Slater Young, Kryz Uy show wreckage at their house in Cebu, nearby areas

by Rachelle Siazon
Dec 20, 2021
Slater Young Cebu house wreckage caused by Typhoon Odette
Sa ika-34 kaarawan ni Slater Young (left) kahapon, December 19, ang pinagkaabalahan niya ay ang pagkukumpuni ng bahay nila ng misis na si Kryz Uy (inset). Pati ang anak nilang si Scot ay aktibo rin sa pagtulong sa kanyang Dada Slater.
PHOTO/S: @thatguyslater Instagram / @kryzzzie YouTube (inset)

Hindi rin nakaligtas sa Bagyong Odette ang glass house sa Cebu ng mag-asawang Slater Young at Kryz Uy.

Si Slater ay isang negosyante at dating housemate ng Pinoy Big Brother: Unlimited, habang ang misis niyang si Kryz ay isang vlogger.

Kahapon, December 19, ipinakita ni Slater ang extent ng damage sa bahay nila.

Huwebes ng gabi, December 16, tumama sa Cebu ang hagupit ng Bagyong Odette.

May bahagi ng bubong ang nabutas base sa video sa Instagram ni Slater.

Hindi malinaw kung saang parte iyon ng property nina Slater at Kryz.

Cebu house typhoon odette

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kabilang iyon sa videos ni Slater kunsaan kasama niya ang anak na si Scot habang nagkukumpuni sa labas ng kanilang bahay.

Slater Young with son Scot after Typoon Odette

Ipinakita rin ni Slater na nawasak ang tree house sa kanilang hardin.

Labor of love iyon ni Slater para kay Scot at nabanggit niya pa noong gawa iyon sa matibay na materyales.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mga halaman at ilang bahagi ng bakod ng bahay ay tinangay rin ng bagyo.

Slater Young tree house Cebu

SLATER AND KRYZ HID IN THE WALK-IN CLOSET

Pero nagpapasalamat ang mag-asawa dahil nag-survive daw ang kanilang glass house at hindi nabasag ang mga salamin sa kabila ng mga nagliparang puno at tubo noong kasagsagan ng Bagyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That night, we felt like, 'Okay, sige, yung bahay natin a little bit flooded.’

"Yung perspective namin, 'It's not that bad. Okay naman yung bahay,'" kuwento ni Slater sa hiwalay na YouTube vlog ni Kryz.

Pero ayon kay Kryz, nagtago sila ni Slater sa loob ng kanyang walk-in closet sa takot na baka mawasak ang mga salamin sa kanilang bahay at tumama sa kanila.

"Our house, it survived. But it was so scary that night.

"Slater and I were hiding in my closet because that's the only place where there weren't any glass because our house is made of glass," kuwento ni Kryz.

Aminadong nanginginig at umiiyak sa takot si Kryz dahil hindi rin daw niya ma-check ang anak noong kasagsagan ng bagyo sa Cebu.

Ang anak nila ay nasa kuwarto nito kasama ng kasambahay dahil walang salamin sa kuwarto nito na gawa sa lite blocks.

"Slater wouldn't allow me to go out even to check because our room, which is like three walls of glass, was literally shaking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Feeling namin mabibiyak yung glass, and that's so scary to be in front of it.

"Also our whole sala, our hallway, puro glass. It was bending," lahad ni Kryz.

Iminuwestra pa ni Kryz na pati ang bubong nila ay tila umaalon dahil sa tindi ng hangin na dala ng bagyo.

Kinabukasan, nang inspeksiyunin nila ang kanilang bahay, saka nila nakita ang mga nagliparang mga sanga ng puno at pipe sa may trellis at pool area.

Slater Young house Cebu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sa salamin daw iyon tumama ay siguradong basag ang kanilang mga dingding.

BLOCKED ROADWAYS, DESTROYED HOMES

Ipinakita rin nina Slater at Kyrz ang extent ng damage sa surrounding areas nila.

Pati ang mga daanan ay puno ng mga na-uproot na mga malalaking puno at halaman.

Slater Young typhoon odette cebu

Sira rin ang mga poste ng kuryente at sinasabing isang buwan pa bago bumalik ang kuryente sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

debu typhoon odette

Ayon kay Slater, apat na oras ang pila sa gasoline stations at ganoon din katagal ang pila sa bilihan ng drinking water.

Wala raw kasiguruhan ng availability ng drinking water sa ibang water stations.

Kasama ni Slater si Kryz na lumabas ng bahay para tulungan maghakot ng gamit sa bahay ng kapatid ni Kryz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nawasak kasi ang bubong at mga dingding ng three-storey house ng bahay ng sister ni Kryz.

Kung ang mga "well-built houses" ay nasira, paano na lang daw ang karamihang residente sa Cebu.

House of Kryz Uy's sister in Cebu

SLATER, KRYZ CALL FOR DONATIONS FOR TYPHOON VICTIMS

Nanawagan ang mag-asawang Slater at Kryz na sana ay matulungan ang mga biktima ng Typhoon Odette sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa raw Internet sa kanilang bahay at nakigamit lang sila sa kanilang kapit-bahay kaya hirap pa raw sila sa coordination.

Pero sinisikap din daw nilang makatulong sa abot ng kanilang makakaya.

Ang warehouse ng negosyo ni Slater ay ginawa raw nilang evacuation para sa kanilang mga empleyado na walang matuluyan.

Nabanggit din niya na magsasagawa sila ng relief operations para sa ibang biktima ng bagyo.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa ika-34 kaarawan ni Slater Young (left) kahapon, December 19, ang pinagkaabalahan niya ay ang pagkukumpuni ng bahay nila ng misis na si Kryz Uy (inset). Pati ang anak nilang si Scot ay aktibo rin sa pagtulong sa kanyang Dada Slater.
PHOTO/S: @thatguyslater Instagram / @kryzzzie YouTube (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results