A Lookback: The Men Who Loved Claudine Barretto

IMAGE Ruel Mendoza / File Photo / Noel Orsal

Binalikan ng PEP.ph ang mga karanasan ni Claudine Barretto sa larangan ng pag-ibig, kabilang na ang kanyang first big love na si Mark Anthony Fernandez, ang malungkot na kinahinatnan ng hiwalayan nila ng yumaong si Rico Yan, at ang kasalukuyang legal battle nila ng estranged husband na si Raymart Santiago.


Tila mailap ang tahimik na buhay-pag-ibig para kay Claudine Barretto, isa sa iilang premyadong aktres ng kanyang henerasyon.

Sa loob ng 21 taon niya sa mundo ng showbiz, nasubaybayan ng publiko kung paano siya nagmahal at nasaktan.

Anong nangyari at bakit palaging nauuwi sa kontrobersiya at trahedya ang mga relasyon ni Claudine?

Binalikan ng PEP.ph (Philippine Enertainment Portal) ang mga naging karanasan ng aktres sa larangan ng pag-ibig—kina Mark Anthony Fernandez, ang yumaong si Rico Yan, at ang estranged husband na si Raymart Santiago.



MARK ANTHONY: FIRST REAL HEARTBREAK. Fifteen years old lang si Claudine nang maging magkasintahan sila ni Mark Anthony Fernandez.

Bago nito, may usap-usapang nagkamabutihan si Claudine kay Eric Fructuoso, na kasama ni Mark sa grupong Guwapings, na hawak ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano. Ngunit ito ay hindi kailanman kinumpirma nina Claudine at Eric.

Si Mark at Claudine naman ay naging bukas tungkol sa kanilang on- and off-screen romance, at marami ang tumangkilik sa kanilang tambalan sa pelikulang Mangarap Ka (1996) at Pare Ko (1996).

Tulad ng ibang tipikal na kabataan, akala nila ay habangbuhay na silang magkasama.

Tanda ng pagmamahal nila para sa isa’t isa, nagpa-tattoo si Claudine ng apelido ni Mark (Fernandez) sa kanang sakong, habang si Mark naman ay nagpa-tattoo ng apelido ni Claudine (Barretto) sa kaliwang sakong.

Sixteen years old naman si Claudine nang madesisyon itong bumukod sa pamilya. Tumira siya sa sariling condominium unit at malayang nagagawa ang gusto niyang gawin.

Nagkaroon tuloy ng impresyon na dumadaan sa pagrerebelde ang aktres, lalo pa’t volatile noon ang tingin ng tao sa kanyang nobyong si Mark.


CONTROVERSIES, QUARRELS, SCANDALS. Kasabay nito ang sunod-sunod na matitinding intriga tungkol sa kanilang relasyon—kabilang na ang alegasyong diumano’y gumagamit si Mark at Claudine ng ipinagbabawal na gamot.

Sinubukan daw ni Claudine na ipaglaban ang pagmamahal niya para kay Mark, ngunit sa huli ay kinailangan niyang isuko ito dahil “dumadami na yung complications.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang ulat ni Ricardo F. Lo, entertainment editor ng Philippine Star, noong taong 2002, kinumpirma ni Claudine na umabot sa puntong nagkasakitan sila ni Mark sa gitna ng isang pagtatalo.

Ang kaalamang gumagamit ng droga si Mark—walang naging kumpirmasyon na pati si Claudine ay damay dito—ay isang bagay na pinakaayaw daw ni Claudine, dahil nakita raw ng aktres ang epekto nito sa nakakatanda niyang kapatid na si J. J. Barretto.

Kwento ni Claudine: "It happened only once, yung talagang gulo, na buong Platinum [ang tinutuluyan niyang condo] ay nabulabog.

“That was the fight that led to our break-up, after three years of on-and-off relationship. It happened at the time Mark was talagang heavily into drugs na. (He has since been rehabilitated; RFL)

“At the same time naman, I was having problems with my own family. My brother was also into drugs. Kaya I was really, really mad at that drug."

Sa parehong panayam, sumang-ayon si Claudine nang tanungin kung shabu ang sinasabing drug addiction ni Mark.

“Yes. So I told Mark, 'Yan, pinatulan mo, wala na tayo.' It was as simple as that."

Taong 1998 noong opisyal silang naghiwalay.

