PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessy Mendiola on workout routine and getting pregnant

Jessy Mendiola: "So kung nag-eexercise, hindi magkakababy? Pakiexplain.”
by Arniel C. Serato
Published Jan 17, 2022
Jessy Mendiola answers netizens questioning her workout
Jessy Mendiola to netizens imposing on their beliefs to others: "Iba iba lahat tayo. Hindi ibig sabihin na it works for you eh ganon na din sa iba.”
PHOTO/S: Courtesy: @senorita_jessy on Instagram

Sinagot ni Jessy Mendiola ang ilang netizens na kumuwestiyon sa kanyang pag-eehersisyo.

Ayon sa netizens, paano raw magkakaanak ang aktres kung puro pag-e-exercise o workout ang ginagawa nito.

Sabi ng isang nagkomento sa kanyang workout video kahapon, January 16, 2022, “Pano ka mgkaka baby nian if you always exercise.”

Sagot ni Jessy, ano ba ang eksplinasyon kung bakit hindi na magkakaanak ang taong nag-eehersisyo.

Buong sagot ng aktres, “so kung nag-eexercise, hindi magkakababy? Pakiexplain.”

Jessy Mendiola workout routine

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabat ng isa pang netizen, baka raw kasi may nabubuo nang bata sa kanyang matris na hindi niya alam at hindi ito tuluyang ma-develop.

Buong komento ng netizen, “Kasi kung Minsan Hindi alam Ng babae na nagsisimula na palang mabuoAng sperm cell Ng 2 at Sa pag exercise nawala dahil naghihiwalay at nalalaglag sa pag exercise Ng mabibigat.yung simple Lang exercise ok na."

Jessy Mendiola workout routine

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Jessy, “hindi mabigat yang binubuhat ko. 5lbs lang yan.”

Jessy Mendiola workout routine

Pero ayaw paawat ng netizen.

Saad pa nito, “kahit na. kelangan kung gusto mong mabuntis simpleng mga exercise Lang Gawin mo. its an advice na naexperience ko. advice na parang magilang Lang.”

Para kay Jessy, hindi naman pare-pareho ang applicable sa iba’t ibang tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maaaring yung swak sa kanya ay hindi naman akma sa iba.

Buong sagot ng aktres, “iba iba lahat tayo. Hindi ibig sabihin na it works for you eh ganon na din sa iba.”

Jessy Mendiola workout routine

Ayon sa tommys.org, isang website tungkol sa babies, ang pag-eehersisyo at pagiging aktibo ay nakakatulong upang mabuntis ang isang babae. Nakasaad din dito na ang mga babaeng regular na nag-eehersisyo ay mas mabilis mabuntis kumpara sa mga hindi nag-eehersisyo nang regular.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaantabayanan na ng mga tagahanga ni Jessy at asawang si Luis Manzano kung kailan sila magkakaroon ng anak.

Ikinasal ang dalawa sa The Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas, noong February 21, 2021.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola to netizens imposing on their beliefs to others: "Iba iba lahat tayo. Hindi ibig sabihin na it works for you eh ganon na din sa iba.”
PHOTO/S: Courtesy: @senorita_jessy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results