Ikinairita ni Sofia Andres ang reaksiyon ng ilang netizens sa kanyang rebelasyong nahawaan din siya ng COVID-19 bago mag-Bagong Taon.
Sa kanyang Instagram Stories kagabi, January 8, 2022, ibinahagi ni Sofia ang ilang screenshots ng mga account na tila inuurat pa siya sa kanyang pagkakasakit.
Sabi niya sa screenshot mula sa isang entertainment website: “I DON’T READ COMMENTS BUT…

“READING THEIR BIO SAYING #GODISINCONTROL #GODISEVERYTHING….
“I JUST HOPE THE BEST FOR THEM.”
Dagdag pa niya, “AND SAYING ‘SO WHAT’ IF I HAD EXPERIENCE OMICRON… SEND HELP.”

Noong January 6, inihayag ni Sofia sa Instagram na katatapos lang niya sa kanyang isolation dahil tinamaan siya ng COVID-19.
Noong araw na iyon, sinabi niyang nagnegatibo na siya sa virus matapos ang sampung araw.
Ayon pa sa kanya, nagdiwang siya ng Bagong Taon mag-isa dahil kailangan niyang i-isolate ang sarili upang hindi na makapanghawa.
Buong post ni Sofia: “After 10 days … finally I’m negative.
“Please wear your mask, be kind, drink your vitamins, eat healthy & love yourself.
“What a way to start 2022. I know it’s not easy spending New Year’s alone but we have more days & years ahead of us. Be strong. #fuckomicron”
Marami na ring personalities ang tinamaan ng COVID-19 variant na omicron.
Kabilang sa kanila sina Karen Davila, Alyssa Valdez, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Pumalo na rin sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 cases sa bansa kahapon na umabot sa lagpas 26,000.
