Yes Sa gitna ng matinding batikos na hinaharap ngayon ni Toni Gonzaga, nagpakita naman ng suporta ang ilang kapwa celebrities sa pinakahuling Instagram post niya.
Kahapon, February 9, 2022, ibinahagi ni Toni ang kanyang official statement kaugnay ng boluntaryo niyang pagbibitiw bilang main host ng Pinoy Big Brother (PBB) pagkatapos ng 16 taon.
Ito ay kasunod ng pagtuligsa ng mga tagasuporta ng ABS-CBN at maging ng mga artista at empleyado ng Kapamilya network dahil sa paghu-host ni Toni sa proclamation rally ng UniTeam nina former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena, sa Bulacan, noong February 8.
Kabilang sa masiglang ipinakilala ni Toni ay si Representative Rodante Marcoleta, na kabilang sa senatorial line-up nina Marcos at Duterte.
Si Marcoleta ang isa sa umusig nang husto sa top executives ng ABS-CBN sa isinagawang hearing ng Kongreso kaugnay ng franchise renewal application ng Kapamilya Network noong 2020.
Isa rin si Marcoleta sa mga bumoto upang tuluyang ibasura ang franchise renewal ng kinabibilangang network ng Toni.
Sa Instagram post ni Toni, ibinahagi niya ang kanyang opisyal na pahayag sa pagbaba niya bilang main host ng PBB.
Sabi niya sa kanyang pahayag: "It has been my greatest honor to host PBB for 16 years.
"From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!
"Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy.
"It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years.
"I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart.
"Thank you Kuya for everything.
"This is your angel, now signing off..."
View this post on Instagram
Sa comments section, nagpaabot ng suporta ang ilang malalapit na celebrities kay Toni, kabilang na ang kapatid na si Alex Gonzaga at asawang si Paul Soriano.
Komento ni Alex, “You’re a queen forever! nobody does it like you do sissszzz [crown emoji]”

"Heart, victory sign emojis” lamang ang komento ng asawang direktor na si Paul.
Nagkomento rito ang tinaguriang “Talpakan Queen” ngayon na si Gretchen Barretto.
Ani Gretchen, “Toni [heart emoji]”

Tatlong heart emojis naman ang komento ni Maja Salvador.

Si Aga Muhlach naman ay isang heart emoji ang kinomento.

Anim na heart emojis ang komento ng beauty queen na si Samantha Bernardo.

Pensive face emoji naman ang inilagay ni Melai Cantiveros.

Narito ang iba pang komento ng ilang celebrities:




