Dinepensahan ni Luis Manzano ang asawang si Jessy Mendiola laban sa netizens na pumuna sa workout routine ng aktres.
Napagdiskitahan ng ilang netizens si Jessy dahil sa palagian nitong pagwu-workout na ina-upload sa social media pagkatapos.
Ayon sa ibang netizens, paano raw makakabuo ng bata ang aktres kung palagi itong nag-eehersisyo. Baka raw maapektuhan ang pagbubuntis nito kung saka-sakali.
Ayon kay Luis, hindi gaya ng ibang celebrities na ayaw matanong tungkol dito, hindi siya nagagalit kapag tinatanong kung kailan sila magkakaanak.
Saad ng Kapamilya host, “You know, please correct me if I’m wrong, you know, if there are other ladies inside the room... parang, it may be a bit different, you know, for ladies. Baka lang iba yung pressure na ibigay sa kanila.
“Pero siguro yung kay Jessy, yung pinost niya on Instagram or social media, para sa akin, it wasn’t simply people asking kung kailan kami magbi-baby.
“Kasi people were bombarding her na parang sinasabi na dun siya na-stress, na parang may nagku-comment na, ‘Bakit ka nagwu-workout? Di ba kayo nagta-try mag-baby? Bakit ka nagpapa-abs?’"
Paglilinaw ni Luis, bukas sila sa mga suhestiyon pero parang mali ang mga sinabi ng ilang netizens kay Jessy.
Aniya, “Kumbaga, ang daming input na binibigay na, kumbaga, not necessarily true or applicable.
“Pero siguro yung tanong lang, you know, there are questions kasi na alam mong may nag-iintriga talaga.
“Na alam mong may mga questions na nang-aasar talaga, and there are questions na gusto lang talaga malaman ng mga tao dahil natutuwa sila para sa 'yo.
“So siguro, dun lang bumagsak na ibang categories na yun, na it wasn’t simply a question because natutuwa sila para sa 'yo.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers si Luis sa virtual conference ng #BEMORETHOUGHTFUL campaign ng Toblerone noong nakaraang February 2.
Napili ng nasabing chocolate brand si Luis bilang kanilang "Love Guru."
QUALITY TIME FOR EACH OTHER
Ngayong nagsasama na sila ni Jessy sa iisang bubong, paano niya binabalanse ang kanyang oras sa trabaho at sa pagiging asawa ng aktres?
Saad ni Luis, “Ako siguro, you really have to put in the effort.
“You set certain days for date night, or certain lambing afternoons where you try to find certain breaks that you do, whether it be Batangas or simple trips.
“Para sa akin, the work will be there. I’m thankful for work but I’m even more thankful that I get to have a home with Jessy.
“So, para sa akin, I will always find a way whether it be two to three hours lang na talagang just conversation.”
Mahigpit din daw ang disiplina nila kapag nasa harap ng hapag-kainan.
Sabi ni Luis, “When we have lunch or dinner, bawal ang phone sa table unless it’s really important.
“So, ganun talaga, and I completely understand that she has a busy schedule.
"Kasi for the both of us, we always consider work as a blessing, di ba. There’s so many people na, ‘Sana may trabaho ako’, and kami nabibigyan. And we’re thankful for that.
"So, hindi rin namin mapapakawalan yung opportunity na yun, and hindi rin namin papakawalan yung quality time na we have for each other.”
