Red-letter day para sa Philippine R&B Prince na si Kris Lawrence ang January 28, 2022, dahil ito ang debut drop sa SongRise ng kanyang NFT song, ang "Future Girl."
Ang NFT o non-fungible token ay isang digital asset tulad ng mga larawan at video na may natatanging pagkakakilanlan.
Napapatunayan ang pagmamay-ari nito sa pamamagitan ng blockchain, isang ligtas na paraan ng pagtatala ng impormasyong mahirap baguhin at dayain.
Sa madaling salita, ang NFT song ni Kris ay maituturing na limited edition o collector's item dahil limited ang digital copies at mayroon itong built-in authentication o proof of ownership.
Nabibili ito gamit ang cryptocurrency o digital payment system.
Natutuwa si Kris dahil siya ang kauna-unahang Filipino talent ng SongRise, isang music NFT platform kunsaan ilulunsad ang "Future Girl."
Ang SongRise ay itinatag ng kanyang American friends na nakilala niya noong naninirahan pa siya sa Amerika.
Ang mga kaibigan ni Kris na gumagawa ng records para sa popular musicians na sina Usher, Chris Brown, at DJ Khaled ang nakipag-ugnayan sa kanya para maging bahagi siya ng SongRise.
"Gusto nilang gumawa ng platform and this platform is called SongRise. Ayaw nilang mag-start sa mainstream artists ng U.S. kasi it’s too big for them so they wanted to branch out to other artists internationally.
"And I have the privilege of being the very, very first artist that they’re gonna launch in SongRise.
"At the moment, I am the only Filipino that’s on this platform and parang ako yung inaugural artist that they’re launching so I’m very very excited about this project.
"It’s my very, very first NFT," masayang kuwento ni Kris.
Ipinagmamalaki ni Kris na ang "Future Girl" ang unang kanta niya sa isang NFT platform.
Bukod sa limited edition ito ay maaari rin daw itong magamit para sa trade.
"My NFT is a actually a song, it’s a song called 'Future Girl.' It’s very, very limited. Once it gets sold-out, puwede rin tumaas yung value.
"Yung mga bibili po ng NFT ko na 'Future Girl,' puwede rin po silang mag-resell after."
WHAT "FUTURE GIRL" IS ABOUT
Tungkol sa isang lalakeng naghahanap ng babaeng mamahalin ang lyrics ng "Future Girl."
Sa tunay na buhay, umaasa si Kris na matatagpuan na niya ang itinakda para sa kanya.
"It’s about a guy looking for a girl. It’s about a guy just staying on his grind and finding the girl that would accept him for who he is.
"Kung sino man po iyon, sana mahanap ko soon. Tumatanda na tayo," ani Kris.
UPCOMING COVER OF REGINE VELASQUEZ'S SONG
Ibinalita rin ni Kris na nag-uusap na sila ng singer na si Arthur Nery para sa collaboration ng kanilang pinaplanong cover version niya ng "Dadalhin," ang hit song ni Regine Velasquez noong 2001.
Pinili ni Kris ang "Dadalhin" dahil ito ang hiniling ng kanyang mga kaibigang mga tagahanga ni Regine.
"We went through a list of songs and they’re big Regine fans, so I took it as a challenge upon myself because it’s very, very challenging to sing Regine’s song.
"I was also interested to see my own take to 'Dadalhin' and I hope you guys will all like it."
Ang release ng "Dadalhin" ay sa 02-02-2022 o February 2, 2022.