Boss Vic del Rosario reveals how he intervened in Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli-Mommy Divine family feud

by Rachelle Siazon
Nov 17, 2021
Boss Vic del Rosario on Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Mommy Divine Geronimo family feud
What Boss Vic del Rosario told Mommy Divine on Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli's wedding day: "I was there sa the great awayan nila. I really have to take the side of Sarah. Sabi ko kay Mommy, 'Pasensya na kayo, this time, suportahan ko kung ano decision ni Sarah."
PHOTO/S: Courtesy of Viva / @patdy11 via @mateog Instagram /

Sa unang pagkakataon, naging bukas si Vic del Rosario tungkol sa papel niya sa kontrobersiyal na away-pamilya dulot ng lihim na pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong February 20, 2020.

Sangkot dito ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo, o mas kilala bilang Mommy Divine, na mahigpit na tutol sa relasyon ng couple.

Mas kilala bilang Boss Vic sa showbiz circles, siya ang chairman at founder ng Viva Entertainment, Inc.

Si Sarah ay homegrown talent ng Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva, mula noong 2002.

Si Matteo ay lumipat sa pangangalaga ng Viva Artists Agency noong February 2019.

Eksklusibong nakapanayam ng editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boss Vic noong November 8.

Dito ipinaliwanag ni Boss Vic na hindi siya ang tipo ng talent manager na panghihimasukan ang personal na buhay ng kanyang artista.

Sa kaso ni Sarah, sinabi ni Boss Vic na malaki ang tiwala sa kanya ng pamilya Geronimo pagdating sa showbiz career ng singer-actress-host.

Continue reading below ↓

Pero hindi raw siya nakikialam pagdating sa love life nito.

Lahad ni Boss Vic: "Normally, ayoko makialam sa personal dahil, di ba, di na kasama sa pagma-manage.

"I don't get involved, except kay Sarah because I personally handle her.

"Ako naman, magmula nang mapapirma ko sila nung bata, with the Geronimo family, I always supported...

"Kasi iba naman ang personal sa business.

"Kasi business naman, ibinigay naman talaga nila Mommy Divine ang pagdiskarte sa akin sa anak nila.

"So, pagdating sa personal—like having a boyfriend o kung sino—di ko na pinapakialaman.

"So I always took the side of Mommy Divine pag may problema sa personal."

Pero umabot sa puntong nakita ni Boss Vic na seryoso si Sarah sa pakikipagrelasyon nito kay Matteo.

Naging magkasintahan sina Sarah at Matteo noong September 2013.

Limang taon na silang couple nang mangyari ang secret engagement nila habang nagbabakasyon sa Italy noong September 2018.

Isinapubliko lamang nina Matteo at Sarah na engaged sila noong November 2019.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Boss Vic: "Pero nung dumating yung time na si Sarah na-in love kay Matteo, and then ayaw pa rin siyempre ng pamilya [ni Sarah], eventually, I took the side of Sarah.

"Siyempre, sumama yung loob sa akin ng pamilya.

"Tingin ko, nasa tamang edad, kaya nung nag-asawa siya, sinuportahan ko siya.

"And up to now, sinusuportahan ko.

"Pero siyempre, may problema pa rin sila ng kanyang ano...

"But I think she's very happy now."

Tinanong ng PEP.ph kung lumapit ba si Sarah kay Boss Vic para humingi ng tulong noong una pa lamang naramdaman ng singer-actress na mahal nito si Matteo.

Diretsahang sinagot ni Boss Vic na bandang 2018 nang magsimula siyang maging supportive sa couple kahit kontra rito si Mommy Divine.

Aniya, "Not when she was falling in love. Nung talagang gusto na niya... Oo, nung malapit na sila ikasal.

"Pero one year before that, I was supporting the relationship na in a way na parang kontra na rin ako dun sa...

Continue reading below ↓

"Kasi, di ba, at a certain point, nakikita kong mahal na mahal nung isa...

"Yung happiness niya nandun, e."

HOT STORIES

THE MELEE DURING SARAH AND MATTEO'S SECRET WEDDING

Hanggang sa noong February 20, 2020, dumating ang araw ng kasal nina Sarah at Matteo sa Victory Church sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang wedding reception ay ginanap naman sa VIP room ng isang restaurant sa isang high-end hotel sa Taguig City.

