PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino almost fell prey to online scammer

Rocco Nacino almost falls prey to scammer.
by Arniel C. Serato
Published Mar 2, 2022
Rocco Nacino warns followers of online scammer
Rocco Nacino encourages followers to exercise due diligence in dealing with unknown persons online especially about money: "Sana maging aral ito para satin lahat na magingat palagi at magkaroon ng presence of mind lalo na kapag pera na ang usapan."
PHOTO/S: Courtesy: @nacinorocco on Instagram

Muntik nang mabiktima ng online scammer ang aktor at negosyanteng si Rocco Nacino.

Hindi naman kalakihan ang halaga, pero mabuti na lamang at kinumpirma muna ng Kapuso actor kung totoong ang kaibigan niyang si Gabby Eigenmann ang humihiram ng pera sa kanya.

Sa kanyang Instagram kagabi, March 1, 2022, ibinahagi ni Rocco ang usapan nila ng akala niyang si “Gabby Eigenmann” na humingi ng pabor sa kanya noong February 24.

Kuwento ng StarStruck alumnus: “So this happened a few days ago. Namuntikan pa ako dahil bagong gising ako.

"Buti nalang at naisipan ko muna silipin ang contact number para iverify at tawagan si @gabbyeigenmann para manigurado.

"Kasi alam ko mayaman tong si brother Gabby at kung meron man uutang ako dapat un sa kanya HAHAHHA

“Ayan, confirmed. At nagsimula na ang pakikiride ko sa poser na ito para makuha number nya.”

Ikinalungkot ni Rocco ang mga ganitong kaganapan at sana raw ay magkaroon ng presence of mind ang kapareho niyang makatatanggap ng mga ganitong klaseng mensahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umaasa rin ang aktor na makonsensiya ang scammer at hindi na ito gagawa pa ng kabulastugan.

Aniya, “It's sad to know that may mga gumagawa talaga ng ganito. Sana maging aral ito para satin lahat na magingat palagi at magkaroon ng presence of mind lalo na kapag pera na ang usapan.

“Sa taong ito, sana makonsensya ka sa ginagawa mo, at karma na ang bahala sayo. Kung kailangan mo ng pera, gumawa ka ng tamang paraan para makaipon. Hindi lahat nasshortcut.

“Sa mga followers ko, kung gusto niyo siya pagtripan. Ayan ang number nya [laughing emoji] will be reporting this also to the authorities para mahanap ang taong to at wala na sya maloko.

“Be safe everyone. Doble ingat palagi.”

View this post on Instagram

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

“DOBLE ANG BALIK SA KARMA”

Nag-post din si Gabby sa kanyang Instagram tungkol sa pangyayari.

Ikinadismaya niyang ginagamit ng nasabing scammer ang kanyang pangalan.

Kaya naman binalaan niya ang followers at mga kaibigan niya na huwag magpaloko sa mga nagpapanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post ni Gabby: “Got a call from my friend @nacinorocco, asking if i was the one messaging him on telegram.. sad to say there’s this person using my name and profile pic asking for money.

“Pls do not entertain any messages from this person pretending to be me. Kung sino ka man tigilin mo na ang pangloloko sa mga tao, mas doble ang balik sa karma..”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino encourages followers to exercise due diligence in dealing with unknown persons online especially about money: "Sana maging aral ito para satin lahat na magingat palagi at magkaroon ng presence of mind lalo na kapag pera na ang usapan."
PHOTO/S: Courtesy: @nacinorocco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results