Ipinagdiwang ni Heaven Peralejo ang kanyang ika-22 kaarawan kahapon, November 25.
Sa Instagram, nagpasalamat ang Kapamilya star sa mga leksiyon, grasya, at mga taong naging bahagi ng kanyang pagkatao.
Mensahe niya, “22 rotations around the sun and cheers to more [sun emoji]
“Grateful for all the lessons, blessings, and people in my life that have helped shape the woman I’m becoming.
“Here’s to thriving, smiling, and riding through the waves of life!”
View this post on Instagram
Makikita naman sa kanyang Instagram Stories ang ilang eksena sa birthday party na kanyang hinanda para sa pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Binati naman siya ng kanyang malapit na kaibigan na si Kimpoy Feliciano.
Mensahe ng actor-social media influencer, “Happy Birthday to this beautiful soul @heavenperalejo. Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That's a promise [fingers crossed emoji]”
View this post on Instagram
Tugon ni Heaven sa kanya, “Luv u forever beh!!!”

Nagtaka naman ang ilang netizens kung bakit “beh” na ang tawag ni Heaven kay Kimpoy gayong ilang buwan lang daw ang nakararaan ay “kuya” ang tawag niya rito.


Samantala, ni-repost din ni Heaven ang pagbati ni Kimpoy sa kanya sa Twitter.
Caption ng dalaga, “Love you bro!!!”
Noong November 8, binara ni Kimpoy ang ilang bashers na sobrang bastos ang mga komento sa larawan nila ni Heaven na nagsu-swimming sa isang ilog.
Pinasaringan kasi ng ilang bashers si Heaven na mukhang may natisod na namang ibang lalaki matapos ang hiwalayan nito at ni Kiko Estrada.
Niresbakan ni Kimpoy ang mga bastos na komentong ito patungkol sa kaibigan.
Paglilinaw niya, magkaibigan lamang sila ng Kapamilya young star.
Huwag din daw husgahan si Heaven base lamang sa mga nababasa sa internet.
Mensahe ni Kimpoy: “Para sa mga rude sa comment section. Magkaibigan kami ni Heaven.
“If you're judging the person based on the things you only know from the internet, that's on you.
“Sana kilalanin niyo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga.”
Nag-break sina Heaven at Kiko noong unang linggo ng Agosto matapos ang halos tatlong buwang relasyon.
