PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dawn Chang "deeply insulted and disappointed" with Toni Gonzaga

"As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya.”
by Arniel C. Serato
Published Feb 9, 2022
Dawn Chang calls out Toni Gonzaga
Ex-PBB housemate Dawn Chang (left) to Toni Gonzaga (right): "Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?"
PHOTO/S: Courtesy: Dawn Chang on Facebook / @celestinegonzaga on Instagram

Naglabas ng hinanakit ang Pinoy Big Brother 737 Fourth Big Placer na si Dawn Chang laban sa dating main host ng reality show na si Toni Gonzaga.

Ito ay kaugnay ng paghu-host ni Toni sa proclamation rally ng Uniteam nina former Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte, pati na ang kanilang senatorial line-up, sa Philippine Arena, Martes, February 8, 2022.

Ang PBB 737 ang ika-anim na edisyon ng reality show ng ABS-CBN na umere noong 2015.

Si Dawn ay dati ring miyembro ng all-female dance group na Girltrends.

Sa kanyang Facebook ngayong gabi ng Miyerkules, February 9, ibinahagi ni Dawn ang kanyang saloobin laban sa kapwa Kapamilya star na si Toni.

Ayon kay Dawn, labis siyang nainsulto at nadismaya sa pagsuporta ni Toni sa mga taong dahilan umano ng pagkawala ng trabaho ng mga kasamahan nila sa network.

Himutok niya (published as is): “It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?

“As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya.”

Kabilang sa masugid na ipinakilala ni Toni sa proclamation rally sa Philippine Arena ang tumatakbong senador na si SAGIP Party-List Representative Rodante Marcoleta.

Si Marcoleta ang nanguna sa paggisa nang husto sa ABS-CBN bosses sa franchise hearing ng network sa Kongreso noong 2020. Kabilang din siya sa 70 kongresista na bumoto para tuluyang ibasura ang franchise renewal application ng Kapamilya network.

Ayon pa kay Dawn, hindi na niya kayang manahimik. Kailangan na raw nitong gamitin ang maliit niyang boses upang ikampanya ang kandidatura ni Vice President at presidential aspirant Leni Robredo.

Iginiit ng dancer-actress na hindi siya binayaran sa paghayag ng kanyang suporta.

Saad niya, “I cannot remain quiet. Alam ng lahat ng artista na mas ‘safe’ ang manahimik na lamang. Pero hindi ko po kaya. Hindi pwede.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It is my privilege to lend my small voice in this battle for the soul of our country. Kaya sa aking mga kapwa Pilipino, kay VP Leni Gerona Robredo po ang suporta ko. Hindi po ako binayaran dito."

Dagdag ni Dawn: “If this is my biggest fight, then I will forever cherish standing up to what I believe in. Hindi po pera pera. Heto po ay laban ng prinsipyo. I want for all of us to say "Hello" to a better Philippines.

“Today, and always, I pray for everyone's guidance. May He send us His true guardian angels.

“I will forever fight the good fight with all of my true kapamilyas and the Filipino people.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang araw pagkatapos niyang mag-host ng proclamation rally ng Uniteam, inanunsiyo ni Toni ang kanyang pagbibitiw bilang main host ng PBB.

Nagpasalamat naman ang PBB management sa labing-anim na taong pagiging bahagi ni Toni sa show.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-PBB housemate Dawn Chang (left) to Toni Gonzaga (right): "Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?"
PHOTO/S: Courtesy: Dawn Chang on Facebook / @celestinegonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results