Maymay Entrata discloses relationship with foreigner; Luis tells Maymay, "Ipakilala mo naman sa akin."

by Rachelle Siazon
Feb 14, 2022
Maymay Entrata boyfriend
Former Pinoy Big Brother housemate Maymay Entrata draws kilig reactions from celebrity friends following her "jowa reveal" on Valentine's Day. Her boyfriend Aaron is also celebrating his birthday today.
PHOTO/S: @maymay Instagram

Puno ng pagmamahal ang Valentine's Day ni Maymay Entrata.

Si Maymay ay Big Winner ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2017, at kasalukuyang isa sa mainstays ng ASAP Natin 'To.

Sa kauna-unahang pagkakataon, isinapubliko niyang mayroon siyang boyfriend na isang foreigner.

Ibinahagi niya ang couple picture nila sa Instagram ngayong Valentine's Day, February 14, 2022.

Kuha iyon sa Canada kunsaan nagbakasyon si Maymay.

"Happy Birthday my Valentino," ang simpleng caption ni Maymay sa hugging photo nila ng nobyo.

Magkayakap sila sa litrato kaya malinaw na espesyal ang relasyon ng dalawa.

Noong January 31, unang ipinahiwatig ni Maymay na "Aaron" ang pangalan ng kanyang nobyo.

Base ito sa winter photos ng Kapamilya star sa Canada na ang inilagay niyang photographer ay "Aaron" ang pangalan.

Kinilig naman ang mga kaibigang artista ni Maymay sa kanyang jowa reveal.

Kabilang sa mga naghayag ng suporta kay Maymay ay sina Angelica Panganiban, Bianca Gonzalez, Luis Manzano, Maris Racal, Janella Salvador, at Maja Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang mala-big brother ni Maymay, biniro ni Luis ang dalaga na ipakilala sa kanya ang nobyo nito para makilatis.

Ani Luis, "Ano to ano to??? Aba’y ipakilala mo naman sa akin."

Maymay Entrata boyfriend

Pati sina Kim Chiu, Maris Racal, Elisse Joson, McCoy de Leon, at Jessa Zaragoza ay kinilig din para kay Maymay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maymay Entrata boyfriend

Nag-iwan din ng mensahe sina Richard Juan, Jayda, Dimples Romana, Chie Filomeno, Alora Sasam, at Katrina Velarde.

Maymay Entrata boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maymay Entrata boyfriend

MAYWARD's rumored romance

Ang rebelasyon ni Maymay tungkol sa pagkakaroon niya ng nobya ay hudyat din na hindi na talaga nadugtungan sa tunay na buhay ang hinihinalang espesyal na ugnayan nila noon ni Edward Barber

Nabuo ang tambalan MayWard, o Maymay at Edward, nang maging malapit silang magkaibigan sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bini-build up sila ng ABS-CBN sa ilang pelikula at TV shows at ang pinakahuli ay ang digital movie na Princess DayaReese na ipinalabas noong January 2021.

Sa tagal nila bilang loveteam, hindi maiwasang maugnay sila sa isa't isa.

Noong 2019, naiulat pa na bumisita si Edward kay Maymay sa Hong Kong nang nag-shooting doon ang dalaga para sa Hello, Love, Goodbye.

Pero nang tanungin noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment) kung magkasintahan na sila ni Edward, ang sagot lang ni Maymay ay sa "takdang panahon."

Pero ang hinihinalang maganda nilang unawaan ay tila nagkaroon ng lamat sa di malamang dahilan.

Noong April 2020, naglabas ng joint statement sina Maymay at Edward via talent management arm nila na Star Magic na pinipili nilang maging magkaibigan dahil napagtanto nilang hindi biro ang pumasok sa isang relasyon.

Kasunod nito ay nag-delete si Maymay ng mga litrato ni Edward sa kanyang Instagram account.

MAYMAY HINTS AT EDWARD breaking her trust

Hanggang sa noong May 2021, nagkaroon ng pagkakataon si Edward na diretsahang tanungin si Maymay na, "Is there still a chance?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Waring ang tinatanong nito ay tungkol sa kanilang dalawa.

Nagulat si Maymay sa tanong ni Edward, pero tinapat niya ito na hindi madali sa kanya ang magtiwala muli sa oras na masira ito.

Lalo pa't alam daw ni Edward na mayroon siyang "trust issue" dahil sa karanasan niya sa pamilya noong bata pa siya. Galing sa broken family si Maymay.

"Kahit na bigyan natin ng mahabang panahon para mabigyan ng pagkakataon para may maginh chance, pero alam natin sa sarili natin na mahirap na maibalik yung tiwala na nawala," madamdaming sabi ni Maymay sa virtual kuwentuhan nila ni Edward.

Sabi pa ni Maymay: "Pero, may pag-asa na maibalik yung pagiging kumportable natin sa isa't isa bilang... bilang isang una at pinakamalapit na kaibigan dito sa pagsisimula natin dito sa industriya.

"At kahit anong mangyari andito pa rin naman ako para suportahan ka.

"Di ko alam mangyayari sa future, ayoko rin naman magsalita ng patapos, pero at the same time ayoko rin talaga magpaasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lalo na sa ngayon nahanap ko yung saya na gusto ko. At nahanap ko yung saya na yun nung panahon na walang kahit sinong tumulong at nandiyan para sa akin. Kahit na sa panahong sobrang nahihirapan ako.

"Wala yung taong gusto kong andun."

Kung anuman ang naging pagkakamali ni Edward kay Maymay noon, sabi ni Maymay, "Pero yun nga, past na yun.

"Na-forgive ko na yung pangyayaring iyon."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Pinoy Big Brother housemate Maymay Entrata draws kilig reactions from celebrity friends following her "jowa reveal" on Valentine's Day. Her boyfriend Aaron is also celebrating his birthday today.
PHOTO/S: @maymay Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results