Watch Now

Jessy Mendiola reveals she and husband Luis Manzano gave each other "time" before deciding to get married

by Julie E. Bonifacio
Dec 3, 2021
jessy mendiola luis manzano
Jessy Mendiola on husband Luis Manzano: "Luis is a very good man. He has been a good influence to me. And ang dami niyang naturo sa akin. Ang daming nabago sa ugali ko, sa perspective ko sa buhay. And I think that’s really important kapag ka na-meet mo yung taong gusto mong makasama habang buhay."
PHOTO/S: @senorita_jessy on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, ikinuwento ni Jessy Mendiola ang buhay mag-asawa nila ni Luis Manzano.

Humarap si Jessy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press sa kanyang contract signing bilang bagong celebrity endorser ng Cathy Valencia Advanced Skin Clinic noong November 24, 2021. Ginanap ang event sa Manila House Private Club sa Bonifacio Global City.

Aminado si Jessy na may "minimal adjustments" silang pinagdaanan ni Luis mula nang ikasal sila sa The Farm sa Lipa City, Batangas noong February 21, 2021.

Apat na taon na ang kanilang relasyon bago sila nagdesisyong magpakasal, at nagbalik-tanaw muna sa Jessy sa mga buwan bago ang kanilang engagement.

Kuwento ni Jessy, "Pang-fifth year namin, nagpakasal na kami. Kasi po, natakot si Luis. Hahahaha!

"Hindi, ibig ko pong sabihin ano, napag-usapan din po namin yun ni Lu [pet name niya kay Luis] sa mga past interviews namin na, siyempre, he was kinda scared. Kasi po, di ba, nag-lockdown? Nagkaroon ng COVID.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And then, magkahiwalay kami noong nag-start yung pandemic. So, I gave him time. Sabi ko, siyempre you have to be ready for the next level, di ba?

"And yun, parang ano lang din, siyempre parang na-sad siya because yung franchise renewal, di ba, na-deny po?"

Ang tinutukoy ni Jessy ay ang pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN, na siyang home network ni Luis.

Patuloy ng aktres, "So, naintindihan ko na magulo po yung utak niya noon. So, I gave him time.

"We actually gave each other time. Tapos, parang finally, 'You know what, I'm really very sorry. Naging magulo lang ang mind ko, but I'm ready.'

"But as a girl... wow! As a girl? Hahaha!

“Kasi, kumbaga, parang napapag-usapan na rin naman namin ang next step and all.

“Like I said, naintindihan ko na magulo ang isip niya, and for a man, it’s a big responsibility also to start a family. And of course, kahit naman sa babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But, ang ibig kong sabihin, especially kapag kunyari may time na ganoon na nagsabay-sabay, di ba?

“Naintindihan ko yung feelings niya noong time na yun. Na-sad po talaga siya.”

Pero noong nagsabi na si Luis na ready na siya mag-level-up as a family man, si Jessy naman ang tumanggi.

“Nakakatawa po ito. Ako naman ang nagsabi sa kanya, ‘Ako naman ata yung hindi ready.' Parang nagkapalit naman kami. Sabi niya, ‘Why?’

“Parang napag-isip-isipan ko, when we started talking again after a month na hindi kami nag-uusap, parang mga May to first week of June [2020], parang ako naman yung nagda-doubt na.

“Hindi pa po yun proposal. Parang magkakabalikan pa lang po ulit kami.

“And then, I told him talaga, 'Maybe the next girl na makilala mo is the one for you. Maybe the next man I meet, baka he’s the one naman for me,' parang ganoon.

“He was heartbroken that time. Ako rin. Nagkakaiyakan kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko sa kanya, ‘First time kitang nakitang umiyak nang bongga!’

“Tapos sabi niya, ‘No, really. It’s just I love you so much. But then, ayun nga, naging magulo ang isip ko.’

"So, nagkapatawaran kami," ngiti ni Jessy.

They took their time hanggang sa maging engaged na sila.

JESSY ON MARRIED LIFE WITH LUIS

Para kay Jessy, si Luis talaga ang kanyang "The One."

Aniya, “Luis is a very good man. He has been a good influence to me. And ang dami niyang naturo sa akin.

"Ang daming nabago sa ugali ko, sa perspective ko sa buhay. And I think that’s really important kapag ka na-meet mo yung taong gusto mong makasama habang buhay.

"So, that’s what I told him. Sabi ko, ‘I think you’re the one.’ Tapos sinabi niya sa akin, ‘I think you’re the one also.'”

Ngayong kasal na sila ni Luis, may mga bago bang natutunan si Jessy tungkol sa kanyang asawa? For instance, may kakaibang sleeping habits ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naku, he always looks at my foot. Hindi siya makatulog kapag hindi magkadikit ang mga paa namin sa isa't isa.

"Hindi naman niya inaamoy. Pero dapat yung paa niya at paa ko, magkadikit."

Pambubuking pa ni Jessy, hindi raw nakasuot ng T-shirt si Luis kung matulog.

"Naka-sando po siya ng butas-butas kung matulog. Kasi nga po, gusto niya maginaw. Ganoon po talaga siya. Nakakatuwa po siya.

“Sabi ko, 'Love, gusto mo bilhan kita ng mga sando?'

“Maski si Momskie ang ireregalo sa kanya mga sando, mga T-shirt.

"Tapos nakikita nila kapag nasa bahay lang si Luis, may mga butas sa kili-kili. Sabi ni Luis, ‘Gusto ko 'yan, Love, para presko.'”

Ang "Momskie" na tinutukoy ni Jessy ay ang kanyang mother-in-law na si Vilma Santos-Recto.

Hindi naman “bacon” ang underwear ni Luis na madalas banggitin ng mga mister sa showbiz?

"Hindi naman, kasi ako po ang bumibili!" sabay tawa ni Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lagi ko siyang binibilhan ng underwear. Kasi nakikita ko, 'Ano ba yan Love, yung underwear mo may butas na.'

"Si Luis po kasi hindi materialistic na tao."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola on husband Luis Manzano: "Luis is a very good man. He has been a good influence to me. And ang dami niyang naturo sa akin. Ang daming nabago sa ugali ko, sa perspective ko sa buhay. And I think that’s really important kapag ka na-meet mo yung taong gusto mong makasama habang buhay."
PHOTO/S: @senorita_jessy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results