PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval on relationship status with Aljur Abrenica

AJ: "Magustuhan niyo, salamat. Kung hindi, wala akong paki.”
by Arniel C. Serato
Published Mar 1, 2022
aljur abrenica aj raval
AJ Raval on real score with Aljur Abrenica: "E, sobrang cool lang namin ni Aljur, masaya kami sa mga situation namin. May mga priorities at problema na dapat unahin."
PHOTO/S: Haiyan Facebook

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig nina AJ Raval at Aljur Abrenica sa totoong estado ng relasyon nila.

Sa panig ni AJ, cool lamang daw sila ni Aljur sa isa’t isa.

May mga bagay pa raw kasing kailangang unahin kaysa pagseseryoso sa isang relasyon.

Sa kanyang “Ask me a question” sa Instagram Stories kagabi, February 28, 2022, ibinahagi ni AJ ang mga tanong ng followers sa kanya.

Isa sa itinanong sa sexy star ay ang tungkol sa kanila ni Aljur.

Tanong ng netizen: “Kayo ba ni Aljur Abrenica?”

AJ Raval on real score with Aljur Abrenica

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ng Pandemic Breakout star: “E, sobrang cool lang namin ni Aljur, masaya kami sa mga situation namin.

“May mga priorities at problema na dapat unahin. Huwag ka mag-aalala, pag official na, updated ka.”

Sa isang panayam noong nakaraang linggo, hindi rin tuwirang sinagot ni Aljur ang tanong ukol sa totoong ugnayan nila ni AJ.

Ang biyahe raw nila sa Tanauan, Leyte noong February 14 ay trabaho at hindi Valentine’s Day vacation.

ON DEALING WITH BASHERS, HATERS

May ilan pang katanungan mula sa netizens ang sinagot ni AJ.

Isa na rito ay ang tungkol sa bashers.

Sabi ng netizen, “PAANO NYOPO NAGAGAWA I HANDEL MGA BASHERS YOU LOOK GOOD AT IT PO [heart emoji]”

AJ Raval on real score with Aljur Abrenica

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay AJ, pinagtatawanan na lamang niya ito.

Saad niya, “Nakakatuwa sila, sobrang funny nila. Hindi ko alam, merong part sa akin na pag nagbabasa ako ng mga hate comments, natatawa ako. Yung, 'Bakit galit na galit kayo sa akin, nakapatay ba ako ng tao? Parang ang OA ninyo.'”

Tanong ng isa pa, “Di ka ba natatakot sa sasabihin ng iba sayo?"

AJ Raval on real score with Aljur Abrenica

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni AJ, “Hindi, ba't ako matatakot. Mas nakakatakot maging sunud-sunuran sa ibang tao.

“Basta ako, magiging masaya, magiging totoo. Magustuhan niyo o hindi. Magustuhan niyo, salamat. Kung hindi, wala akong paki.”

Ang huling tanong na pinagbigyan ng aktres: “Naaapektuhan ka ba sa mga sinasabi ng iba about sayo?”

AJ Raval on real score with Aljur Abrenica

Aminado ssi AJ na noong una ay naaapektuhan siya sa mga puna at batikos sa kanya, pero ngayon ay hindi na raw niya ito pinapansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong komento niya, “Well, noong una, naapektuhan ako. Pero wala na, naka-move on na ako dun, e, ano pang gagawin ko.

“Wala na akong paki. Masaya ako, gagawin ko yung gusto ko, buhay ko to.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on real score with Aljur Abrenica: "E, sobrang cool lang namin ni Aljur, masaya kami sa mga situation namin. May mga priorities at problema na dapat unahin."
PHOTO/S: Haiyan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results