Bukod sa isyung droga, maugong din ang balitang lihim umanong nabuntis at nagpalaglag si Claudine noong magkarelasyon pa sila ni Mark, bagay na mariing itinanggi ng aktres.

Sa isang press conference noong taong 2002—noong si Claudine ay nasa bakuran pa ng ABS-CBN at hawak ng Star Magic—sinabi ng aktres na ang isyung abortion ang pinakamalalang intrigang naibato sa kanya.

Aniya, "Oo, yun nga ang pinakagrabe dahil, imagine, pinagbibintangan na nila akong murderer.

"Actually, hiyang-hiya ako noon for my family, dahil nga murder na ang ibinibintang sa akin. Of course, they know me naman. They know I'm not capable of that.”

Labinlimang taon ang lumipas bago muling nagkaharap sina Claudine at Mark, noong August 2010, sa Showbiz Central, isang showbiz-oriented talk show ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng guest appearance ni Claudine sa programa, inalala ni Claudine kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan nila ni Mark noong magkasintahan sila.

“Hindi naging madali para sa aming dalawa noon. Marami ang against sa naging relasyon namin.

“It was really hard for both of us then dahil pareho pa kaming mga bata. Napaka-immature pa namin noon.

“Tapos, very emotional pa ako. Si Mark, he was so impulsive. Basta naisipan niyang gawin, gagawin niya.

“Tapos, all of a sudden, nawala siya. There was no closure between us, and it was really left hanging for so many years.”

Pero paglipas ng panahon ay naintindihan daw ni Claudine na ang mahalaga ay may natutunan sila ni Mark sa kanilang karanasan.

“I told Mark na he doesn't have to say sorry to me kasi may reason kung bakit nangyari lahat ng 'yon sa buhay niya.

“Ako na nagsasabi, na walang kasalanan si Mark sa akin. He was a very good boyfriend. Yung nangyari sa kanya noon, he was just confused at naligaw siya ng landas.

“Dala kasi 'yon noong kabataan namin. No one wanted it to happen, di ba?"

(READ: Ex-lovers Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite as friends after 15 years)


RICO YAN: A TRAGIC LOVE STORY. Ang sumunod na naging karelasyon ni Claudine ay ang young matinee idol na si Rico Yan.

Nag-umpisa silang magkamabutihan sa set ng Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998).

Bagamat dati na silang nagkakatambal sa mga pelikulang tulad ng Radio Romance, Madrasta (1996), at Flames The Movie (1997), ito ang unang pagkakataon na pareho silang single at available.

Matagal nang hiwalay si Claudine kay Mark, at si Rico ay kakakalas lang sa longtime non-showbiz girlfriend nito.

Agad nahulog ang loob ni Rico kay Claudine dahil, ayon na rin sa mga nakakakita sa kanya sa industriya, ay likas na malambing ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

March 4, 1998, noong opisyal na naging magkasintahan ang dalawa.

Itinuring silang ideal couple ng publiko, bagamat may agam-agam na noon ang ilang industry insiders, dahil na rin marahil sa mga samu’t saring intrigang kumakapit sa nila.

Inakala ng kanilang mga tagahanga na sila na ang magkakatuluyan.

Inilarawan pa ni Claudine si Rico na balang araw ay magiging isa itong “perfect husband” at “perfect father.”


TROUBLE, FIGHT, TRAGEDY. Kaya’t ikinagulat ng lahat nang pumutok ang balitang naghiwalay sila noong March 4, 2002, mismong araw ng ika-apat nilang anibersaryo bilang magkasintahan.

Sweet na sweet pa kasi sila sa telebisyon, habang nagpro-promote ng pelikulang Got To Believe, ilang linggo lang ang nakakaraan.

Ang hindi alam ng marami, matagal nang nagkakaproblema sina Rico at Claudine, kasama na rito ang kanilang matitinding away, ngunit itinago lang nila ang lahat sa publiko, dahil na rin sa kanilang mga pelikulang pinagtatambalan.

March 29, 2002, ilang linggo matapos ang kontrobersiyal nilang away at hiwalayan, pumanaw si Rico habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

Ang trahedyang ito ay nag-iwan ng mas maraming katanungan sa sambayanan, lalo pa’t masalimuot ang naging alitan sa pagitan nina Rico at Claudine at hindi malinaw kung natuldukan nila ang kanilang relasyon.

