May relasyon na nga ba sina Ruffa Gutierrez, 47, at Herbert Bautista, 53?
Ito ang tanong ng netizens matapos makitang sabay na nagdiwang ng Pasko sina Ruffa at Herbert.
Noong mismong araw ng Pasko, December 25, nag-post ng video si Ruffa na kuha sa Christmas party ng kanyang pamilya.
Naroon ang mga magulang niyang sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Vince, at ibang mga kaanak.
53
Nagbibigay ng regalo si Annabelle sa mga apo nang i-pan ni Ruffa ang video sa may dining table kunsaan makikitang katabi niya si Herbert.

Pinatingin pa ni Ruffa si Herbert sa video, at ngumiti naman ito. Kasama rin nila sa dining table si Monching Gutierrez.
Si Monching ay anak ni Eddie sa Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales.
NETIZENS' REACTIONS
Agad napansin ng netizens na kasama si Herbert sa family gathering ng pamilya Gutierrez.
Sa wakas ay ipinost na raw ni Ruffa si Herbert sa Instagram feed ng actress-host.

Nagkatambal sila bilang mag-asawa sa House Arrest of Us na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Aprubado naman ng ilang netizens sakaling totoong magkasintahan na nga sina Ruffa at Herbert.



BACKSTORY
Unang napabalita ang hinihinalang ugnayan sa pagitan nina Ruffa at Herbert nang ipahiwatig ni Kris Aquino na may "beautiful girlfriend" si Herbert.
Inalmahan noon ni Kris ang pagdawit sa kanya sa isang tweet ni Herbert tungkol sa #TOTGA o The One That Got Away nitong pinanghihinayangan niya.
Humingi naman ng paumanhin si Herbert kay Kris noon.
Habang si Ruffa, dinepensahan si Herbert na hindi raw ito ang personal na may hawak ng Twitter account nito.
Dito na nagsimulang usisain ng netizens kung may namamagitan kina Ruffa at Herbert.
Noong December 2, nag-tweet si Ruffa na hindi isyu sa kanya ang height difference nila ni Herbert.
Pati ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama ay sinasabing boto rin kay Herbert dahil ang dating Quezon City mayor daw ang nag-engganyo kay Ruffa na bumalik sa pag-aaral kaya nag-enrol ang aktres sa online classes.
