Sa kabila ng kanyang pagbabalik-showbiz, tikom pa rin ang bibig ni John Lloyd Cruz sa kanyang buhay pag-ibig.
Pero patuloy pa rin ang hinihinalang pagkakaunawaan nila ng Filipino artist na si Isabel Santos.
Read: Who is Isabel Santos?
Nag-post si Isabel ng panibagong litrato ng bonding nila ni John Lloyd, at kasama rin nila ang three-year-old son ng aktor na si Elias.
Ipinost ni Isabel ang mga litrato ni John Lloyd noong Lunes, February 22, 2022.
Sa Instagram Stories, makikita sina John Lloyd at Elias kasama ng dalawang companions at dalawa pang tsikiting.
Nasa tapat sila ng pond na maraming koi.

Sa isa pang litrato ay nakaupo si John Lloyd sa dining area kasama ang dating aktor na si Sarji Ruiz, na napanood sa teen-oriented program noon ng ABS-CBN na AngTV.
Si Sarji ay pinsan ni Isabel.

Sa Instagram feed ni Isabel, nag-post din siya ng ilan pang litrato ni John Lloyd na kuha sa beach.

Kasama rin nila roon si Elias, na makikitang naglalakad sa buhangin sa tabing-dagat.

Noong November 2021 naiulat ang tungkol sa makailang-beses na pagkakataong nakikitang magkasama sina John Lloyd at Isabel.
Tingin ng netizens, may espesyal na unawaan ang dalawa.
Lalo pa't noong December 2021 ay nakitang isinama rin ni John Lloyd si Isabel sa Christmas party ng Crown Artist Management, ang talent management company na kinabibilangan ni John Lloyd.
Nagkasama sina John Lloyd at Isabel sa isang group art exhibit noong 2017 kunsaan unang naglabas ang aktor ng mga kuha niyang mga litrato.
