Handa nang pasukin ni Erich Gonzales ang buhay may-asawa.
Ngayong Sabado, February 19, 2022, napag-alamang engaged na ang Kapamilya actress sa longtime boyfriend nitong si Mateo Lorenzo.
Si Erich ay 31 years old, habang si Mateo ay may edad na 29.
Iningatan ni Erich na ilayo sa limelight ang kanyang love life, at hindi sa kanya galing ang anunsiyong malapit na siyang ikasal.
Pero lumutang sa Internet ang kopya ng wedding banns, o anunsiyo sa Simbahang Katoliko, ng nalalapit na wedding nila ni Mateo.
Nakapaskil ang wedding bann sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City.
Nakasaad ditong nakatakda ang kasal nina Erich at Mateo sa March 23, 2022 sa naturang simbahan.
Makikita rin dito ang pangalan ng mga magulang ni Lorenzo na sina Martin Ignacio P. Lorenzo at Maria Leah F. De Leon.
Ang St. James the Great Parish ay parish church sa Ayala Alabang Village kunsaan nakatira si Mateo at mga magulang nito.
Makikita rin ang mga pangalan ng mga magulang ni Erich na sina Christopher T. Gancayco at Rica C. Gonzalez.
Walang clue sa Instagram account ni Erich tungkol sa kanyang engagement.
Sadyang bihira kasi siyang mag-post ng anumang may kinalaman kay Mateo.
A RARE MOMENT ERICH TALKs ABOUT MATEO
Sa vlog ni Erich nang magdiwang siya ng 30th birthday noong September 2020, may pasilip ang aktres sa kanyang buhay pag-ibig.
Hindi ipinakita ni Erich ang mukha ni Mateo sa vlog, pero mahihinuhang si Mateo ang kasama niya dahil nahagip sa camera na may kasama siyang lalaki na nagmamaneho ng kotseng sinakyan nila.
Nag-date sila sa isang restaurant, at panaka-nakang nagkomento si Erich ng pasasalamat niya sa nobyo.
Sa hiwalay na eksena sa parehong vlog kunsaan nagbubukas ng regalo si Erich ay binanggit din niya ang pangalan na "Mateo Lorenzo" na siya raw nagbigay sa kanya ng espresso machine.
Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng publiko ang tungkol sa pagkakaroon ng relasyon ni Erich.
Ilang beses na rin kasing naiulat ang mga pagkakataong nakita ng mapagmatyag na netizens na magkasama sina Erich at Mateo sa get-togethers kasama ng kanilang mga kaibigan.
Read: Erich Gonzales brings rumored non-showbiz boyfriend to a party

WHO IS MATEO LORENZO?
March 2018 nang aminin ni Erich na mayroon siyang idine-date na mystery guy, at July 2018 nang tukuyin niyang mayroon siyang boyfriend.
Ayaw lang daw niya talagang idetalye ito sa publiko.
Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 2020, nakasaad na si Mateo ay isang negosyante.
Isa siya sa labindalawang anak ng businessman na si Martin Ignacio Lorenzo.
Ang ama ni Mateo na si Martin Lorenzo ay may mga negosyo sa food retail at manufacturing company ng plastic products. Ilan sa brands sa pag-aari niyang RestaurantConcepts Group Inc. ay ang restobar na Barcino at donuts brand na GoNuts. Si Martin ay chairman at COO ng Central Azucarera de Tarlac.
Sa kanyang Instagram account, nabanggit ni Mateo na mahilig siya sa mga mamahaling kotse, show jumping, at agriculture.
Read: Erich Gonzales drops clues about relationship with businessman Mateo Lorenzo
