PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin asks dad who he dislikes among her ex-boyfriends

She also asks for a love advice from her 95-year-old dad.
by Rachelle Siazon
Published Mar 6, 2022
Angel Locsin, Angelo Colmenares
Angel Locsin's 95-year-old dad Angelo Colmenares safely evades the tricky question as he reasons out, "Nakalimutan ko pangalan."
PHOTO/S: The Angel and Neil Channel

Sa isang bihirang pagkakataon, nilagay ni Angel Locsin sa hot seat ang ama niyang si Angelo Colmenares.

Nagdiwang si Angelo ng kanyang 95th birthday, at itinampok siya ni Angel sa YouTube Channel nila ng mister na si Neil Arce nitong March 5, 2022.

Inusisa ni Angel kung mayroon siyang ex-boyfriend na hindi nagustuhan ng ama.

"Sino sa mga naging ex ko ang pinakaayaw mo?" tanong ni Angel.

Sabay turo ng aktres sa hawak niyang cue card, "Nandidito, ha! Nakalagay. Ayoko ito tanungin ha!"

Natawang hirit ng ama ni Angel, "Huwag kang magalit."

Pero hindi ito sinagot ni Angelo.

Katwiran niya, "Nakalimutan ko pangalan."

Ang mga ex-boyfriends ni Angel ay sina Luis Manzano, Phil Younghusband, Oyo Sotto, at yumaong actor na si Miko Sotto.

May asawa na rin ang lahat ng mga ex-boyfriends ni Angel.

ON DAD GIVING HIS BLESSING TO ANGEL-NEIL

Inalam din ni Angel ang reaksiyon ng ama nang magpaalam si Neil bago ito nag-propose sa aktres noong 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang alam lang daw ni Angel ay bersiyon ni Neil na "a week before Father's Day" ay kinausap nito ang ama ng aktres na si Angelo Colmenares.

Sa kuwento noon ni Neil, akala pa ni Angelo ay "business proposal" ang pag-uusapan nila.

Ang kapatid ni Angel na si Ella ang nagbigay-linaw na marriage proposal ang pakay ni Neil.

"Happy" naman daw si Angelo na natagpuan ng anak ang taong nakalaan para rito.

"First of all, I want you to be in good hands and nasa age ka na," sabi ni Angelo kay Angel.

Tanong ulit ni Angel, "Anong lesson tungkol sa pag-ibig ang puwede mong ibigay a akin?"

Sagot ni Angelo, "Kailangan talaga to be happy in a married life, take good care of each other every day and put Christ in the center of your life."

June 29, 2019 nang inanunsiyo nina Angel at Neil na sila ay engaged.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGEL AND NEIL'S RELATIONSHIP

Pitong taong magkaibigan sina Angel, 36, at Neil, 38, bago sila naging magkarelasyon.

February 2018 nang opisyal na isinapubliko ni Angel na magkasintahan na sila ni Neil.

Makalipas ang isang taon at apat na buwan, noong June 2019, nag-propose si Neil kay Angel.

Ikinasal sila via civil ceremony sa Taguig City noong July 26, 2021.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin's 95-year-old dad Angelo Colmenares safely evades the tricky question as he reasons out, "Nakalimutan ko pangalan."
PHOTO/S: The Angel and Neil Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results