Is romance brewing between Cherry Pie Picache and Edu Manzano?

by Bernie V. Franco
Nov 17, 2021
edu manzano cherry pie picache u.s.
Actress Cherry Pie Picache recently posted on Instagram some photos from her trip to the U.S. where she is seen with Marry Me, Marry You co-star Edu Manzano. Netizens ask: are they an item?
PHOTO/S: @yescppicache on Instagram

May namumuong relasyon ba sa pagitan ng seasoned actors na sina Edu Manzano, 66, at Cherry Pie Picache, 51?

Ito ang tanong ngayon ng ilang netizens kasunod ng Instagram posts ni Cherry Pie kung saan kapansin-pansing lagi silang magkatabi ni Edu sa series of photos.

Sina Edu at Cherry Pie ay kasalukuyang magkatrabaho sa Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You.

Nagkasama kamakailan ang dalawa sa New York, U.S.A., at nakipagkita sa ilang mga kaibigang artista roon.

Ipinost ni Cherry Pie sa Instagram ang ilang kuha mula sa kanyang bakasyon. Kasama nila ni Edu ang kanilang co-star sa Marry Me, Marry You na si Janine Gutierrez, na nagpunta roon kasama ang nakababatang kapatid na si Max.

Kasama rin sa grupo sina Arci Muñoz, Yam Concepcion, ang eventologist na si Tim Yap at ang husband nitong si Javi Martinez.

Kapansin-pansin sa mga larawan na madalas magkatabi sina Edu at Cherry Pie. Bakas din sa mukha ng aktres ang matamis na ngiti.

Continue reading below ↓

Sa caption pa lamang, matutukoy na masaya si Cherry Pie sa naging biyahe niya. Ginamit pa niya ang hashtag na "#celebrateloveeveryday."

Buong caption ni Cherry Pie: “Amazing and lovely moments in the city that never sleeps.”

Sinundan niya ito ng emojis tungkol sa pag-ibig at selebrasyon.

Narito naman ang hashtags na ginamit ng aktres sa kanyang Instagram post: “#reunion, #touchingbase, #laurenpattenappreciation, #autumnvibes, #favtimeofyear, #foodlove, #sliceofpie, #celebrateloveeveryday, at #thankfulgratefulblessed

Continue reading below ↓

Sa comments section, nagkomento ang mga nakasama niyang sina Arci at Yam. Nagpahiwatig silang masaya ang lagay ng puso ngayon ni Cherry Pie.

Nagpasalamat si Arci kay Cherry Pie at umaasa raw siyang magkita sila sa Los Angeles.

Nilagyan ni Arci ng heart emoji ang kanyang comment at tinag pa si Edu.

cherry pie and edu manzano

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din si Yam sa veteran actress.

Makahulugan pa niyang paalala kay Cherry Pie: “take care and stay in love!! You are glowing!!!”

cherry pie yam concepcion

cherry pie picache edu manzano comment

Continue reading below ↓

Diretso namang panunukso ng former ABS-CBN writer na si Garlic Garcia: “Eh yung kinikilig ako sa inyo ni @realedumanzano”

Sinagot lamang ito ni Cherry Pie ng tatlong emojis: laughing emoji, kissing with heart emoji, at smiling emoji with three hearts

cherry pie picache edu manzano link

NETIZENS ASK CHERRY PIE ABOUT EDU

Hindi rin nakaligtas sa mausisang netizens ang mga larawan ni Cherry Pie na laging katabi si Edu.

Continue reading below ↓

Komento ng isang netizen: “I can sense something pie & edu… hehehe”

cherry pie picache edu manzano bonding

Kinikilig naman daw ang isang netizen kina Emilio at Elvie, ang mga karakter nina Edu at Cherry Pie sa Marry Me, Marry You.

Prangkang tanong ng isa pang netizen kung magkarelasyon na ba ang dalawang beteranong artista.

Hirit naman ng isa pa, “Nasagot na po yung blind item.”

Continue reading below ↓

cherry pie picache edu manzano relationship

Idinetalye ng isang netizen ang tungkol sa blind item na lumabas sa Cabinet Files ng PEP.ph noong November 2, 2021.

Tanong ng netizen kay Cherry Pie: siya ba ang nasulat sa blind item tungkol sa isang batikang aktres na nakatagpo ng pag-ibig sa kinabibilangang teleserye?

Ang isa pang clue ay may anak ang naturang aktres na pinasok na rin ang showbiz.

Continue reading below ↓

Earlier this year, nagdesisyon ang anak ni Cherry Pie na si Nio Tria na pasukin ang pag-aartista.

cherry pie picache edu manzano relationship

Samantala, wala reaksiyon si Cherry Pie sa mga tanong at pang-uusisang ito ng netizens para kumpirmahin o itanggi kung nagkakamabutihan na nga sila ni Edu.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Cherry Pie Picache recently posted on Instagram some photos from her trip to the U.S. where she is seen with Marry Me, Marry You co-star Edu Manzano. Netizens ask: are they an item?
PHOTO/S: @yescppicache on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results