PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Edu Manzano confirms he's in a relationship with Cherry Pie Picache

Edu Manzano confirms he and Cherry Pie Picache are now an item.
by Bernie V. Franco
Published Nov 19, 2021
cherry pie picache, edu manzano relationship
Edu Manzano and Cherry Pie Picache are officially in a relationship. The two are co-stars in the ongoing Kapamilya teleserye Marry Me, Marry You.
PHOTO/S: @yescppicache on Instagram

Kinumpirma ni Edu Manzano, 66, na magkarelasyon na sila ni Cherry Pie Picache, 51.

Malaki ang posibilidad na nagkadebelopan ang dalawa habang magkatrabaho sa ABS-CBN teleseryeng Marry Me, Marry You.

Sa serye, gumaganap si Edu bilang si Emilio Legaspi at si Cherry Pie bilang si Elvie Manansala-Zamora. Naging bunga ng kanilang pagsisiping si Andrei Legaspi (Paulo Avelino).

Unang inulat ng PEP.ph ang tungkol sa pagkakamabutihan nina Edu at Cherry Pie nitong Miyerkules, November 18, 2021.

Kamakailan kasi ay nag-post ng series of photos si Cherry Pie sa Instagram, kung saan makikitang lagi silang magkatabi ni Edu sa mga kuha habang nagbabakasyon sa New York.

May pahaging din ang nakasama nila sa trip na sina Arci Muñoz at Yam Concepcion na in love ngayon si Cherry Pie.

EDU MAnZANO’S ADMISSION

Ngayong Biyernes, November 19, naglabas ng art card ang News5 na nagkukumpirmang magkarelasyon na sina Edu at Cherry Pie.

Nakabandera sa art card: “CHERRY PIE PICACHE AT EDU MANZANO, MAGKARELASYON NA”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasulat sa caption na kinumpirma mismo ito ni Edu sa TV5 news anchor na si Cheryl Cosim.

Cherry Pie Picache Edu Manzano confirmed

Ayon sa source ng PEP.ph, nagsimula ito nang ibalita sa TV5 news program na OnePH ang tungkol sa sighting kina Edu at Cherry Pie sa New York.

Si Cheryl ang isa sa mga anchor ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos umere ng episode, nag-message si Cheryl kay Edu at tinanong kung may katotohanan ang tungkol sa kanila ni Cherry Pie.

Diretsong inamin ni Edu kay Cheryl na totoong magkarelasyon na sila ni Cherry Pie.

EDU AND CHERRY PIE'S PAST RELATIONSHIPS

Makulay ang buhay pag-ibig ni Edu.

Ikinasal siya kay Vilma Santos noong 1980. Naging anak nila si Luis Manzano.

Pero pagkalipas lamang ng ilang taon, nagdesisyon sina Edu at Vilma na maghiwalay.

Kasunod noon, nagpakasal si Edu kay Maricel Soriano noong 1989. Hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama. Wala silang naging anak.

Naging karelasyon din ni Edu ang commercial model na si Rina Samson at nagkaanak ng dalawa: sina Addie at Enzo.

Kalaunan ay naghiwalay din sina Edu at Rina.

Naging karelasyon ni Edu ang newscaster na si Pinky Webb noong 2005. Naghiwalay sila noong 2009.

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Edu ay isang non-showbiz, si Iryne Garcia. Tumagal din ng ilang taon ang kanilang relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, si Cherry Pie naman ay nagkaroon ng longtime boyfriend na si Gary Tria, at nagkaroon ng isang anak na lalaki, si Nio.

Napaulat ang paghiwalay nina Cherry Pie at Gary noong 2006.

Ang kanilang anak naman na si Nio ay nagdesisyon ngayong 2021 na pasukin ang pag-aartista.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edu Manzano and Cherry Pie Picache are officially in a relationship. The two are co-stars in the ongoing Kapamilya teleserye Marry Me, Marry You.
PHOTO/S: @yescppicache on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results