Base sa mga naiulat ng PEP.ph noong February 2020, lumabas na hindi imbitado si Mommy Divine dahil tutol pa rin ito sa relasyon nina Sarah at Matteo.

Nakarating kay Mommy Divine ang lihim na pagpapakasal ng anak at sumugod sa wedding reception.

Ayon kay Boss Vic, personal niyang nasaksihan ang "awayan" nang abutan ni Mommy Divine ang secret wedding reception ng couple.

Si Matteo ang humingi ng tulong kay Boss Vic noon.

Lahad ni Boss Vic ukol sa desisyon ni Sarah na pakasalan si Matteo:

Continue reading below ↓

"And when she took the chance to elope or get married, dun sinuportahan ko siya.

"Siyempre, I was there, sa ano, the great awayan nila.

"I was there because I got a call from Matteo, 'Boss, punta ka na dito.'

"So, nandun ako."

Mahalaga kay Boss Vic ang pinagsamahan nila ng pamilya ni Sarah, pero ayaw raw niyang hadlangan ang kasiyahan ng singer-actress lalo't nasa tamang edad na ito.

Paliwanag ni Boss Vic sa PEP.ph: "I really have to take the side of Sarah.

"Sabi ko kay Mommy, 'Pasensya na kayo, this time, suportahan ko kung ano decision ni Sarah.'"

Umaasa si Boss Vic na dumating ang panahong maging maayos ang gusot sa pagitan nina Sarah, Matteo, at Mommy Divine.

"Pero sana maayos. Hindi pa siya ayos, pero sana maayos sila," asam ni Boss Vic.

Dagdag niya patungkol kay Sarah, "Ito namang decision niya, it's working so far."

Noong unang walong buwan ng buhay mag-asawa nina Sarah at Matteo ay regular na nakikita ni Boss Vic ang mga ito dahil magkapitbahay lang sila sa condo building sa Makati City.

Continue reading below ↓

Pero lumipat sa isang four-bedroom house ang couple noong October 2020.

SARAH'S LOVE FOR MOMMY DIVINE AND DADDY DELFIN

Nabanggit ng PEP.ph na hindi man nakadalo ang mga magulang ni Sarah sa Tala The Film Concert noong March 2021, nagbigay-pugay pa rin ang singer-actress sa mga magulang sa pamamagitan ng special AVP na alay niya sa mga ito.

Kabilang dito ang pagpapakita ng video clips ng duet ni Sarah at ama niyang si Delfin Geronimo habang kumakanta ng "I Will Be Here."

Sinabayan iyon ni Sarah ng madamdaming mensahe na waring nagpapahiwatig na mayroon man silang hindi pagkakaunawaan ng mga magulang ay hindi nawawala ang pagmamahal niya sa mga ito.

"You could have all the riches in the world, have the material things na gusto mo, pera na gusto mo, popularity, fame na gusto mo, pero kung wala naman sa buhay mo yung mga pinakaimportante sa ’yo, balewala lahat ito.

Continue reading below ↓

"Life is not easy, may kanya-kanya po tayong mga personal issues, pero focus on the positive things, be happy, be content at enjoy.

"Yun lang, huwag na huwag kakalimutan to enjoy."

Komento ni Boss Vic, bilang anak ay hindi mawawala kay Sarah ang pagmamahal sa mga magulang.

"Si Sarah yun. Up to now, umiiyak 'yan pag may project na wala yung...

"Alam mo na, lahat ng projects niya kasama magulang niya.

"Eto ngang tour, e. Iniisip niya wala nanay niya. Sana daw makasama. Sana mangyari."

Ang tinutukoy ni Boss Vic ay sana magkaayos na ang mag-ina para makasama si Mommy Divine sa pinaplano ng Viva na concert tour ni Sarah abroad sa 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What Boss Vic del Rosario told Mommy Divine on Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli's wedding day: "I was there sa the great awayan nila. I really have to take the side of Sarah. Sabi ko kay Mommy, 'Pasensya na kayo, this time, suportahan ko kung ano decision ni Sarah."
PHOTO/S: Courtesy of Viva / @patdy11 via @mateog Instagram /
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results