Filmmakers Jun Lana, Perci Intalan separate after eight years of marriage

by Arniel C. Serato
Dec 10, 2021
Jun Lana, Perci Intalan breakup after 8 years of marriage
Jun Lana (left) on breakup with husband Perci Intalan: "Perci and I have decided to part ways amicably. We wish each other well and will continue to be active co-parents for our children & business partners for our company."
PHOTO/S: Courtesy: @junrobleslana on Instagram

Hiwalay na ang filmmakers na sina Jun Lana at Perci Intalan matapos ang walong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Sa pamamagitan ng Twitter ngayong Biyernes, December 10, inanunsiyo ng award-winning director na si Lana na nagdesisyon sila ni Intalan na maghiwalay sa maayos na paraan.

Pahayag ni Lana: “Hi guys. Perci and I have decided to part ways amicably.

“We wish each other well and will continue to be active co-parents for our children & business partners for our company.

“We request for privacy as we navigate this transition. Thank you all for your understanding & support.”

Continue reading below ↓

Itinatag ng dalawa ang The IdeaFirst Company, isang film production company at talent agency, noong 2014.

Wala pang ibang pahayag sina Lana at Intalan tungkol sa desisyon nilang tapusin ang kanilang pagsasama.

Ikinasal si Intalan, dating TV5 creative and entertainment head, sa award-winning director/screenwriter na si Lana via same-sex union noong October 14, 2013 sa Bethesda Fountain, Central Park, sa New York.

Jun Lana, Perci Intalan breakup

Continue reading below ↓

Bago pa ito, matagal nang magkarelasyon ang dalawa kaya umabot sa halos 18 taon ang kanilang relasyon.

Dahil sa kanilang pagpapakasal, umani sila ng mga papuri at bashings sa social media. Pero para kay Lana, hindi sila naaapektuhan ng mga puna ng netizens.

Saad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2014, “Hindi kami naapektuhan, ang naapektuhan yung family namin.

“Binabasa pa kasi nila yung mga comments, e, yung mga comments, ‘Masusunog kayo sa impiyerno!’ ‘Ang babastos ninyo!’ Yung ganun.

“Pero kasi kami, ang difference kasi namin, ang tagal na namin ni Perci, e—ten years na before we decided to get married.

“And then we’re both in our forties, so hindi siya biglang decision.

“Pinag-isipan naming mabuti at hindi na kami apektado kung ano ang iiisipin ng ibang tao.

“We know what we wanted at alam namin na hindi siya recognized ditto [sa Pilipinas], yung marriage namin.”

Continue reading below ↓

Patuloy niya, “It was really a formality, it was really to honor the ten years that we’ve had together, to honor the friends who’ve supported us for the ten years that we were together.

“So, nung pumunta kami sa New York, kasama namin yung mga pamilya namin, mga kaibigan namin.

“It was really just a celebration of the ten years that we’ve been together.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jun Lana (left) on breakup with husband Perci Intalan: "Perci and I have decided to part ways amicably. We wish each other well and will continue to be active co-parents for our children & business partners for our company."
PHOTO/S: Courtesy: @junrobleslana on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results