Cristy Fermin's camp also demands public apology from Dawn Chang

by Jojo Gabinete
Feb 14, 2022
cristy fermin, dawn chang
Cristy Fermin (left) on Dawn Chang (right): “Ito, totoong-totoo ito. Kahit anong sabihin ko tungkol kay Dawn Chang, sino? 'Ah, yung dancer?' Ibig sabihin, hindi ko talaga siya kilala. Sorry po pero hindi ko siya kilala at hindi rin siguro niya ako kilala... Wala pong malisya dahil hindi ko siya kilala. Yun lang."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Nagsalita si Cristy Fermin sa radio program niya sa Radyo Singko ngayong Lunes ng hapon, February 14, 2022, tungkol sa demand letter na ipinadala sa kanya ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate at dancer na si Dawn Chang at ng legal counsel nitong si Atty. Rafael Vicente Calinisan noong Sabado, February 12.

Ang paghingi ni Cristy ng public apology kay Dawn bago sumapit ang hatinggabi ng February 16 at full-page apology na ilalathala sa leading national broadsheets ang dalawa sa mga demand ng mananayaw sa pamamagitan ng lawyer nito.

Nag-ugat ang isyu nang magsalita si Cristy at depensahan nito si Toni Gonzaga sa kanyang afternoon radio program noong February 10.

Hindi nagustuhan ng beteranang radio host entertainment columnist ang diumano’y pakikisawsaw at mga batikos ni Dawn laban sa dating host ng PBB.

Komento ni Cristy: “Napaka-righteous at sikat nitong Dawn Chang. Di ba ’yan yung dancer? ’Yan yung dancer? Dancer ’yan na nasa ano dati... sa lunchtime show nila.

Continue reading below ↓

"Itong si Dawn Chang, ayan nagkakaroon ng mga trabaho ’yan, alam na alam sa ABS.

“Naku, Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba't ka nagkakaroon ng trabaho? E, pa-bash-bash ka pa. Ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss.”

Read: Dawn Chang’s camp demands public apology from Cristy Fermin for "nakikipaglandian" claim

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mariing pinabulaanan ni Dawn ang akusasyon ni Cristy laban sa kanya.

Pahayag ng dating GirlTrends member: “Kung totoo pong ako ay nakikipaglandian para lamang makukuha ng break sa ABS-CBN, e, di sana po ay hindi ako nawalan ng trabaho, o kaya prime artist na po ako sa aking network."

Giit ni Dawn: “Mas lalo pong hindi tama na ako ay paratangan ng malisyoso, malaswa at mapanirang salita.

“Gaya ng marami sa atin, naghahanapbuhay po ako nang marangal at tapat. Pinaghihirapan ang bawat pisong kinikita.”

Continue reading below ↓

Read: Dawn Chang: "Naghahanapbuhay po ako nang marangal at tapat."

NO PUBLIC APOLOGY

Ngayong Lunes ng hapon, February 14, nanindigan si Cristy na walang magaganap na public apology at hinding-hindi niya babawiin ang kanyang mga sinabi tungkol kay Dawn.

Ipinagmalaki ni Cristy ang kanyang "kredibilidad" bilang manunulat sa loob ng mahigit tatlong dekada.

Litanya niya: “Mahigit na tatlong dekada na po ako na nasa mundo ng panulat at dito po sa aking hanay na kinabibilangan, tinatanggap ko po yung mga ibinabato laban sa akin na kasong libelo.

“Sa trabaho po namin, walang ibang kaakibat na kaso kundi libelo. Mula po noon hanggang ngayon, hindi po ako bumabawi ng anumang sinasabi ko, hindi po ako nagbibigay ng public apology sa anumang isinusulat ko dahil para po sa akin, yung pinaghirapan ko pong tatlong dekada ng kredibilidad, hindi ko po ipananakaw."

Pinuna rin ni Cristy ang "hatol" na ibinigay sa kanya ng kampo ni Dawn kahit wala pang pagdinig sa piskalya na nagaganap.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Pero meron po palang pagkakataon na may maeengkuwentro kayo na isang isyu o kaso na hindi pa man kami naghaharap sa piskalya, hinusgahan na po agad ang aking pagkatao.

“Tinawag po akong sinungaling, duwag, nakakahiya, bastos, at kung anu-ano pa pong mga salita laban sa akin.

“Gusto ko bang makulong? Di ba nagalit ako? Hindi para sa akin yun, para sa ibang tao. Ako ang nag-warla.

“E, yung ako pa po ang sabihan na kung hindi ako magpa-public apology, kung hindi babawiin at gusto pa nila na ang apology ko, sa one page ng diyaryo?

“E, teka muna, teka naman. Hindi ko naman binuo itong kredibilidad na kahit paano’y hawak ko ngayon bilang puhunan para ipanakaw, ipawasak lang sa ibang tao. Kaya ang sabi ko, hindi tama ito. Hindi tama ito.

"‘Siguradong ipakukulong ka namin!’ Sus, demand letter pa lang, agad-agad? Wala man lang affidavit? Walang hearing, walang piskalya? Siya na kaagad ang nagbigay ng resulta?”

Continue reading below ↓

Sa kabila ng pag-aakusa niya kay Dawn na "nakikipaglandian sa mga boss," iginiit ni Cristy na hindi niya kilala "yung dancer."

Ani Cristy, “Ito, totoong-totoo ito. Kahit anong sabihin ko tungkol kay Dawn Chang, sino? 'Ah, yung dancer?'

“Ibig sabihin, hindi ko talaga siya kilala. Sorry po pero hindi ko siya kilala at hindi rin siguro niya ako kilala.

“Never pa po kaming nagkaharap, nadidinig ko lang po ang kanyang pangalan sa telebisyon, kung nadidinig ko man.

"Wala pong malisya dahil hindi ko siya kilala. Yun lang."

Gaya ng hinihingi ng abogado ni Dawn dahil sa paghuhusga ni Cristy sa pagkatao ng kanyang kliyente, humihingi rin ang veteran entertainment writer ng public apology mula sa abogado ng former PBB housemate dahil sa mga paghuhusga umano sa kanyang pagkatao.

Si Atty. Ferdinand Topacio ang legal counsel ni Cristy. Binibigyan nito ang kampo ni Dawn ng deadline hanggang hatinggabi ng February 16 para humingi ng public apology sa kanyang kliyente dahil kung hindi, sila raw ang magsasampa ng reklamo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristy Fermin (left) on Dawn Chang (right): “Ito, totoong-totoo ito. Kahit anong sabihin ko tungkol kay Dawn Chang, sino? 'Ah, yung dancer?' Ibig sabihin, hindi ko talaga siya kilala. Sorry po pero hindi ko siya kilala at hindi rin siguro niya ako kilala... Wala pong malisya dahil hindi ko siya kilala. Yun lang."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results