Hindi pa rin naaayos ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez ang marital problem nila.
Base ito sa sunud-sunod na patama ni Carla kay Tom.
Ikinasal ang long-time couple noon lamang October 2021, pero sa nakalipas na dalawang buwan ay niyanig ng kontrobersiya ang kanilang pagsasama.
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?
Noong February 25, 2022, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pag-like ni Carla sa alegasyon ng netizen na si Tom ay isang "cheater."
Read: Carla Abellana reacts to netizen calling Tom Rodriguez a "cheater"
Pero bukod dito ay may iba pa palang ni-like si Carla na mga batikos ng netizen laban kay Tom.
Isang nagpakilalang fan ang kumuwestiyon kung paano nakuha ni Tom na "natiis at iniwan" si Carla.
"Nagtiwala syo ang biyenan mo tom…2 buwan natiis at iniwan mo ang asawa mo bagong kasal kyo hindi mo mahal ang wife mo kawawa si carla nagmahal at nagtiwala syo
"tom taas ng pride at ego mo buti nlang wala p anak kawawa naman broken family rin katulad ni carla..."
Ang tinutukoy ng netizen na "broken family" ay ang separation ng mga magulang ni Carla na si Rey PJ Abellana at Rea Reyes.
Ni-like ni Carla ang komentong ito ng netizen.


Akusa pa ng isang netizen kay Tom, "Guapo nga, di naman honest."
Ni-like din ito ni Carla na tila sumasang-ayon sa netizen.

Kinuwestiyon din ng isa pang netizen na mukhang "di affected" si Tom sa hiwalayan nila ni Carla.
Ina-unfollow na rin daw ni Tom ang ina ni Carla na si Rea.
Ni-like ni Carla ang komento ng netizen.


Habang isinusulat ang artikulong ito, naka-off na ang comments section sa Instagram post ni Tom kunsaan nag-iwan ang netizens ng batikos sa aktor at siyang mga ni-like ni Carla.
CARLA'S MOM IS NO LONGER FOLLOWING TOM ON IG
Kung itse-check sa Instagram, makikita namang naka-follow pa rin si Tom sa ina ni Carla, pero hindi na naka-follow si Rea kay Tom.


Base sa post ni Rea noong October 2021, mainit niyang tinanggap sa pamilya ang son-in-law na si Tom.
"I gained another son," sabi sa caption ni Rea, na dating aktres.
Makikita rin doon ang comment ni Tom na bago pa man sila ikasal ni Carla ay maganda na ang relasyon niya kay Rea.
Bahagi ng mensahe ni Tom, "Love you, meeeeem!!!!!!!!"

Sina Carla, 35, at Tom, 34, ay parehong Kapuso stars.
Una silang nagkatambal sa My Husband's Lover (2013), at huli silang nagkatrabaho sa Love of My Life (2020-2021) na isa ring hit Kapuso prime-time series.
Higit pitong taon silang magkasintahan bago nagpakasal noong October 23, 2021.
Read: Tom Rodriguez and Carla Abellana's love story: a timeline
