera
Nov 10, 2021
Paulo Avelino and LJ Reyes
"Sa ngayon nasa New York siya kung saan nanggaling si LJ. Happy naman siya at nag-aaral siya ngayon. Phone calls every now and then kung kailan siya free," says Paulo Avelino abo his son with LJ Reyes.
PHOTO/S: @pauavelino / Nice Print Photo via @lj_reyes Instagram

Sa mga pagsasamang nauwi sa hiwalayan at may batang sangkot, napakahalaga ng maganda at smooth-sailing na co-parenting agreement sa pagitan ng dalawang dating magkarelasyon.

Hindi man mauwi sa pagbabalikan o maging sa pagiging magkaibigan, importante ang presensiya ng ama at ina sa buhay ng kanilang anak.

Sa kaso ng ex-couple na sina Paulo Avelino at LJ Reyes, kamakailan ay napag-alamang may pagkakataong nagkausap ang dalawa dahil sa 11-year-old son nilang si Aki.

Sa virtual mediacon ng Season 2 ng Mary, Marry Me na ginanap ngayong Miyerkules, Nobyembre 10, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang co-parenting nila ni LJ.

Ang tanging isinagot ni Paulo ay may komunikasyon sila ng anak na si Aki kahit na nasa New York ito.

Sabi ni Paulo: "Sa ngayon, nasa New York siya kung saan nanggaling si LJ.

"Happy naman siya at nag-aaral siya ngayon. Phone calls every now and then kung kailan siya free.

Continue reading below ↓

"Since baliktad din ang oras, minsan masyado nang late din para makausap ko siya."

Paano sila nagba-bonding mag-ama?

Sagot ni Paulo, "Usually, ang bonding namin, gaming lang talaga.

"Lumaking mahilig din sa games anak ko. Siguro nagmana rin sa akin."

Hindi na nausisa pa si Paulo dahil limitado ang oras sa pagtatanong at likas na mailap ang aktor pagdating sa kanyang pribadong buhay.

Sa panayam ni Boy Abunda noong Oktubre, si LJ ang nagbanggit na nakipag-ugnayan sa kanya si Paulo upang kumustahin ang kalagayan nila ni Aki.

Ayon sa Kapuso actress, sinabi ni Paulo sa kanya na alam nito ang mabigat na pinagdadaanan niya at kung may kailangan siya para kay Aki ay magsabi lang dito.

Noong Agosto nagtungo si LJ sa New York matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng partner of six years na si Paolo Contis.

Kasama ni LJ ang anak nila ni Paolo na si Summer, at bitbit din ng aktres si Aki.

Continue reading below ↓

LJ Reyes with son Aki and daughter Summer

PAULO ON JAKE'S CAR CHASE WITH POLICEMEN

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph, hiningan ng reaksiyon si Paulo tungkol sa police chase incident na kinasangkutan ng close friend niyang si Jake Cuenca.

Sabi ni Paulo, "Well, mabait naman na tao si Jake ever since kung nakilala mo siya, nakausap mo siya.

Continue reading below ↓

"Siyempre may stigma na mayabang. Pati naman mga action stars dati may stigma na ganun.

"Pero di mo nalalaman ang kabaitan nila sa likod ng maskara nila na hinaharap."

Noong October 9, inulat ng mga pulis sa Mandaluyong City na nasangga ang sasakyan nila ng SUV na dala ni Jake at hindi raw huminto ang aktor kahit pinahihinto nila.

Pero idiniin noon ni Jake na hindi nito napansing nasangga niya ang police car, at kaya hindi siya huminto ay dahil inakala niyang mga civilian ang humabol sa kanya at hindi mga pulis.

Si Paulo ang isa sa mga dumepensa noon kay Jake nang mag-viral ang video nito sa kasasagan na hindi pa nabibigyang-linaw ang insidente.

Sinabi noon ni Paulo na papunta sa bahay niya si Jake noong araw na iyon, at siya rin ang sumama sa kaibigan sa police station.

Kamakailan ay dinalaw ni Jake Cuenca ang rider na aksidenteng natamaan ng bala nang paputukan ng mga pulis ang minamanehong sasakyan ng aktor.

Continue reading below ↓

Bilang matalik na kaibigan ni Jake, proud si Paulo sa naging gesture ng kaibigan.

Aniya, "It's very kind of him to do that na hindi naman niya kasalanan. He's a guy, good guy, just like the other Jake in the show."

Ang tinutukoy ni Paulo na "other Jake" ay ang co-star niya sa Mary, Marry Me na si Jake Ejercito.

PAULO'S TEAMUP WITH JANINE

Sa kabilang banda, mainit na tinanggap ng publiko ang tambalan nina Paulo at Janine sa teleseryeng Mary, Marry Me. Na-extend ito hanggang Season 2.

Tinanong si Paulo kung inasahan ba niyang kakagatin ng publiko ang tambalan nila at makakabuo sila ng hukbo ng mga tagahanga.

Sagot niya sa PEP.ph, "I didn't expect lang siguro [for us to be the likes of] the KathNiels and the LizQuens.

"Pero I'm expecting something for the show or because of the show and what they watch.

"I didn't expect na ganito yung mga sumusuporta sa 'love team' ika nga.

Continue reading below ↓

"I'm thankful. It goes to show that the chemistry works and the show is working."

Nagkasama na sina Paulo at Janine sa pelikulang Ngayon Kaya, na dapat ay ipalalabas noong 2019, pero di natuloy ang pagpapalabas sa mga sinehan dahil sa pandemya.

May mga pagbabago ba siyang napansin kay Janine kumpara noon?

Sagot ni Paulo, "Maliban sa paganda siya nang paganda, different roles din kasi, that's why I'm excited for the movie to come out.

"Life story ko rin yun in a way. Napakaganda rin ni Janine sa pelikula.

"Pero it's more heartfelt, it's something na pinagdadaanan at nae-experience ng pangkaraniwang tao, ng kahit sinuman dito sa atin, so I'm very excited.

"Janine just keeps better and better, and she adapts kung ano ang role na ibigay sa kanya so I'm very proud of her."

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa ngayon nasa New York siya kung saan nanggaling si LJ. Happy naman siya at nag-aaral siya ngayon. Phone calls every now and then kung kailan siya free," says Paulo Avelino abo his son with LJ Reyes.
PHOTO/S: @pauavelino / Nice Print Photo via @lj_reyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results