Is Yen Santos the mystery woman seen with Paolo Contis in viral video?

by Rachelle Siazon
Sep 7, 2021
The mystery woman has the same tattoo as Yen Santos? Netizens continue to speculate if Kapamilya actress Yen Santos is the mystery woman who was sighted with Kapuso actor Paolo Contis in Manaoag, Pangasinan (inset).
PHOTO/S: @ysantos / @paolo_contis Instagram / TikTok (inset)

Si Yen Santos ba ang babaeng kasama ni Paolo Contis sa viral video?

Ito ang malaking palaisipan sa netizens matapos mamataan si Paolo sa dalawang lugar sa loob ng isang araw.

Nagkatambal sina Paolo at Yen sa pelikulang A Faraway Land. Ginanap ang shooting sa Faroe Islands sa Denmark mula November 24 hanggang December 9, 2020.

Si Yen ay 28 years old, habang si Paolo ay 37.

September 2, 2021 nang unang kumalat ang litrato ni Paolo kasama ng mystery woman sa isang restaurant sa Baguio.

Tingin ng netizens, hindi maikakailang si Paolo iyon dahil kita ang mukha nito sa litrato habang nakikipagkuwentuhan sa kasamang babae na mahaba ang buhok.

Umabot ng halos isang milyon ang views niyon sa TikTok.

Kinabuksan, September 3, sumunod na kumalat sa social media ang video ng waring couple na magkaangkla ang mga kamay habang naglalakad sa kalsada.

Ayon sa TikToker na nakakita sa mga ito, kuha iyon sa Manaoag Church sa Pangasinan noong "August 27."

Continue reading below ↓

Hindi pinangalanan ng TikToker ang babae at lalake na kanyang nakita sa Manaoag, pero maintriga ang caption niya: "Sino kaya tong nakita namin sa manaoag church?"

Mabilis itong nakatawag ng pansin ng netizens, at umabot na sa 2.9 million ang views nito at press time.


Continue reading below ↓


Continue reading below ↓

SIMILAR TO PAOLO AND YEN'S TATTOO?

Mala-imbestigador ang netizens na napagtagni-tagni ang mga maliit na detalye sa pisikal na anyo ng babae at lalake sa video.

Tingin nila ay sina Paolo at Yen ang mga ito dahil sa napuna nilang tattoo ng babae at lalake sa video.

Unang napansin ang tattoo sa kanang bisig ng lalake. Mahabang lettering ang disenyo ng tattoo, na tugma sa tattoo ni Paolo sa kanang bisig din nito.

Napuna rin ng netizens na may tattoo rin umano ang babae sa video.

Nang i-zoom in ng netizen ang video, makikitang may itim na marka sa kaliwang kamay ng babae.

Continue reading below ↓

Tingin ng mga nakapansin niyon ay tugma iyon sa placing ng tattoo ni Yen sa kaliwang kamay.

Sinuyod ng netizens ang Instagram account ni Yen at nakita nilang may tattoo itong butterfly sa kaliwang kamay.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

SAME SANDALS?

Pati ang suot na sandals ng babae at lalake sa Manaoag ay napuna rin ng netizens.

Continue reading below ↓

Nakita nilang sa hiwalay na Instagram accounts nina Paolo at Yen na may sandals ang mga ito na tulad ng suot ng lalake at babae sa viral video.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang iba pang detalyeng napansin ng netizens ay ang suot na gray shirt at white shorts ni Paolo sa Baguio, na tugma sa outfit ng lalakeng namataan sa Manaoag.

Pareho rin ang outfit na yellow and black long-sleeved top ng babaeng kasama ni Paolo sa Baguio at sa babaeng nasa Manaoag.

Continue reading below ↓

Kaya kahit pa nakatakip ang mukha ng babae at lalake sa viral video, hindi raw ligtas ang mga ito sa mapanuring netizens.

Continue reading below ↓

Sa pagsisiyasat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 2, isang tiga-Baguio ang nagpakilalang naroon siya sa restaurant nang kumain doon si Paolo at babaeng kasama nito.

Kinumpirma ng source na kuha iyon sa isang restaurant sa Baguio noong "August 27."

Ayon pa sa source, “super sweet” si Paolo at ang babaeng iyon.

Continue reading below ↓

Dati na raw pumupunta sa restaurant ang babae, at nito ngang huli ay kasama si Paolo na dumayo roon.

Tinukoy ng source sa PEP.ph kung sino ang babae.

Pero dahil walang face reveal ang babae sa litrato, minarapat ng PEP.ph na huwag nang banggitin kung sino ito.

PAOLO AND YEN STILL MUM ABOUT THE ISSUE

Noong Linggo, September 5, sinubukan uli ng PEP Troika na hingan ng pahayag si Paolo sa mga isyung kinasasangkutan niya.

Pero sinabi ni Paolo kay Gorgy Rula ng PEP Troika na deadma na lang muna ang aktor sa mga balitang nakakarating sa kanya at pati na sa tuluy-tuloy na bashing ng netizens.

May ilan pang bagay na napag-usapan ang dalawa, pero ipinakiusap daw ng aktor kay Gorgy na huwag na lang isulat.

Susundin daw ni Paolo ang payo sa kanyang palamigin na lang muna ang isyung kinasasangkutan, at saka na siya magbibigay ng pahayag.

Tikom-bibig din si Yen at walang anumang post sa social media sa ngayon.

Continue reading below ↓

Ang huling Instagram post ni Yen sa kanyang Instagram account ay noon pang August 18—o isang araw bago ipalabas ang kanilang pelikulang A Faraway Land.

Ganoon din si Paolo, na nag-promote ng kanilang pelikula noong August 18.

Continue reading below ↓

Hindi naman maiwasang maging tampok ng espekulasyon ang estado ng love life ni Paolo.

Noong August 19 pumutok ang balitang hiwalay na si Paolo sa partner of six years na si LJ Reyes.

Kinumpirma ito ni LJ sa panayam ni Boy Abunda na umere sa YouTube noong September 1.

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The mystery woman has the same tattoo as Yen Santos? Netizens continue to speculate if Kapamilya actress Yen Santos is the mystery woman who was sighted with Kapuso actor Paolo Contis in Manaoag, Pangasinan (inset).
PHOTO/S: @ysantos / @paolo_contis Instagram / TikTok (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results