Nagpaliwanag si Beatrice Luigi “Bea” Gomez kung bakit hindi siya aktibo sa pagpu-post sa kanyang social media accounts, lalo na sa Instagram, habang ongoing ang Miss Universe 2021 competition sa Eilat, Israel.
Marami ang nakapansing bihirang mag-post si Bea ng mga kaganapan sa pageant at sa kanilang mga aktibidad bago ang Miss Universe 2021 coronation noong December 13 (araw sa Pilipinas).
Pahayag ni Bea sa panayam ng ABS-CBN News, hindi siya mahilig mag-update sa social media.
Pero paminsan-minsan naman daw ay nagpu-post siya kapag may pagkakataon.
Saad ng Top 5 finisher sa katatapos lamang na prestigious pageant, “Even before the competition, hindi talaga ako into social media.
“As much as I want to do posts, yung schedule namin dito is very hectic.
“Sometimes, yung Internet connection pa is very difficult. I try to post naman when I can.”
Isa rin daw sa mga dahilan kung bakit hindi siya ganung kaaktibo sa social media ay upang makaiwas sa mga puna at toxic na comments ng bashers.
Baka raw kasi makaapekto ito sa kanyang determinasyon.
Pahayag ni Bea, “Also, I try to avoid yung mga toxic comments that might throw me off in my performance.”
Inamin naman niyang nag-check din siya ng feedback matapos ang preliminary competition upang mapaganda pa ang kanyang performance base na rin sa mga komento ng netizens.
Nagpasalamat si Bea na may mga payo ang netizens kung ano ang dapat pa niyang i-improve sa kanyang performance.
Aniya, “Pero during my preliminaries, that was the only time that I looked into the comments and for the purpose of wanting to assess my performance.
“So, I’m very glad that there were a lot of people who told me what I should do, what I should not do, because I believe it helped me perform better during the finals.”
Masuwerteng nakaabante si Bea sa Top 5 ng Miss Universe 2021.
Ang hinirang na bagong Miss Universe ay ang kandidata ng India na si Harnaaz Kaur Sandhu.
Nakauwi na sa bansa si Bea kagabi, December 15, at kasalukuyang sumasailalim sa mandatory quarantine.
Binigyang pugay naman si Bea ng Philippine Navy sa kanyang pagdating sa airport bilang isang reservist.
View this post on Instagram