Matatandaang inilathala sa May at July 2002 issue ng YES! Magazine ang buong detalye ng mga kontrobersiyang nakapalibot sa hiwalayan ng dalawa, hanggang sa pagkamatay ng aktor.


Isa sa mga tinalakay ng magasin ay ang insidente kung saan nagkasakitan sina Rico at Claudine, noong gabing ipinagdiriwang sana nila ang kanilang anniversary.

Ayon sa YES! report, habang nagdi-dinner sa isang restaurant ay matindi na ang pagtatalo ng magkasintahan.

Mas lumala pa ito nang ihatid ni Rico si Claudine sa LPL Tower, ang condominium na tinitirhan ng aktres.

Ang insidenteng ito ang sinasabing pinagmulan ng balitang balak kasuhan ni Claudine si Rico ng physical abuse.

Hanggang sa huli, pinanindigan ni Rico na kahit kailan ay hindi niya pisikal na sinaktan ang dating kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit bago pa may mangyaring demandahan, pilit na pinag-ayos ang dalawa sa isang meeting, na dinaluhan nina ABS-CBN Talent Center (ngayon ay Star Magic) vice-president Johnny Manahan at ang spiritual advisor ni Rico na si Father Tito Caluag.


RAYMART SANTIAGO: THIRD TIME’S THE CHARM? “Don’t court me because my other boyfriend became a drug addict and the other one died!”

Ito ang napabalitang sinabi ni Claudine Barretto noong mga panahong nalaman ng publiko na nililigawan siya ni Raymart Santiago.

Hindi pa raw kasi handa si Claudine na makipagrelasyon pagkatapos ng mga kontrobersiyang kinasangkutan nila ni Rico.

Sabi ni Claudine sa July 22, 2002, issue ng YES! Magazine: “I don’t really want to involve myself with anyone right now mula nang mangyari ang lahat ng nangyari.

“That’s why I don’t want to get into a relationship right away kasi I want to be sure kung ano ba? Love ba talaga ito? O rebound ba ito? Ayoko na. Third ba ito? Third boyfriend?

“Kunyari magkakaroon ako ng boyfriend uli, sana seryoso na naman. Sana huwag ganito kagulo. It’s always magulo. I wanna rest na.”

Ganunpaman, sa hiwalayang Claudine at Rico ay nasangkot na si Raymart.

Sinasabi na bago pa ng HolyWeek ng 2002, o ang linggo ng pagkamatay ni Rico, ay may relasyon na sina Claudine at Raymart. Kaya nga raw sila magkasama noong linggo ding iyon sa Subic.

Inilikas nga lamang agad-agad si Raymart mula sa Subic at itinago mula sa publiko at sa press nang pumutok ang balitang namatay si Rico.

Ano't ano pa man, nagbunga ang masugid na ligawan ng bunsong anak nina Pablo at Cielito Santiago at ng bunsong anak nina Mike at Inday Barretto.

Opisyal na naging magkasintahan sina Claudine at Raymart noong November 2002.

Pagkalipas ng dalawang taon, lihim na nagpakasal sina Raymart at Claudine. Ginanap ang kanilang civil wedding ceremony sa Cauayan, Isabela, noong May 2, 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang patunay ng kanilang pagmamahalan, muli silang nagpakasal. March 27, 2006 nang ginanap ang kanilang engrandeng Christian wedding sa eksklusibong Tagaytay Highlands, Tagaytay City.

Ipinanganak ni Claudine ang anak nila ni Raymart na si Santino noong July 19, 2007.

Mula noon, naging larawan sila ng isang masayang pamilya, kasama ang kanilang adopted daughter na si Sabina.



INTRIGUES, RUMORS, SCANDALS. Sa kabila nito, marami ring pinagdaanang pagsubok ang mag-asawa.

Tulad, halimbawa, nang masangkot sa eskandalo si Claudine, sanhi ng pagkaka-link niya kay Martin Castro, noong taong 2010.

(READ: PEP Exclusive: Claudine Barretto says Angelica Panganiban out to ruin Derek Ramsay's friendships; claims she's always sweeping after sister Gretchen)

Ngunit ang kontrobersiyang ito ay matapang na hinarap ng mag-asawang Claudine at Raymart.

Dinepensahan ni Raymart si Claudine at sinabing “walang katotohanan ang lumalabas na tsismis.”

