PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame gives P9M cash aid to 9 towns in Siargao Island

Willie Revillame: "Ako’y magbibigay ng tig-isang milyon para makatulong."
by Arniel C. Serato
Published Dec 23, 2021
Willie Revillame distributes cash aid to typhoon-stricken Siargao LGUs
Willie Revillame (in white shirt) personally donates P1M cash for each nine towns in Siargao Island. He is accompanied by President Rodrigo Duterte (in plaid shirt), Senator Bong Go (polo shirt), and other government officials.
PHOTO/S: Courtesy: Bong Go on Facebook

Namahagi ng tig-isang milyong piso ang Wowowin: Tutok To Win host na si Willie Revillame sa siyam na munisipalidad sa Siargao Island.

Kahapon, December 22, bumisita si Willie sa Siargao kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go.

Willie Revillame distributes cash aid in Siargao

Sa kanyang talumpati, nangako si Willie na maglilibot pa siya sa ibang lugar na labis na napuruhan ng bagyong Odette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng TV host, "Nandito po ako, actually hindi ko po alam na darating ang ating mahal na Pangulo at ang ating mga cabinet members at ang mahal na senador.

"Sabi ko lang ho, kung pupuwede akong pumunta ako ng Siargao, pupunta ako ng Bohol. May dala ho akong 2 helicopter.

"Tapos sabi ko nga, gasoline lang ang kailangan ko ho, maghahatid lang kami ng mga pangangailangan sa mga barangay."

Narinig ni Willie sa program ani Ted Failon na nangangailangan sa Siargao ng private helicopter kaya dinala niya ang dalawa niyang choppers.

"So naisip ko kaagad tumawag kay Senator Bong Go, ‘Mahal na Pangulo, kung pupuwede ho ba ako humingi ng pahintulot mahal na Pangulo na pupuwede ako pumunta sa lahat ng barangay? Dito po ako magpa-Pasko,'" lahad ni Willie.

Inilarawan niya si Senator Bong na "sobrang napakabuti at napabait ng puso" dahil ito raw ang tumulong sa kanya na makabalik sa telebisyon kahit kasagsagan pa ng pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

P1M EACH FOR THE 9 MUNICIPALITIES IN SIARGAO

Nilinaw ni Willie na ang inabot niyang tulong ay mula sa kanyang sariling kinita.

Ito raw ang paraan niya para ibahagi ang blessing na hindi natigil ang kanyang programa kahit may pandemya sa loob ng halos dalawang taon.

Paliwanag ni Willie: “Hindi po ako tumatakbong kahit na anong posiyon sa pulitiko...

“Ngayon para sumaya kayo, mahal na Pangulo, ako po ay nandito para makatulong, siyam na mayors po dito, di ba?

“Siyam na mayors, sa akin po, ako’y sobrang pinagpala ng Panginoon, sobrang blessings po.

"Isipin niyo po, ako lang ang may trabaho nung panahon ng pandemya, na nagbibigay ng 5 thousand, 10 thousand, pambili ng gamot, kung anuman, jacket, tablet.

"For almost two years, awa ng Panginoon, hindi ako nahinto sa programa."

May siyam na munisipalidad sa Siargao Island: ang Dapa, Burgos, Del Carmen, General Luna, San Benito, San Isidro, Pilar, Santa Monica, at Socorro.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tig-isang milyong piso ang inilaan niya para sa bawat lugar.

Sabi ni Willie, "Sa bawat mayor po, ako’y magbibigay ako ng tig-isang milyon para makatulong, para makabili po sila ng kanilang pangangailangan na bubong.

"Yun lang po ang kaya ko, hindi ko naman kaya lahat.

"Yun po’y galing sa puso ko yun, hindi galing sa anuman yun, yun po ay mga naipon ko."

Naikuwento rin ni Willie ang kanyang pagtulong noong nanalasa ang bagyong Rolly sa Catanduanes noong November 2020.

Limang milyong piso ang donasyon niya noon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame (in white shirt) personally donates P1M cash for each nine towns in Siargao Island. He is accompanied by President Rodrigo Duterte (in plaid shirt), Senator Bong Go (polo shirt), and other government officials.
PHOTO/S: Courtesy: Bong Go on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results