Watch Now

Kit Thompson reveals relationship with Ana Jalandoni

by Rachelle Siazon
Dec 15, 2021
Kit Thompson Ana Jalandoni
Kit Thompson and Ana Jalandoni go public with their exchange of sweet messages on Instagram affirming they are in relationship. The photo in the center is a memento of their very first date as a couple.
PHOTO/S: @kitthompson / @realanajalandoni Instagram

Isinapubliko ni Kit Thompson na girlfriend niya si Ana Jalandoni.

Maituturing na "Instagram official" na ang dalawa matapos i-post ni Kit ang mala-"jowa reveal" picture nila ni Ana ngayong Miyerkules, December 15.

Yakap ni Kit si Ana habang sila ay magka-date sa isang restaurant.

"Our first date," simpleng caption ni Kit.

Kit Thompson and Ana Jalandoni

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, tinawag ni Ana na "MyLove" si Kit. Isang kilig na lovestruck emoji ang sagot ng aktor.

Kit Thompson and Ana Jalandoni

Ito ang unang pagkakataong naghayag si Kit ng ugnayan nila ni Ana.

Sa panayam niya sa PEP Spotlight noong September 2021, ang tanging nabanggit ni Kit ay hiwalay na sila ng huli niyang naging girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REACTION OF KIT'S FRIENDS

Isang non-showbiz friend ni Kit ang nagkomento ng "wala kang maloloko sa first."

Natawang paglilinaw ni Kit, "hahahahah yan kase yong first date namin!!!"

Kit Thompson and Ana Jalandoni

Kinantiyawan pa si Kit ng isa pang non-showbiz friend na nakakaalam tungkol sa relasyon nila ni Ana.

Nagpahiwatig ito na "sa wakas" ay "di na kami magtatago ng story!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kit Thompson and Ana Jalandoni

Kinumpirma naman ni Kit na masaya siya sa piling ng nobya.

Sabi kasi ng kaibigan niyang si Yves Flores, "Di kana sasabog at sabihin ang masasamang words."

Sumagot si Kit na puno siya ng "masasayang words."

Kit Thompson and Ana Jalandoni

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIT CALLS ANA "BABY"

Noong November 18, nagpahiwatig na si Kit tungkol sa relasyon nila ni Ana.

Nag-post si Ana sa Instagram ng sexy picture niya, at nagkomento roon ang aktor.

Kit Thompson and Ana Jalandoni

Malambing na saad ni Kit, "Baby ko ba yan?"

Sumagot si Ana at tinawag na "love love" si Kit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kit Thompson and Ana Jalandoni

Si Kit ay kilalang aktor na unang nadiskubre nang maging housemate siya sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother Teen Edition 4 noong 2012.

Bandang 2014 nang pansamantala siyang nawala sa sirkulo sa showbiz. Ilang taon siyang nanirahan sa Amerika bago muling nagbalik-showbiz noong 2018.

Napapanood siya sa ongoing Kapamilya series na La Vida Lena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ana ay showbiz newbie na unang napansin bilang isa sa Cardo's Angels sa FPJ's Ang Probinsyano noong 2019.

Napanood din siya sa Vivamax movie na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar noong January 2021.

Nasundan iyon ng launching movie niyang Manipula, kunsaan nakatambal niya si Aljur Abrenica noong October 2021.

Co-producer si Ana ng Manipula sa ilalim ng itinayo niyang independent film company na AFlix Productions.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kit Thompson and Ana Jalandoni go public with their exchange of sweet messages on Instagram affirming they are in relationship. The photo in the center is a memento of their very first date as a couple.
PHOTO/S: @kitthompson / @realanajalandoni Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results