Pagkatapos ng isyung ito, ang mga personalidad na sumunod na na-link kay Claudine ay sina Atong Ang, Senator Jinggoy Estrada, at Mikey Arroyo—bagay na mariin ding pinabulaanan ng aktres.

(READ: Claudine Barretto answers past issues; including rumors linking her to several men)

Maayos na nalampasan nina Claudine at Raymart ang mga nabanggit na kontrobersiya.

Pero tila sa hiwalayan din ang kahihinatnan ng pagsasama nila.

Noong July 4 nitong taon, kinumpirma ni Claudine sa eksklusibong panayam ng 24 Oras ng GMA Network, na hiwalay na sila ni Raymart at hindi na ito nakatira sa kanilang conjugal home sa Loyola Grand Villas mula pa noong Marso.

(READ: Claudine Barretto confirms husband Raymart Santiago has left family home)


THE COURT BATTLES BEGIN. Bago natapos ang buwan ng Hulyo, nagsimula ang controversial court battles sa pagitan ng estranged couple.

Noong July 29, nagsampa si Claudine ng kasong Temporary Restraining Order [TPO] laban kay Raymart sa Marikina Regional Trial Court.

(READ: Claudine Barretto files temporary restraining order against husband Raymart Santiago)

Bilang sagot sa paghabla ng aktres, noong August 7 ay naghain si Raymart ng Petition for Child Custody, na ipinaglalaban ang karapatan niyang makasama ang nine-year-old adopted daughter at six-year-old biological son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(READ: Raymart Santiago petitions for habeas corpus to get custody of children with Claudine Barretto)

August 29 naman nang magsampa ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti Violence Against Women And Children Act si Claudine laban kay Raymart.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, ibinunyag ni Claudine ang pananakit na natamo niya umano mula kay Raymart sa loob ng mahabang panahon.

Aniya: “My life with Rozelle Raymond Martin Santiago [Raymart's real name] was a vicious cycle of violence, abuse, battery, and exploitation.

“During the years that I have been with him, I have been in a constant fearful state of mind because I was cyclically abused and controlled over a period of time.

“Notwithstanding all my horrendous experiences in the hands of my husband, today, I am breaking my silence.

"I have decided to stop and end the abuse and violence and make my husband criminally and civilly liable for all his actions.

Pagkatapos nito ay nagsampa din si Claudine ng kasong Perjury laban kay Raymart. Kaugnay ito ng sinumpaang salaysay na isinumite ni Raymart para sa kanyang Petition for Child Custody.

(READ: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago)

Noong September 24, nagsumite ng counter-affidavit si Raymart sa Marikina Regional Trial Court, kung saan pinabulaanan ng aktor ang reklamong physical, sexual, psychological, at economic abuse na inirereklamo ni Claudine.

Idinetalye ni Raymart sa kanyang counter-affidavit ang dahilan kung bakit siya umalis sa bahay nila ni Claudine.

(READ: Raymart Santiago reveals "final straw" that did in his marriage to Claudine Barretto)

Isiniwalat din ng aktor na ang pagiging drug dependent umano ng aktres ang dahilan ng matitinding pagtatalo nila mula noong October 2011.

Sabi ni Raymart: “Complainant made untruthful statements in her Complaint in order to cover up for her disturbed mental state and violent behavior as a result of her drug dependence.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(READ: Raymart Santiago submits details of Claudine Barretto's alleged drug dependence in his counter-affidavit)

Noong October 1 nitong taon, nagpatawag ng press conference ang kampo ni Claudine, kung saan pinabulaanan ng aktres ang balitang gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.

Noong araw ding iyon ay nagsampa ng kasong paglabag sa Anti-Wiretapping Law si Claudine laban kay Raymart dahil sa mga isinumiteng visual evidence ng aktor sa korte.

(READ: Claudine Barretto files violation of Anti Wire-tapping Law against Raymart Santiago)

Isa na rito ay ang video kung saan makikitang nagtuturok ng ineksiyon ang aktres sa kanyang braso—ang sinasabi ni Raymart na magpapatunay na drug dependent si Claudine.

Sa kasalukuyan, dinidinig pa rin ang nakabinbing mga reklamo nila laban sa isa’t isa.

Nang tanungin ng PEP kung may pag-asa pang magkaayos sila ni Raymart, sagot ni Claudine: "Matagal kong pinaghirapan ang pangalan ko para sirain ng isang Raymart Santiago.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN