Nahimasmasan nang bahagya ang mga tagasuporta nina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil muling nag-follow sa isa’t isa ang mag-asawa sa Instagram.
Kasunod ito ng napabalitang pagkakalabuan diumano ng kanilang pagsasama.
Unang naiulat sa PEP Troika ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 25, 2022, ang usap-usapang hiwalay na diumano ang dalawa matapos lamang ang tatlong buwan mula nang sila ay ikasal.
Ikinasal sina Tom at Carla sa Tagaytay noong October 23, 2021 pagkatapos ng pitong taong relasyon bilang magkasintahan.
READ: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?
Ikinagulat ng maraming tagahanga ng dalawa ang balita dahil nakikita nila kung gaano ka-sweet sina Carla at Tom sa isa’t isa lalo noong magkasintahan pa lamang sila.
Lalo pang nagtaka ang netizens kung bakit bigla silang nag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram.


Pero ilang oras pagkatapos pumutok ang balitang hiwalayan, muling nag-follow sina Carla at Tom sa kani-kanilang Instagram accounts kagabi, January 25.


Hindi rin nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang cryptic post na video ni Tom na may written text na ".float" at may itim na background.
READ: Tom Rodriguez has cryptic post about leaving; is it related to Carla Abellana?
Base sa audio nito, maririnig ang spiels mula sa isang eksenang kuha sa Cowboy Bebop, isang Japanese anime sci-fi series tungkol sa bounty hunters na sakay ng spaceship na Bebop ang pangalan.
Saad ng karakter na si Faye, base sa IG post ni Tom, "And now you're leaving just like that.
"Why do you have to go? Why are you leaving?
"What are you gonna do?! Just throw away your life like it was nothing?!"
Makahulugan ang sagot ng bidang karakter na si Spike: "I'm not going there to die. I'm going to find out if I'm really alive."
Kasunod ng audio na ito ay may maririnig na kantang may lyrics tungkol sa isang taong nahaharap sa crossroads at tila di malaman kung ano ang gagawin.
Sabi sa isang bahagi ng lyrics: "I wonder if I stepped off / Would have float in space
"Standing at a crossroads / Frozen in place
"I'm looking for salvation / But I miss my train
"I'm too scared to go / too weak to stay."
View this post on Instagram
Wala pang opisyal na pahayag sina Carla at Tom ukol sa kumakalat na balita.
