PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens post photos of Paolo Contis, Yen Santos together in Boracay

Paolo Contis, Yen Santos in Boracay... as a friend?
by Arniel C. Serato
Published Dec 30, 2021
Paolo Contis, Yen Santos Boracay escapade
As a friend... in Boracay? Netizens poke fun at Paolo Contis and Yen Santos's alleged Boracay escapade.
PHOTO/S: Courtesy: Mikee Clariz Ebina Sullano on Facebook

Dalawang araw na ngayong viral sa social media ang mga larawan nina Paolo Contis at Yen Santos na nasa airport at magkasama umanong nagbabakasyon sa Boracay.

Sa mga larawang kuha sa airport, parehong naka-face mask sina Paolo at Yen, at may suot pang shades ang aktres. Pero ayon sa netizens, hindi maipagkakailang ang rumored couple ang nasa larawan.

Kalat na kalat din sa mga post na ito ang tag na “as a friend” na tumutukoy sa viral statement ni Paolo noong September 8, 2021 na inimbitahan niya si Yen sa Baguio "as a friend."

Narito ang ilang posts ng netizens sa Facebook:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Viral noon ang larawan nina Paolo at Yen na kumakain sa isang restaurant sa Summer Capital of the Philippines.

Paolo Contis, Yen Santos in Baguio

Bukod pa doon, nag-viral din ang video nina Paolo at Yen na kuha naman sa Manaoag Church sa Pangasinan bago pa ang Baguio getaway nila.

Paolo Contis, Yen Santos in Pangasinan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang buwan bago ang sightings ng dalawa, napabalita na ang hiwalayan nina Paolo at longtime partner nitong si LJ Reyes.

Sa pamamagitan ng Instagram, sinabi ni Paolo na walang kinalaman si Yen sa hiwalayan nila ng partner of six years na si LJ.

Depensa ni Paolo kay Yen: "She was never the reason of our break up. I was.

"Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.

"Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano."

Nagkatambal sina Paolo at Yen sa Netflix movie na A Faraway Land.

Hindi raw akalain ng aktor na ang simpleng pag-imbita niya sa kapareha sa Baguio ay lilikha ng kontrobersiya.

Ani Paolo, magkaibigan lang sila ni Yen.

Paliwanag ng Kapuso actor: "When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

"She went there as a friend.

"Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As a friend... in Boracay? Netizens poke fun at Paolo Contis and Yen Santos's alleged Boracay escapade.
PHOTO/S: Courtesy: Mikee Clariz Ebina Sullano on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results