Source: Si Janine Gutierrez ang nakipag-break kay Rayver Cruz

by PEP Troika
Nov 16, 2021
janine rayver star magic ball
Janine Gutierrez when asked if she is the type of person who is willing to give love a second or even a third chance: “Ako yung type na… sasagarin ko! Para in the end, no regrets at nasabi ko na ginawa ko lahat. And… parang that way, mas madali din — if ever you have to move on! Na parang you already did everything. Ahhmmm, ibinigay mo lahat, and… ahhmm… nagmahal ka nang todo… para no regrets.” Janine has reportedly broken up with Kapuso actor Rayver Cruz.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Inusisa ng vlogger na si Kate Adajar si Jake Ejercito sa virtual mediacon noong Nobyembre 10, Miyerkules, kung ano sa mga eksena niyang umere na sa teleseryeng Marry Me, Marry You (MMMY) ang unforgettable in terms of acting.

Napangiting tugon ni Jake, “Well, I guess those two times na nag-profess si Cedric kay Camille. Yung first one was through video presentation.

“And then, yung second, yung sumayaw ako. Ha! Ha! Ha! Parang hirap na hirap akong sumayaw in front of Janine considering kung sino ang boyfriend niya.”

Cedric ang pangalan ng karakter ni Jake sa MMMY, samantalang si Janine Gutierrez ang gumaganap na Camille.

Nilinaw ko kay Jake kung sinong boyfriend ni Janine ang tinutukoy niya — ang boyfriend sa MMMY na si Andrei (Paulo Avelino), o ang boyfriend sa totoong buhay na si Rayver Cruz?

Kilala kasi si Rayver sa kahusayan sa pagsasayaw.

Sabi ni Jake, “Pareho po. May itinatagong dancing skills si Paulo, e!”

Continue reading below ↓

Napatungo si Janine, at ang hirit ni Paulo, “Wala! Wala at all!”

Inurirat naman ni vlogger Albert Bryan si Janine kung siya ba ang tipo ng tao na nagbibigay ng second or third chance sa pag-ibig?

“Yes, oo!” natatawang sagot ni Janine.

“Ako yung type na… sasagarin ko! Para in the end, no regrets at nasabi ko na ginawa ko lahat.

“And… parang that way, mas madali din — if ever you have to move on! Na parang you already did everything.

“Ahhmmm, ibinigay mo lahat, and… ahhmm… nagmahal ka nang todo… para no regrets.”

Nang tanungin si Janine ni vlogger Nicole Flores na “what is love?” ay nag-atubili sa pagsagot ang Kapamilya actress, “Hmmn, my gosh! Ahhhmm, hindi ko din alam! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“I think it’s something that you just feel. Ahhmm… and… dati, yung sagot ko diyan is, pag mas pina-prioritize mo yung well-being ng taong mahal mo kaysa sa sarili mo.

Continue reading below ↓

“But now, parang I’m not sure kung that’s true. Dapat siyempre, mahal mo din yung sarili mo!

"So, hindi ko na alam! Pass!”

Nang mapabalita kapagkuwan na isang buwan nang hiwalay sina Janine at Rayver, nangangahulugan ba itong nasagad na si Janine kay Rayver?

GORGY RULA

Ang akala ng iba, gimmick lang itong breakup nina Janine at Rayver dahil may kani-kanya silang ka-tandem sa kani-kanyang TV show.

Katambal ni Janine si Paulo Avelino sa Kapamilya teleserye, at si Rayver naman ay may pakilig with Julie Anne San Jose sa Kapuso Network.

Pero ayon sa ilang napagtanungan kong katrabaho ni Rayver, ilang linggo na raw nilang napapansing malungkot ang male host ng The Clash.

Nakikita raw nila minsang seryosong nag-uusap sina Rayver at Julie Anne.

Nagku-confide kaya si Rayver sa kanyang co-host? Close kasi silang dalawa. Hindi raw nagsasalita si Rayver.

Pero ayon sa kuwentong nasagap ng PEP Troika, si Janine daw ang nakipag-break sa aktor. Gusto raw ni Janine na mag-grow.

Continue reading below ↓

Si Janine din daw ang nag-suggest kay Rayver na tanggalin ang pictures nito sa Instagram account ng binata. Kaya si Rayver ang naunang nagtanggal ng couple photos nila bago si Janine.

Ang isa pang nasagap ng PEP Troika mula sa ilang napagtanungan namin, pinag-iisipan na raw sana ni Rayver na mag-propose kay Janine.

Tila pinaghahandaan na raw niya ito dahil kaya na niyang mag-settle down. May sarili na siyang bahay, at okay naman ang kanyang showbiz career.

Wala silang problema sa kani-kanyang pamilya. Kaya umaasa pa rin ang ilang taong malapit kina Janine at Rayver na magkabalikan sila, at sana raw ay matuloy na sa kasalan.

NOEL FERRER

Di ba, tine-text ko kayo kagabi kung hiwalay na ba talaga sila o convenient lang now because they have separate careers?

Noong nasabi na ngang totoo yun — oh, I was thinking they must have grown in different directions. One for comfort and one for challenge. Magkaiba nga yun!

Continue reading below ↓

Oh, well, I trust Janine Gutierrez to make the right decision. Pero kakatwa na ang dalawang ex niya ay parehong mahusay magsayaw—sina Elmo Magalona at Rayver Cruz.

Everyone will find his/her right match. As I always say, “Water will find its level.”

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez when asked if she is the type of person who is willing to give love a second or even a third chance: “Ako yung type na… sasagarin ko! Para in the end, no regrets at nasabi ko na ginawa ko lahat. And… parang that way, mas madali din — if ever you have to move on! Na parang you already did everything. Ahhmmm, ibinigay mo lahat, and… ahhmm… nagmahal ka nang todo… para no regrets.” Janine has reportedly broken up with Kapuso actor Rayver Cruz.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results