Jelai Andres recalls "pinakatanga" moment because of estranged husband Jon Gutierrez

by Rachelle Siazon
Nov 26, 2021
Jelai Andres tells Alex Gonzaga the pinakatanga moment she did because of estranged husband Jon Gutierrez.
When Jelai Andres (left photo) visited Alex Gonzaga's (in blue shirt) condo unit, Jelai spoke about how she's no longer bitter about her separation from estranged husband Jon Gutierrez (right photo).
PHOTO/S: @jelaiandresofficial / @easymoneybadger Instagram / Alex Gonzaga YouTube

Naging bukas si Jelai Andres tungkol sa tingin niya ay isa sa mga "pinakatanga" na ginawa niya para sa estranged husband na si Jon Gutierrez.

Nangyari raw iyon noong panahong nais pa niyang isalba ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Hindi tuwirang binanggit ni Jelai ang pangalan ni Jon, pero hindi kaila ang kontrobersiyal na hiwalayan ng mga ito nitong early 2021.

Balik-tanaw ni Jelai: "Hindi ito yung pinakatanga. Isa lang ito.

"Meron akong isang artistang friend, nung nangyayari na yung mga ganyan-ganyan, na di maganda sa love life ko.

"Sabi niya, 'Ipadasal mo.' Pumunta kami sa matanda. Parang manggaggamot.

"Pumunta kami sa probinsya. Matanda siya ta's sabay kayo magdadasal."

Ikinuwento ito ni Jelai nang bumisita siya sa condo unit ni Alex Gonzaga. Ipinalabas ang episode sa YouTube channel ni Alex noong November 21.

Bukod sa personal na pagdalaw sa matanda, tila may mga panahong tinatawagan din siya nito para sabay silang magdasal.

"Like, tatawagan ka niya ng alas tres... Para raw bumait. Sabay lang kayo magdadasal," ani Jelai.

Sabay paglilinaw niya, "Pero di yun masama, ha! Di yun kulam.

"Pero parang pag inisip mo, parang nabudol lang ako kasi nanghingi lang ng pera."

Seryosong komento ni Alex, "At least, nagdasal ka. Yun nga lang..."

Naputol ang sinasabi ni Alex dahil sumingit si Jelai.

Diin ni Jelai, "May kasabay ka lang daw para mas strong [yung dasal].

"Kasi parang feeling niya, siyempre yung mga ganun, may powers sila, di ba? Na para mas malakas.

"Yung manggagamot na yun, nagdadasal. Sabi ko, 'Ang galing talaga pag madami kayo nagdadasal.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang lumabo na raw ang sitwasyon ni Jelai ay sumuko na rin siya.

"Tapos di na ako sumasabay kasi hindi na, e. Na-depress na ako. Nung una, parang umo-okay.

"Tapos tumawag sa akin, 'Bakit, 'nak, di ka na sumasagot?' Umiiyak na ako."

Tila ipinaalam ni Jelai sa manggagamot na wala nang pag-asang maisalba ang kanyang love life.

"Tapos sabi niya, '[Expletive], pakulong mo na lang 'yan!' Sumuko siya!"

Bahagyang natawang komento ni Alex, "Sumuko yung nagdadasal, at siya pa yung nagmura! Pero natuto ka na?"

Sagot ni Jelai, "Oo. Kaya yun isinagot ko nung tinanong mo ako na isa sa pinakatanga, yun kasi yung ginawa ko. Bakit ko ginawa yun?"

Naniniwala naman si Alex na may maganda pa ring dulot ang pagdarasal noon ni Jelai.

Sabi ni Alex tungkol sa paglapit ni Jelai sa matandang manggagamot, "Kasi desperada ka.

"Pero maganda pa rin pinuntahan kasi nagdadasal ka. Minsan pag nagdadasal ka, 'Ay, desperado na ako, dasal ako nang dasal.'

"Akala mo nagpo-fall apart yung mundo mo pero sa totoo lang inaayos lahat."

Alex Gonzaga and Jelai Andres YouTube

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JELAI ON MOVING FORWARD

Nanindigan naman si Jelai na nalampasan na niya ang kalbaryong dulot ng hiwalayan nila ni Jon.

"Basta okay ako ngayon. Happy ako compared sa mga nakaraang taon," saad niya.

Sumang-ayon si Alex dahil noong huling kita raw nila ni Jelai ay may pasanin pa ito.

Ani Alex, "Pero ngayon maganda nga yung posisyon mo sa buhay o dahil naka-shades ka lang?"

Sagot naman ni Jelai, kusa siyang naka-move on sa heartbreak.

"Gumising lang ako ng umaga na, 'Ay, okay na ako.' Wala akong nararamdaman. Di ako bitter. Di ako nasasaktan.

"Ang dami ko pinagsisisihan na mga past na ginawa ko, pero kasama yun sa pagtanda."

Diin pa ni Jelai, "I'm stronger now!"

DOES JELAI HAVE A NEW SUITOR?

Inusisa pa ni Alex kung may bago nang manliligaw si Jelai.

"Hindi, Ate. Hindi ako nagpapaligaw. Eme!" natatawang pag-iwas ni Jelai.

Panunukso ni Alex, "Pero masaya [ka]! Okay lang naman yun kasi single ka naman."

Kinilig na tili ni Jelai, "Yehey!"

Tanong ni Alex, "Bakit ka nag-yehey?"

Sagot ni Jelai, "Gusto ko naririnig na, 'Okay lang 'yan.'"

Sabay pasaring ni Alex, "E, single ka naman, e. Yung ano mo nga nanliligaw kahit kayo pa!"

Tukoy ni Jelai sa kanyang estranged husband na si Jon, "Walang ligaw-ligaw dun, 'Te!"

Sang-ayon ni Alex, "Kaya nga! Nahiya ka pa, ganun nga siya!"

Lalong naging malinaw na si Jon ang pinatatamaan nila dahil noong November 15 ay nag-post si Alex ng TikTok video kasama si Jelai.

Nilapatan ni Alex ang video ng background music na "Hayaan Mo Sila," isa sa mga sikat na kanta ng hip-hop group na Ex Battalion na kinabibilangan ni Jon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin din ng netizens sa video na nag-mouth si Alex ng "King Badger!" Ang King Badger ay kilalang palayaw ni Jon.

Alex Gonzaga TikTok with Jelai Andres where Alex mouthed King Badger

Tila napanood pa ni Jon ang TikTok video nina Jelai at Alex dahil napa-tweet ito noong November 16.

Jon Gutierrez tweet

JELAI AND JON'S RELATIONSHIP HISTORY

October 2018 nang ikasal sina Jon at Jelai.

April 2019 nang unang makipaghiwalay si Jelai kay Jon matapos mahuling nambababae umano ang rapper.

Pero sinubukan ng dalawa na ayusin ang kanilang marriage.

Opisyal silang nagkabalikan nang magkasama sila sa lock-in taping sa GMA-7 prime-time series na Owe My Love, na umere mula February 15 hanggang June 4, 2021.

Hanggang sa noong March 2021, ibinulgar ni Jelai na muli niyang nadiskubreng may bagong "kabit" si Jon.

Lubha itong ikinagalit ni Jelai at muling nakipaghiwalay kay Jon.

Nagsampa ng concubinage complaint si Jelai laban kay Jon sa Department of Justice noong June 1, 2021.

Hindi malinaw kung itinuloy pa rin ni Jelai ang reklamong ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When Jelai Andres (left photo) visited Alex Gonzaga's (in blue shirt) condo unit, Jelai spoke about how she's no longer bitter about her separation from estranged husband Jon Gutierrez (right photo).
PHOTO/S: @jelaiandresofficial / @easymoneybadger Instagram / Alex Gonzaga YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results