Did Janine Gutierrez unfollow Julie Anne San Jose on Instagram?

by Rose Garcia
Feb 15, 2022
Janine Gutierrez Julie Anne San Jose
Did Janine Gutierrez (left) unfollow Julie Anne San Jose (right) or wasn't she following the Kapuso singer-actress to begin with?
PHOTO/S: @janinegutierrez / @myjaps Instagram

Ini-unfollow ba ni Janine Gutierrez si Julie Anne San Jose sa Instagram?

Ito ang tanong ng fans nang mapansing hindi naka-follow si Janine kay Julie Anne.

Mabilis talaga ang fans at ang mga ito ang nakabantay sa social media accounts ng kanilang mga idolo.

Ayon sa fans, naka-unfollow na raw si Janine kay Julie.

Nang i-check ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga Instagram account nila, makikitang wala na nga sa followers ni Julie Anne si Janine.

Julie Anne San Jose, Janine Gutierrez

Continue reading below ↓

Pero si Julie Anne, naka-follow pa rin kay Janine.

Janine Gutierrez, Julie Anne San Jose

Noon pa man ay madalas na naka-like si Julie Anne sa Instagram posts ni Janine.

Kung nag-unfollow man si Janine kay Julie Anne, hindi malinaw kung kailan ito nangyari at kung noon ba ay nagla-like din si Janine sa IG posts ni Julie Anne.

Continue reading below ↓

Janine Gutierrez, Julie Anne San Jose

Ang sinasabing dahilan ng posibleng pag-unfollow raw ni Janine kay Julie Anne ay dahil sa balitang mas lalong nagiging malapit ngayon sa isa’t isa sina Julie Anne at Rayver Cruz.

Si Rayver ay ex-boyfriend ni Janine.

Naka-follow pa rin sa isa't isa sina Rayver at Janine.

JANINE AND RAYVER'S BREAKUP

November 2021 nakumpirmang hiwalay na sina Janine at Rayver.

Continue reading below ↓

Nang una itong maiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isang source na kilala ang magkasintahan ang nagpaabot na kakulangan ng oras sa isa't isa ang dahilan ng breakup.

Bukod sa magkaiba ng TV network, may kanya-kanyang onscreen partner ang couple.

Katambal ni Janine si Paulo Avelino sa defunct Kapamilya teleserye na Marry Me, Marry You, habang si Rayver ay katambal si Julie Anne sa paghu-host ng Kapuso show na The Clash.

Paulo Avelino, Janine Gutierrez, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose

Continue reading below ↓

Sa pagkakaalam ng source, wala raw third party sa hiwalayang Rayver at Janine.

Sa hiwalay na ulat ng PEP Troika, sinabing si Janine ang nag-initiate ng breakup nila ni Rayver.

May ilang sources din ang nagsabi na lubos na ikinalungkot ni Rayver ang hiwalayan nila ng dalaga.

Kasabay noon ang usap-usapang nauugnay si Janine kay Paulo sa tunay na buhay, habang si Rayer at Julie ay sinasabi ng iba na bagay na maging magkasintahan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did Janine Gutierrez (left) unfollow Julie Anne San Jose (right) or wasn't she following the Kapuso singer-actress to begin with?
PHOTO/S: @janinegutierrez / @myjaps Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results