Claudine Barretto posts old letter from late ex-boyfriend Rico Yan

by Arniel C. Serato
Nov 16, 2021
Rico Yan old letter to Claudine Barretto
In his letter addressed to Claudine Barretto dated September 7, 1998, late actor and matinee idol Rico Yan said Claudine was his rock: "Thank You For Being my ROCK! And Hunny 'YOU ROCK.' I Love You Very Much."
PHOTO/S: COURTESY: RESTORED BY DEXTER MENDOZA ON FACEBOOK (HTTP://WWW.FACEBOOK.COM/IAMDEXTERDEO)

Kinakiligan ng fans ng dating magka-love team na si Claudine Barretto at ng namayapang matinee idol na si Rico Yan ang lumang love letter ng aktor sa dating kasintahan.

Ngayong Martes ng hapon, November 16, ibinahagi ni Claudine sa Instagram ang screenshot ng sulat umano ni Rico sa kanya na may petsang September 7, 1998.

Anim na buwan pa lang magkasintahan noon sina Claudine at Rico.

Noong March 4, 1998 naging opisyal na magkarelasyon ang dalawa.

Mababasa sa sulat ni Rico (published as is):

“Hunny,

“Just wanted you to know that you are the Best thing that has happened in my life.

“You Are My Life! While i watch you sleep i cant believe your mine.

“Thank You For Being my ROCK!

“and Hunny “YOU ROCK”

“I Love You Very Much

"Hunny.”

Caption ni Claudine dito: “Double infinity [praying hands] RYCB & CLAUDINIANS THIS IS FOR ALL OF U (face with smiling eyes, smiling face with smiling eyes, heart emojis]”

Continue reading below ↓

Sa comments section ay marami ang kinilig, kabilang na ang kaibigang celebrities ni Claudine gaya nina Dianne Medina, Mariel Padilla, Gladys Reyes, at Neri Miranda.

Rico Yan's letter Claudine Barretto

Rico Yan's letter Claudine Barretto

Continue reading below ↓

Pati na ang ilan sa mga tagahanga ng dati nilang tambalan at pagmamahalan.

Rico Yan's letter Claudine Barretto

Rico Yan's letter Claudine Barretto

Continue reading below ↓

RICO-CLAUDINE LOVE STORY

Taong 1998 noong opisyal na naghiwalay si Claudine at ang dati nitong boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.

Ang sumunod na naging karelasyon ni Claudine ay si Rico.

Nagkamabutihan ang dalawa sa set ng pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998).

Bagamat nagkatambal na sila sa mga pelikulang Radio Romance at Madrasta (1996), at Flames The Movie (1997), iyon ang unang pagkakataon na pareho silang single at available.

Matagal na noong hiwalay si Claudine kay Mark, at si Rico naman ay kakakalas lang sa long-time non-showbiz girlfriend nito.

Agad daw nahulog noon ang loob ni Rico kay Claudine dahil, ayon na rin sa mga nakakakilala sa kanya sa industriya, likas na malambing ang aktres.

March 1998, naging magkasintahan ang dalawa.

Itinuring silang ideal couple ng publiko, bagamat may agam-agam na noon ang ilang industry insiders dahil sa mga samu’t saring intrigang kumakapit sa kanila.

Inakala ng kanilang mga tagahanga na sila na ang magkakatuluyan.

Continue reading below ↓

Inilarawan pa ni Claudine si Rico na balang araw ay magiging isa itong “perfect husband” at “perfect father.”

Kaya’t ikinagulat ng lahat nang pumutok ang balitang naghiwalay sila noong March 4, 2002, mismong araw ng fourth anniversary nila bilang magkasintahan.

Hindi inakala ng marami na may pinagdadaanan ang dalawa dahil sweet na sweet pa sila sa telebisyon habang nagpu-promote ng pelikulang Got 2 Believe, ilang linggo bago lumabas ang balitang break na sila.

Ang hindi alam ng marami, matagal nang nagkakaproblema sina Rico at Claudine.

Diumano, may matitinding pinag-awayan ang dalawa ngunit kailangan nila itong itago sa publiko dahil palabas pa sa mga sinehan ang kanilang pelikula.

Ilang linggo matapos ang kontrobersiyal nilang away at hiwalayan, pumanaw si Rico noong March 29, 2002, habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

Ang sinasabing dahilan ng kanyang pagkamatay ay cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis o bangunot.

RELATED STORY

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In his letter addressed to Claudine Barretto dated September 7, 1998, late actor and matinee idol Rico Yan said Claudine was his rock: "Thank You For Being my ROCK! And Hunny 'YOU ROCK.' I Love You Very Much."
PHOTO/S: COURTESY: RESTORED BY DEXTER MENDOZA ON FACEBOOK (HTTP://WWW.FACEBOOK.COM/IAMDEXTERDEO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results