Alodia Gosiengfiao on breakup with Wil Dasovich: "No, hindi po ito prank. I wish it were, but it’s not."

by Arniel C. Serato
Nov 15, 2021
Alodia Gosengfiao Wil dasovich Separation
Alodia Gosiengfiao on breakup with Wil Dasovich: "Pag hindi talaga, not meant to be. Ang dami ko nababasa na mga ano, ang dami kasi nag-tag sa akin bigla, di ko naman ini-expect na bigla kung saan saan mapupunta yung news, I just wanted the truth to come out. "
PHOTO/S: Courtesy: Wil Dasovich on Facebook

Idinetalye ni Alodia Gosiengfiao kung bakit tinuldukan na nila ni Wil Dasovich ang kanilang relasyon.

Habang naglalaro ng “League of Legends: Wild Rift” sa New York ngayong November 15 (araw sa Pilipinas), nagkuwento ang cosplayer at gamer na si Alodia, 33, ng ilang detalye tungkol sa hiwalayan nila ni Wil, 30.

May comeback o balikan bang magaganap sa pagitan nila ng YouTuber?

Ayon kay Alodia, “We don’t know, nakailang comeback na kasi, ‘no. Things happen for a reason, I guess.

“Pag hindi talaga, not meant to be.

"Ang dami ko nababasa na mga ano, ang dami kasi nag-tag sa akin bigla, di ko naman ini-expect na bigla kung saan saan mapupunta yung news, I just wanted the truth to come out. Na ito po yung situation ngayon and stuff.”

Sa kanyang Facebook post kahapon, November 14, isiniwalat ni Alodia na nag-break na sila ni Wil.

Bahagi ng kanyang pahayag: “To those asking, wala na kame. It's been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives. [pray emoji]"

Continue reading below ↓

Sa live streaming niya ngayong araw, sinabi ni Alodia na ayaw niyang magsinungaling. Pero hindi raw niya kayang ilahad sa publiko ang lahat dahil pribadong tao siya.

Aniya, “And I don’t want lying, I hate lying, to be honest. That’s why I’m not very good in playing Among Us [online game], kasi I’m very transparent.

“And every time may nagtatanong, ‘Kayo pa ba?’ Siyempre, I don’t want to lie.

“It’s been a while na rin nga naman. Tsaka yung mga na-upload, late uploads lang yun kaya it made it seem na kami pa rin.”

READ: What #Wilodia did for love: Alodia Gosiengfiao and Wil Dasovich love story

“HINDI PO ITO PRANK”

Sa isa pang streaming, sinabi ni Alodia na ganun talaga ang buhay.

Saad niya, “It is what it is. I mean, ganun po talaga yung buhay, sometimes stuff happens. Or it's not meant to be.

"And tinatanggap ko na lang po yun. So, okay lang, I guess."

Continue reading below ↓

Hindi rin daw ito biru-biruan o prank.

"Sa mga nagtatanong pala, kasi may mga nagsasabi, 'Is it a prank?'

"To be honest, I don't normally do pranks and wala pa akong time to make, like, yung mga ganung types of videos kasi po very busy yung day ko.

“I, like, have meetings kasi and I also manage Tier One behind the scenes, so may mga business meetings.

“I manage gaming streams, the company, and branded contents, so yung mga ano...

“No, hindi po ito prank. I wish it were, but it’s not."

Bagamat may mga nag-aalalang baka naging malungkot si Alodia sa hiwalayan, tila naka-move on na raw ito.

Saad ni Alodia, “Me? I’m not sad. I’m just tired.

“I’m not sad, I’m okay, to honest, like, yung buong situation.

“I know it’s kind of sad, pero I’m over that ano na, parang natanggap ko na siya. And I’m okay.”

Continue reading below ↓

Tanong pa sa kanya ng isang fan: bakit masaya si Wil na parang walang nangyari?

Maiksing tugon ni Alodia, “Well, I don’t know how guys think. Baka tinatago lang nila, ewan ko.”

Hindi sinabi ni Alodia kung kailan sila naghiwalay ni Wil, pero noong August 2021 ay apat na taon na dapat ang kanilang relasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alodia Gosiengfiao on breakup with Wil Dasovich: "Pag hindi talaga, not meant to be. Ang dami ko nababasa na mga ano, ang dami kasi nag-tag sa akin bigla, di ko naman ini-expect na bigla kung saan saan mapupunta yung news, I just wanted the truth to come out. "
PHOTO/S: Courtesy: Wil Dasovich on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results