Bea Alonzo to John Lloyd Cruz: "Welcome to GMA."

by Bernie V. Franco
Nov 10, 2021
bea alonzo john lloyd cruz gma network
Bea Alonzo to John Lloyd Cruz: “Mukhang totoo yata yung sinabi nila na talagang magkadugtong ang mga bituka nating dalawa.”
PHOTO/S: Instagram (GMA Network)

Hindi naitago ni Bea Alonzo ang kanyang kasiyahan ngayong pareho na silang Kapuso artists ng perennial onscreen partner na si John Lloyd Cruz.

Pormal nang pumirma ng program contract ang premiere dramatic actor sa Kapuso network nitong Martes, November 9. Dinaluhan ito ng top executives ng GMA-7.

Sa program proper ng contract signing, nagbigay ng mensahe ang ilang Kapuso prime artists, kabilang sina Marian Rivera, Alden Richards, at Dingdong Dantes, sa pamamagitan ng recorded video.

Nagbigay rin ng mainit na pagbati ang bago ring Kapuso na si Bea, na kilalang katambal ni John Lloyd sa bakuran ng ABS-CBN noon.

Parehong homegrown talents ng Kapamilya network sina John Lloyd at Bea.

Pumirma ng kontrata sa GMA Network si Bea noon lamang July 2021.

BEA EXCITED FOR JOHN LLOYD AS A KAPUSO

Sinimulan ni Bea ang kanyang mensahe kay John Lloyd sa pamamagitan ng pagbanggit sa samahan nila ng mahabang panahon, na nagbigay-daan sa kanilang kasikatan.

Continue reading below ↓

“Hi, Idan, eto na naman tayo. Magkasama na naman tayo,” bungad ni Bea, na tinawag si John Lloyd sa kanyang palayaw.

“Mukhang totoo yata yung sinabi nila na talagang magkadugtong ang mga bituka nating dalawa.”

Nakangiting sundot ni Bea, “First of all, welcome to GMA.”

Excited din si Bea na ipakita ni John Lloyd sa bago nitong home network ang kapasidad nito bilang dekalibreng aktor.

“I cannot wait for everyone to see and experience the greatness of the John Lloyd Cruz, just like I did through the years.

“Know that I will forever be your biggest fan and congratulations on your new show.

“And I will see you very, very soon,” mensahe ng aktres.

Nakatakdang gumawa ng isang sitcom ni John Lloyd sa GMA-7.

Nagbiro naman si John Lloyd tungkol sa naging pahayag ni Bea.

Aniya, “May isang napasama dun [recorded video], hindi ko siya kilala, si Miss Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

“Sana po makatrabaho ko po kayo para malaman ko kung talagang nakatali yung mga bituka natin.”

Sina John Lloyd at Bea ay nakagawa ng ilang teleserye sa ABS-CBN at pelikula sa Star Cinema.

Sa teleserye, nagtambal sila sa Kay Tagal Kang Hinintay, It Might Be You, Maging Sino Ka Man, I Love Betty La Fea, at A Beautiful Affair.

Sa pelikula, nagsama sila sa My First Romance, One More Chance, Miss You Like Crazy, The Mistress, at A Second Chance.

Samantala, tuluy-tuloy ang pagpu-post ng dati ring Kapamilya na si Maja Salvador sa kanyang Instagram Story tungkol sa nangyaring contract signing ni John Lloyd sa GMA-7.

Si Maja at ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez ang namumuno sa Crown Artist Management, na siyang nagma-manage ngayon sa showbiz career ni John Lloyd.

John lloyd cruz kapuso

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo to John Lloyd Cruz: “Mukhang totoo yata yung sinabi nila na talagang magkadugtong ang mga bituka nating dalawa.”
PHOTO/S: Instagram (GMA Network)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results