PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhen Escano ayaw maging lalaki si Rita Martinez

"Sana wag na lang."
by Rose Garcia
Published Jan 19, 2022
Rhen Escano and Rita Martinez Lulu
Gusto ba ni Rhen Escano (R) na maging lalaki ang lesbian screen partner niyang si Rita Martinez? Sagot ng Lulu star, "Sana ganyan na lang siya."
PHOTO/S: @realrhen @rita_martinez10 on Instagram

Walang ilangan na namagitan kina Rhen Escano at Rita Martinez sa set ng Lulu, kahit na GL (Girl Love) ang tema ng serye.

Si Rita, na dating The Voice contestant, ay miyembro ng LGBTQ community.

Ayon kay Rhen, “Masuwerte po kami ni Rita dahil pareho po kaming hindi nahirapan. Workshop pa lang, parang hindi na kami nagkaka-ilangan talaga.

“Siguro, may mga konting ganoon, pero nagamot siya agad. Hindi nagtagal, naging kumportable kami agad sa isa’t isa. And I guess, yun po ang dahilan kung bakit naging natural ang atake namin sa mga eksena namin.

“Sana makita ng mga tao yun, maging natural ang chemistry and masaya. Masaya lang kasi talaga sa set. May ganoong energy kapag kumportable ka sa mga katrabaho mo.”

Sa online mediacon para sa Lulu, naitanong kay Rhen kung hindi ba niya naisip na sana ay naging tunay na lalaki na lang si Rita.

“Kung wini-wish ko na sana si Rita is lalaki?” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami kasi akong pangit or maling experience sa mga lalaki, so sana wag na lang. Sana ganyan na lang siya.

“Kasi naging magkaibigan kami, naging close kami, nagkaka-intindihan kami. Enough na siguro yun para hindi ko na i-wish na kailangan pa niyang maging lalaki, para magkaroon kami ng ganoong connection, di ba?”

RHEN ON CLOSE FRIENDSHIP WITH RITA

Kuwento ni Rhen, kahit na first time niyang makatrabaho si Rita, naging kumportable sila sa isa't isa. Kaya habang tumatagal, lumalabas na lang din nang sobrang natural ang mga eksena nila sa Lulu.

Aniya, “Hindi ko naman po sinasabi na parang hindi ko nakita o nahanap sa mga co-actors ko before. Pero parang ang natutunan ko po rito is puwede pa lang maging ganoon katotoo sa iyo yung isang tao, maging ganoon ka-open sa iyo.

“Kasi yung iba po, well, naiintindihan ko naman ang iba kung bakit hindi sila ganoon nag-o-open or nagho-hold back sila. Kami po kasing dalawa ni Rita, parang matic na naging close kami agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So parang na-realize ko na puwede pala akong makahanap ng ganoong klase ng friendship inside showbiz at minsan lang po yun mangyari.”

Bilang na bilang lang daw ang maituturing niyang close friends sa showbiz at ngayon, masasabi niyang isa si Rita.

“Yun po ang na-discover ko, na may ganoon pala talaga,” dagdag pa niya.

RHEN ON REPRESENTING THE LGBTQ COMMUNITY

Hindi rin daw naiisip ni Rhen na baka ma-typecast siya sa mga GL series.

“Naku hindi po. kung ako lang ang pagbibigyan, parang gusto ko pang gumawa ulit. Kahit paulit-ulit, okay lang po iyan sa akin,” sabi niya.

“As long as meron akong nire-represent na mga tao. Meron akong gustong iparating sa mga tao. Wala pong problema sa akin iyon at kung yun po at yun ang ibigay sa akin, siguro nakikita nilang puwede and okay lang po yun sa akin and open po ako roon.”

Sa totoong buhay, hindi pa raw niya naranasan na magkaroon ng same-sex relationship o maligawan ng isang lesbian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala pa, wala rin pong nagbalak, at wala rin pong nagparamdam. Ewan ko po sa mga—ewan ko po, hindi, joke lang,” natawang biro niya.

“Wala po, wala rin akong nakarelasyon or whatever, pero may mga naging friends ako, pero wala pong nagparamdam.”

A DIFFERENT SIDE OF RHEN IN LULU

Masaya raw si Rhen na maipapakita naman niya sa series na Lulu ang ibang side niya bukod sa pagpapaseksi bilang isang actress.

Pero binigyang-diin niyang wala namang masama sa mga sexy roles na ginagawa niya.

“For me, wala pong masama sa mga movies or series na nilalagyan ng ganoong klaseng eksena dahil kailangan, dahil dapat.

“Pero dito po kasi sa Lulu, ang goal e, kailangang makilala sila ng mga tao, maramdaman ng mga tao na hindi kailangan ng mga ganoong klase ng eksena. Parang mabibigyan ng justice ang mga eksena namin dito na hindi kailangang maghalikan or mga sensual scenes.”

At dugtong din niya, “Para sa akin, thankful po ako na nabigyan po ako ng chance. Alam naman po nating lahat na like sa Adan, iba naman po kasi iyon, masyadong mabigat, masyadong sensual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang napakita ko na po yung ganoong side so dito, parang nabigyan ako ng chance na paano magwo-work kung hindi ko kailangang magtanggal ng damit.

“So I guess, nag-work siya. At para sa director namin na happy siya, yun po ang patunay na hindi naman kailangang lagyan ng ganoon para masabing maganda or masabing kailangan sa palabas, e.

“And I guess, itong Lulu, isa ito sa kailangang mapanood ng mga tao para ma-realize nila na, ah okay, hindi kailangang may maghubad para panoorin nila.

“Nakaka-happy.”

Nakasama ni Rhen si Cindy Miranda sa erotic-thirller movie na Adan (2019).

Samantala, ang Lulu ay isang VIVA Max original series na magsisimulang mapanood sa January 23, 2022, sa panulat at direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gusto ba ni Rhen Escano (R) na maging lalaki ang lesbian screen partner niyang si Rita Martinez? Sagot ng Lulu star, "Sana ganyan na lang siya."
PHOTO/S: @realrhen @rita_martinez10 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results