Diretso at walang paliguy-ligoy na inamin ni Luis Manzano na wala silang prenuptial agreement ng asawang si Jessy Mendiola.
Hindi rin daw siya nagagalit kapag may nagtatanong sa kanya ukol dito dahil may mga couple talagang mayroong prenup.
Saad ng Kapamilya host: “Wala, no, wala, wala, wala kami. So, wala kaming prenup.
“Am I mad? No. It’s realistic for people to have a prenup. At, a, wala. Wala kami.”
Mag-iisang taon na sa February 21, 2022 mula nang ikasal sina Luis at Jessy kaya marami ang umaasang magkakaanak na sila.
Pati ang ina ni Luis na si Congresswoman Vilma Santos-Recto ay nangungulit na rin ng apo sa kanya.
Biro ni Luis, “Sabi ko, si Ryan [his brother] muna magbibigay. Hindi, alam mo naman na for the longest time, di naman talaga ako nilalambing ni Mommy.
“But she also understands din naman, kumbaga, people might believe na she’s pressuring me, pero hindi naman.
“It’s just a loving mother na, kahit papa'no, di ba, gusto na rin magkaroon ng apo. Pero hindi naman siya yung, ‘Hindi! Gumawa na kayo, gumawa na kayo,’ hindi naman.
“But she completely understands and respects how we have our own timeline, and we’re hoping and praying, kami ni Jessy, na ibigay na rin sa amin yun.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang press and bloggers si Luis sa virtual conference na #BEMORETHOUGHTFUL campaign ng Toblerone kahapon, February 2.
Napili ng nasabing chocolate brand si Luis bilang kanilang "Love Guru."

ROMANTIC DATE
Bilang malapit na ang Valentine’s Day, nausisa rin si Luis kung ano ang pananaw niya sa isang romantic date.
Ayon sa Kapamilya star, mas pabor siya sa simpleng date lamang.
“Para sa akin, para sa akin, ha, the simpler the better.
"Lalo na pag ikaw yung maghahanda para sa akin. Kasi anyone can go to a restaurant. You know, anyone can go somewhere.
"Pero if ikaw talaga ang mag-effort ng magluto, mag-setup ng table, maglagay ng mga kung anu-ano, para sa akin it becomes more special.”
Biro pa ni Luis, “Si Howhow [Jessy], favorite niya kasi steak. Gustung-gusto niya yung luto ko ng steak. Kasi ang steak, kaya kong gawin lasang tinola... ang pangit.
Seryoso nang dagdag ni Luis “So, para sa akin, it’s always when you put a bit more effort.
“Yung maglalambing sa akin, and para sa akin kasi when you do something for your significant other, para sa akin it’s a date na rin, e.
“For example, kahit nasa bahay lang kami, sabihin niya na, ‘Love, can you cook me steak?’ ‘Sige.’
“I mean, kahit na it’s something na I’ve done countless times, pag may nilambing siya sa akin na ganun, I consider that as a date.”
