Burado na sa Instagram ni Claudine Barretto ngayong araw, November 18, ang kanyang post ng umano’y lumang love letter sa kanya ng dating boyfriend at namayapang matinee idol na si Rico Yan.

Ang lumang love letter umano ni Rico ay ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram noong Martes, November 16.
Ang liham ay may petsang September 7, 1998. Noong panahong iyon ay anim na buwan pa lang magkasintahan sina Claudine at Rico.
March 4, 1998 naging opisyal na magkarelasyon ang dalawa.
Mababasa sa sulat umano ni Rico (published as is):
“Hunny,
“Just wanted you to know that you are the Best thing that has happened in my life.
“You Are My Life! While i watch you sleep i cant believe your mine.
“Thank You For Being my ROCK!
“and Hunny “YOU ROCK”
“I Love You Very Much
"Hunny.”
Caption ni Claudine dito: “Double infinity [praying hands] RYCB & CLAUDINIANS THIS IS FOR ALL OF U (face with smiling eyes, smiling face with smiling eyes, heart emojis]”

NOT AUTHENTIC?
Pagkatapos i-post ni Claudine ang umano’y lumang love letter ni Rico, bumaha ng nakakakilig na mensahe mula sa mga tagahanga ng kanilang love team noon.
May mga celebrity pa ngang kinilig sa post ni Claudine katulad nina Dianne Medina, Mariel Padilla, Gladys Reyes, at Neri Miranda.


Pero makalipas ang ilang oras, may ilang netizens na kumuwestiyon sa nasabing sulat dahil napansin nilang tila bago pa ang bond paper na ginamit kahit lagpas dalawang dekada na ito.
Iba rin daw ang sulat-kamay nito sa penmanship ni Rico, base na rin sa mga nauna nang ibinahaging love letter noon si Claudine mula sa namayapang aktor.
Kung susuriing mabuti, tila magkaiba nga ang penmanship ng mga sulat.

Sabi pa ng isang netizen (published as is), “Kita ko lang po na same penmanship nung letter na binigay mo for your mam and it's different from rico's. and the paper looks new when it's been 19yrs since he passed away.
“No hate po, i am a big fan of ur loveteam but just wanna ask if did write this and pinost or cinopy nyo lng. Much love po @claubarretto
Tanggi naman ni Claudine, “no not my writing.”

Wala pang dagdag na paliwanag si Claudine kaugnay dito.
Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
