Dawn Chang: "Naghahanapbuhay po ako nang marangal at tapat."

by Bernie V. Franco
Feb 13, 2022
dawn chang
Dawn Chang reacts to Cristy Fermin's accusation: “Gaya ng marami sa atin, naghahanapbuhay po ako nang marangal at tapat."
PHOTO/S: @thedawnchang on Instagram / YouTube (One PH)

Nagsalita si Dawn Chang kaugnay ng aniya’y “character assassination” sa kanya ni Cristy Fermin.

Ayon kay Cristy, kaya nagkaroon ng career si Dawn sa ABS-CBN ay dahil ito'y “nakikipaglandian sa mga boss.”

Sinabi ito ng kolumnista sa kanyang radio-live stream program na Cristy Ferminute, February 10, 2022.

Si Dawn ay Fourth Big Placer sa Pinoy Big Brother: 737 Edition (2015) at naging Kapamilya artist.

Si Cristy ay kilalang veteran entertainment columnist at showbiz host.

Ang pahayag ni Cristy laban kay Dawn ay nag-ugat sa ginawang Instagram post ng ex-PBB housemate laban kay Toni Gonzaga.

Kinondena ni Dawn si Toni sa pagpanig nito sa electoral alliance ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.

Samantala, ngayong Sabado ay nauna nang lumabas ang official statement ni Atty. Rafael Vicente Calinisan, abogado ni Dawn.

Nagde-demand ang kampo ni Dawn kay Cristy na i-retract ang paratang kay Dawn at mag-issue ng public apology.

Sa statement na ito binanggit ng abogado na character assassination umano ang ginawa ni Cristy kay Dawn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyan ng palugit si Cristy hanggang February 16, 2022, Miyerkules.

Nagbabala ang kampo ni Dawn na sasampahan nila ng mga reklamo si Cristy kapag hindi nito tinupad ang kanilang demands.

DAWN SPEAKS UP

Sabado ng hapon, kinunan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Dawn kaugnay ng paratang sa kanya ni Cristy.

Mariing itinanggi ng Kapamilya TV personality ang akusasyong may career siya dahil nakikipaglandian sa mga boss sa kanyang home network.

Giit ni Dawn, “Mas lalo pong hindi tama na ako ay paratangan ng malisyoso, malaswa at mapanirang salita.

“Gaya ng marami sa atin, naghahanapbuhay po ako nang marangal at tapat.

“Pinaghihirapan ang bawat pisong kinikita.”

Ikinatuwiran din ng dancer na dapat ay mas maganda na ang estado ng kanyang career kung may katotohanan ang ibinibintang sa kanya ni Cristy.

Dagdag niya, “Kung totoo pong ako ay nakikipaglandian para lamang makukuha ng break sa ABS-CBN, e, di sana po ay hindi ako nawalan ng trabaho, o kaya prime artist na po ako sa aking network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagnenegosyo po ako para may pagkakitaan and like a lot of people, I’m just trying to make ends meet.”

Nangatwiran din siya kung bakit ginawa niya ang Instagram post na tinuligsa si Toni.

Aniya, “Kahit po ganito kahirap ang sitwasyon, marunong pa din po akong tumanaw ng utang na loob at lumingon sa aking pinanggalingan.”

Dugtong naman ni Dawn ukol sa official statement ng kanyang abogado: “My legal counsel is correct. The real issue here is historical revisionism and ingratitude.

“Hindi po ako mapapatahimik dahil lamang sa mga gawa-gawang istorya ng sino man.”

CRISTY FERMIN REACTS

Samantala, nagbigay na ng pahayag si Cristy hinggil sa public statement na inilabas ng abogado ni Dawn.

Naglabas din ng official statement ang abogado ni Cristy na si Atty. Ferdie Topacio.

Banat ni Atty. Topacio, may nilabag na provisions of the Code of Professional Responsibility si Atty. Calinisan sa mga ginamit niyang salita sa kanyang public statement laban kay Cristy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-demand ang abogado ni Cristy na mag-isyu rin ng apology si Atty. Calinisan para sa entertainment columnist sa darating rin na Miyerkules.

Nagbabala rin si Atty. Topacio na sasampahan nila ng reklamo si Atty. Calinisan kapag hindi ito gumawa ng apology.

Sa mensahe naman ni Cristy sa PEP Troika, sinabi niyang magbibigay siya ng pahayag hinggil sa isyu sa kanyang programa sa darating na Lunes, February 14.

Sa demand naman ng kampo ni Dawn, ang sagot ni Cristy: “Wala akong babawiin. Walang public apology.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Chang reacts to Cristy Fermin's accusation: “Gaya ng marami sa atin, naghahanapbuhay po ako nang marangal at tapat."
PHOTO/S: @thedawnchang on Instagram / YouTube (One PH)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results