Inamin ni Winwyn Marquez, 29, na "happily in love" siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na pinili niyang huwag pangalanan sa ngayon.
Si Winwyn ay Kapuso actress at kauna-unahang Pinay na Reina Hispanoamericana titleholder noong 2017.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napatili pa sa kilig si Winwyn nang banggitin ang relasyon nila ng nobyo.
"My partner is a very private person. Iniiwasan ko talagang... siyempre there's a part of me na gusto ko sa akin lang.
"Pero di ko siya tinatago. I am really in love," nakangiting sabi niya.
Natawa pa siya sa sarili dahil sa nadaramang kasiyahan, "Wow, kinikilig! Ang arte!
"Pero I'm happy. Alam mo yung contentment? Nandun."
Nakapanayam ng PEP.ph si Winwyn nang mag-guest sila ng Nelia co-star na si Raymond Bagatsing sa PEP Spotlight, na ipinalabas nitong December 7.
PROUD BOYFRIEND
Supportive ang nobyo ni Winwyn sa kanyang showbiz career.
Alam daw nito kung gaano siya kasaya nang pumasok sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2021 ang suspense-thriller movie niyang Nelia.
Magkasama ang couple nang subaybayan ni Winwyn sa livestream ang MMFF announcement ng Magic 8.
Kuwento ni Winwyn: "Napasigaw ako, nagulat siya. Super excited siya for me, alam niya nung pandemic nung nagsu-shoot ako, I gave everything to this film also.
"Kasi di ba pandemic, nagsu-shooting, ta's di mo alam kung anong nangyayari.
"So, sabi niya, worth it daw lahat ng sacrifices namin na ginawa when I was shooting that."
winwyn neither confirmed nor denied RUMORED PREGNANCY
Diretsahang tinanong ni PEP.ph deputy guide editor Jimpy Anarcon kung totoo ang bali-balitang nagdadalantao si Winwyn.
Nagsimula ito sa isang blind item kunsaan ang pangalan ni Winwyn ang isa sa mga hula ng netizens.
Ayon kay Winwyn, nakarating sa kanya ang pag-tag sa kanya ng netizens sa blind item na iyon.
"Siyempre kung blind item, di ba, nung may nagta-tag sa akin, nakita ko puro iba-ibang pangalan din [ang binanggit].
"One thing's for sure. I have four cats, one dog na inaalagaan ngayon!" natatawang saad ni Winwyn.
Hindi tuwirang sinagot ni Winwyn kung totoo o hindi na buntis siya. Pero tiniyak na kung mayroon siyang dapat ianunsiyo ay gagawin niya.
"Sabi mo nga, before we got on this one kung may ia-address ako, I think it's gonna come from me directly naman.
"Pero right now, mga pets ko inaalagaan ko now. Baby namin ngayon is Nelia."
Kung anu't ano man, malalaman din daw ng media kung buntis nga ba siya o hindi sa pagharap niya sa grand presscon ng pelikula sa December 18.
Hindi raw siya iiwas sa kanyang showbiz commitments.
Aniya, "Siyempre magpro-promote ako. That's what I'm doing here. It's just that everything's online right now for safety din...
"I will attend our grand presscon which is on December 18 as well.
"I think they'll know there."
Watch the full interview of Nelia stars Winwyn Marquez and Raymond Bagatsing here: